Knights 04
The Five Knights and Me
Kinaumagahan ay mahimbing pa na natutulog si Aza dahil maganda ang naging tulog niya, napuno ang panaginip niya tungkol sa ikalawang knights na si Ash. Sa panaginip niya ay nagsasayaw silang dalawa at binibigyan sya nito ng matamis na halik, kahit tulog ay hindi maiwasan ni Aza ang mapangiti ng maabala ang tulog niya ng maramdaman niyang may tumatapik sa pisngi niya.
“Aza, you need to wake up!”rinig ni Aza na nabosesan niyang si Lena ang gumigising sa kaniya na ikinabaling niya sa kabilang side ng kama niya.
“Lena five minutes please, natutulog pa ako.”angal niya na ikinayugyog ni Lena sa braso niya na ikinakulukot ng kaniyang mukha.
“Lena…”
“No! Hindi pwede, you need to wake up Aza, bumangon ka na dyan bilisan mo!”saad nito na nabobosesan ni Aza ang pagkataranta ni Lena habang ginigising siya pero dahil gusto niya pang matulog ay nagtalukbong siya ng kumot niya.
“Lena naman, gusto ko pa matulog, late na ako natulog kagabi kaya mamaya mo na ako gisingin.”angal na reklamo ni Aza na ikinatayo ni Lena sa pagkakaupo nito sa kama ni Aza at malakas na hinigit ang kumot ni Aza na naiinis na ikinabangon nito sa pagkakahiga nito.
“Lenalee Perez, give back my comforter please, inaantok pa ako!”angal na reklamo niya ng biglang hawakan ni Lena ang magkabila niyang balikat na ikinasalubong niya ng tingin dito.
“Aza, kailangan mo ng gumising, fixed yourself and get some clothes at umuwi ka muna sa province natin. Bilisan mo at kumilos ka na!”pahayag na utos ni Lena sa kaniya na nagtatakang ikinatitig ni Aza sa kaibigan.
Naguguluhan si Aza kung bakit bigla siyang pinauuwi ni Lena sa probinsya nila, alam niyang hindi ‘yun ipapagawa ni Lena sa kaniya ng walang dahilan at pabigla-bigla lang.
“Huh? Ano bang sinasabi mo? Bakit pinagi-impake mo ko at kailangan ko pang umuwi sa probinsya natin? Bakit biglaan naman?”naguguluhang tanong ni Aza na ikinaupo ni Lena sa kama at seryosong binigyan ng tingin si Aza.
“Listen, Azalhea okay, tumawag si Wilton kay Mia at papunta na sya dito. Kukunin ka na daw nya ngayon at kung hindi ka sasama sa kaniya, kukunin niya ang Oz.”pahayag ni Lena na ikinagising ng diwa ni Aza at nagulat sa sinabi ni Lena.
“WHAT?! B-bakit naman niya ako kukunin? Ako na ako gamit niya?”
“Galit sya nung tumawag dahil sa pag iwan mo sa kanya sa date nyo kahapin, kaya sige na. Bumangon ka naa at mag-ayos, umuwi ka muna sa province natin, kami ng bahala sa kanya. Just saved yourself, okay?”saad ni Lena na labis na ikinapag-alala ni Aza para sa kaniyang mga kaibigan kung aalis siya at iiwan ang probelma sa mga ito na dapat ay kasama siyang humaharap.
“Pero Lena…”
“Don't think about us okay, think about yourself. Magiging maayos din ang lahat.”ngiting sambit ni Lena na tumayo na sa pagkakaupo nito at kinuha ang maleta ni Aza at kinuha ang mga damit nito sa closet nito at inilagay ng deretso sa loob ng maleta.
Tumayo na naman si Aza sa kama niya na may nalulungkot at nag-aalalang ekspresyon sa mukha nito para sa mga kaibigan niya.
“Lena…”
“Bilisan mong ayusin ‘tong mga gamt mo, malapit ng makarating si Wilton dito.”saad ni Lena kaya wala ng nagawa si Aza kundi tulungan si Lena sa pagkuha ng gamit niya at ayusin ito sa maleta niya.
Mabilis ang takbong pumasok si Aza sa banyo niya upang maghilamos at mabilisang nagbihis ng damit, nang makapag-ayos na siya ay lumabas na siya ng banyo nang harapin siya ni Lena matapos nitong maisara ang maleta niya.
“Huwag ka munang babalik dito hangga’t di namin sinasabi okay? Tsaka wag ka mag alala, walang mangayayari sa amin dito.”ani ni Lena na ikinahawak ni Aza sa dalawang kamay ni Lena at pinipigilan na huwag mapaluha sa harapan ng kaibigan niya.
“Gagawa ako ng paraan Lena para maisalba ang Oz, at para narin tigilan tayo ni Wilton. Babalikan ko kayo nina Mia pag nakagawa na ako nang para—“
“Aza, huwag kang gagawa ng desisyon na mahihirapan ka. Kung iniisip mo ang Knights Advertising Company, please, huwag mong gawin.”putol na bilin ni Lena sa kaniya.
“Pero…”
Agad na dinampot ni Lena ang maleta ni Aza at iniabot sa kaniya na kinuha naman niya, napapakagat nalang siya ng labi upang pigilan ang paglandas ng kaniyang mga nagbabadyang mga luha.
“Sa probinsya ka muna, mag-ingat ka okay?” ani ni Lena na sandaling niyakap si Aza.
“Sorry, hindi mangyayari ito kung hindi kami pumayag sa kasal na gusto ni Wilton. Sana hindi nangyayari ito, sorry talaga Aza.”malungkot na paghingi ng sorry ni Lena na hindi na ikinapigil ni Aza sa mga luha niya.
“Lena…”
“Sige na, mag ingat ka. Call us when you get there okay?”sambit ni Lena ng humiwalay ito sa pagyakap sa kaniya na parehas nilang ikinalingon sa may pintuan ng sumilip doon si Mia.
“Guys, bilisan nyo. Malapit na si Wilton baka abutan nya pa si Aza.”saad ni Mia na ikinatingin ni Lena at Aza sa isa’t-isa.
“Sa likod ka na dumaan, may malapit naman na sakayan ng bus pag sa may likuran ka dumaan. Mag ingat ka ha?”teary eye na saad ni Lena na naluluhang ikinatango ni Aza.
“Babalik ako Lena, babalik ako na may dalang way para tigilan na tayo ni Wilton.”pangako ni Aza na ngiting ikinatango ni Lena sa kaniya.
“Sige na! Go!”
Hinigpitan ni Aza ang pagkakahawak niya sa maleta niya bago sila lumabas ni Lena sa kwarto niya, mabilis silang nagpunta sa may likurang bahagi ng apartment nila upang doon dumaan si Aza. Nang makalabas na si Aza ay binalingan niya ng tingin si Lena na sinesenyasan siyang umalis nang magitla sila ng makarinig sila ng ingay sa may harapan ng apartment nila.
“Umalis ka na Aza!”taboy ni Lena sa kaniya na naluluhang unti-unting ikinalakad ni Aza palayo kay Lena.
“Lena, sabihin mo kina Mia na babalik ako, pangako ‘yan!”pahayag ni Aza bago mabilis na tumalikod at tumakbo palayo.
Hindi pa man siya nakakalayo sa pagtakbo niya ay kinabahang nagulat siya ng marinig niyang may tumatawag sa kaniya mula sa likuran niya,
“Hoy! Tumigil ka!”
Nilingon ni Aza ang kaniyang likuran at nanlaki ang kaniyang mga mata ng makita niyang may dalawang lalaki nang humahabol sa kaniya.
“s**t!”
Binilisan ni Aza ang pagtakbo niya kahit nabibigatan siya sa maleta na bitbit-bitbit niya habang patuloy siyang hinahabol ng dalawang lalaki na nakakaabot na sa kaniya.
“Tumigil ka sabi eh!”rinig niyang sigaw ng humahabol sa kaniya.
“Layuan niyo ako!” sigaw na saad ni Aza na ramdam niya na ang pagkahinga niya sa kaniyang pagtakbo, pero alam niyang hindi siya pwedeng tumigil.
At dahil nakapokus si Aza sa pagtakbo niya upang hindi siya mahabol ng dalawang lalaking humahabol sa kaniya ay hindi niya na napansin na patawid na siya sa kalsada nang matigilan siya ng makarinig siya ng malalakas na busina. Nanlaki ang mga mata ni Aza ng makita niya ang isang kotse na malapit na sa kaniya na rinig ang pagpreno nito, ilang inch nalang ang layo ng unahan ng kotse kay Aza ng magawa nitong makatigil na ikinawalan ng malay ni Aza na bumagsak sa kalsada dahil narin sa pagod sa pagtakbo niya at kaba na naramdaman nito.
“s**t! Nabulilyaso pa!”pahayag ng mga lalaking humahabol kay Aza.
Hindi na nila nagawang makalapit sa walang malay na si Aza dahil sa mga nagtipon-tipon na mga tao at sa lalaking bumaba sa kotse na muntik ng makabundol kay Aza na mabilis itong binuhat at dinala papasok sa kotse nito.
SA ISANG malawak at making mansion ay may tatlong nagga-gwapuhang mga lalaki ang nasa sala at mga nakatingin sa isang babaeng walang malay na nakahiga sa mahabang sofa na dala-dala ng isa sa kasama nila nang umuwi ito sa mansion.
“Oi Onyx, sigurado ka ba na hindi mo nabangga ang babaeng 'to?”curious na tanong ng isang gwapong may pagka singkit ang mga mata na nilingon ang kaibigan niyang nakaupo sa pang-isahang sofa.
“I’m pretty sure Hideki, ilang inch pa nga ang layo ko sa kanya. Hinimatay lang siya, hindi ko lang sya nadala sa Ospita dahil baka maging issue 'yan. Ayokong malagay sa dyaryo ang gwapo kong mukha, makakasira sa image ko.”paliwanag nito na ikinabalik ng tingin ng singkit na lalaki sa walang malay na babaeng dala ng kaibigan nila.
“Siguro kaya mo sya inuwi dito kasi nagandahan ka noh?Ang ganda eh!”akusa ng gwapong singkit dito na ikinaingos nito sa kinauupuan nito.
“Tss! Babaero ako Tomi pero may taste naman ako, oo maganda sya pero hindi ko sya type!”tanggi nito nang lingunin nito ang isa pa niyang kaibigan na walang imik sa kinauupuan nito.
“Zild, ano sa tingin mo tama ba na dito ko dinala ang babaeng ‘yan?”tanong nito sa kaibigan niyang lumingon sa kaniya at nagkibit balikat.
“Wala ka bang ibang masasabi”saad nito bago nilingon ang kaibigan niyang singkit na nakita niyang nilalapit ang mukha sa mukha ng dala niyang babae
“Hoy Hapon, tantanan mo nga sya. Ngayon ka lang ba nakakita ng maganda?”sita nito sa kaibigan niyang singkit na ngiting lumingon sa kaniya.
“Nakakatuwa kasi syang pagmasdan eh, lagyan ko kaya ng drawing ang mukha nya?”
“Tomi, stay away from her, and spare her in your childish prank.”sita ng isa pa nilang kasama sa mansion na may dalang maliit na planggana at maliit na bimpo na deretsong lumapit sa kinahihigaan ng babaeng dinala ng kaibigan nila.
“Oi Tyre, sabi mo kanina nung buhat ko syang dinala dito nabanggit mo na kilala mo sya?”tanong nito habang nilapag ng kaibigan niya ang mga dala niya sa center table.
“Yeah, I remember her face but I don't know her name. Sya ‘yung naikwento ko sa inyo na babaeng tinulungan ko kaya nalate ako sa meeting kahapon.”
“Wow, coincidence nga naman. Look at it, ako pa talaga ang nakakita sa kanya. Bakit kaya tumakbo yan sa kalsada?”pahayag na tanong nito dahil muntik na siyang makasagasa ng tao.
“Ang sarap sulatan ng mukha nya, sige na Ash, sa may pisngi niya lang.”request ng lalaking singkit sa kanila ng makita nila ang dahan-dahan na pag galaw ng babae sa kinahihigaan nito na miya-miya ay dahan-dahang nagmulat ng mga mata nito.
Nang maimulat na nito totally ang mga mata niya ay napalingon ito kay Tomi na ikinasalubong ng mga nila na dahan-dahang ikinalaki ng mga mata ng dalaga at pabalikwas na napabangon at napasigaw, gulat na napasigaw din at napatakbo ang lalaking singkit sa kaibigan nitong tahimik at tumabi sa upuan nito.
“Nasaan ako? Sino kayo?”
Natataranta si Aza ng magising siya na may isang lalaking nakatingin sa kaniya at mas nataranta siya ng makita niyang may mga kasama ito na nakatingin sa kaniya. Pilit na iniisip ni Aza kung anong nangyari, dahil ang huling natatandaan niya ay may humahabol sa kaniya. Isa-isang tiningnan ni Aza ang mga di kilala pero pamilyar na mukha sa kaniya nang matigilan siya ng may lumapit na isa sa kanila na bahagya niyang ikinagulat ng makilala ito.
“Okay ka na ba Miss? Do you remember me?”kalmado at nakangiting tanong nito sa kaniya na ikinatitig ni Aza dito.
“I-ikaw?”turo niya dito na mas ikinangiti nito sa kaniya dahil naalala niya ito.
“Ako nga, mabuti natatandaan mo pa ako. Kamusta ang pakiramdam mo?”tanong nito sa kaniya na hindi magawang ikaimik ni Aza habang nakatingin sa kaniyang crush na nasa panaginip niya lang kagabi.
Totoo ba ito? Nasa harapan ko talaga si crush ko? Hindi naman siguro ako nananaginip diba? Mga tanong ni Aza kaniyang isipan ng maputol ang pagtitig niya sa kaniyang crush ng makarinig siya ng isang sipol.
“Wala na, mukhang na hook na ng charms ni Tyre ang isang 'yan.”
Ibinaling ni Aza ang tingin niya sa lalaking nagsalita na nakangising nakatingin sa kaniya, nilingon niya din ang isa pang lalaking tumitingin sa kaniya kanina na may katabing isa pang lalaki na tahimik lang sa kinauupuan nito na nakatingin sa kaniya. Ibinalik ni Aza ang tingin niya sa kaniyang crush bago muling binalik ang tingin sa tatlong kasama nito na dahan-dahang ikinalalaki ng mga mata ni Aza nang mag sink in sa kaniya kung sino ang mga nakikita niya sa mga oras na ‘yun.
“Ka-kayo? The Five Knights…”bulaslas ni Aza na ikinangiti ng kaniyang crush sa kaniya.
“Kami nga.”
Nasa harapan ko na ang apat sa Five knights, ang crush ko. Nanaginip lang ba ako? Saad ni Aza sa kaniyang sarili dahil hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya at kasama niya sa isang lugar ang apat sa Knights na may ari ng KAC.
Hindi makapaniwala si Aza sa nangyayari sa kaniya sa mga oras na ‘yun ng sabay-sabay silang mapalingon sa kanang bahagi ng mansion kung saan may isang lalaking kalalabas lang ng isang silid na walang suot na damit pang-itaas, na ikinalaki ng mga mata ni Aza habang nakatingin dito.
“Holy eight packs of abs…”pabulong na sambit ni Aza habang nakatingin siya sa lalaking seryoso ang mukhang nakalapit na sa kanila.
“Good morning sayo, bakit nagising kana?”bati ng lalaking sa pagkakatanda ni Aza ay ito ang pang lima sa mga knights, si Onyx Samaniego ang babaero sa limang knights.
“I heard some fvcking noise, that’s why I woke up.” Walang emosyong sagot ng bagong gising na lalaking nilingon ang lalaking singkit na naabutan ni Aza kanina na nakatingin sa kaniya na sa pagkaka-alala niya ay ito ang pang-apat sa naman sa knights, Tomi Hideki.
Nagtago ito sa likuran ng tahimik lang na katabi nito na pang tatlo sa knights, Zild Benitez.
“Pasensya na kung naka istorbo kami.”saad na paumanhin ni Ashlan Tyre Davis, ang pangalawa sa knights.
Hindi makapaniwala si Aza na kasama niya sa iisang lugar ang mga knights na binabasa niya lang kagabi sa net ang ilang information tungkol sa mga ito. Tiningnan niya ang bawat isa sa mga knights hanggang sa mapadako siyang muli ng tingin sa lalaking malamig kung makatingin sa kaniya na parang ikinatuod ni Aza sa kinatatayuan niya.
“Who is she? Why do you let someone enter into this house?”malamig na pahayag nito habang walang emosyon na nakatingin sa kaniya na hindi naman maialis ni Aza ang tingin sa gwapong lalaking nasa harapan niya.
Shit! The first knight, Raizen Titus Yvanov, the Prince and the cold guy. Don’t tell me nasa kaharaian na ako ng mga gwapong knights?! Sambit ni Aza sa kaniyang isipan.
“Nananaginip lang ako diba?”