“Mahirap magustuhan ang isang prinsipe dahil sa katayuan niya, pero masarap mahalin ang pinagbabawal.” KANINA PA nagpe-play sa utak ni Aza ang sinabi ni Haruka sa kaniya, hindi niya maisip kung bakit nasabi iyon nito sa kaniya. Dahil sa mga salita na ‘yun ay naglalaro sa isipan ni Aza ang tungkol sa bagay na ‘yun kasabay ng sinabi pa ni Onyx sa kaniya. Nasa may rooftop siya ng knights mansion, nakahiga siya sa sahig at nakatingin siya sa kalangitan, nagpapahinga si Haruka kaya naisipan niyang sandaling tumambay sa rooftop. “Masarap mahalin ang pinagbabawal? Ano kayang ibig sabihin ni Ate Haruka? Bawal bang mahalin si Raizen?” mga tanong ni Aza sa kaniyang sarili. “Tsaka bakit sinabi ni Onyx sa akin na hindi ko pwedeng magustuhan si Raizen? Naguguluhan ako sa totoo lang, bakit kaya nila