Bella's POV
Sobrang aga kong gumising at naligo, kung ayaw kong may ibang makakakita ng ebidensiyang ginawa namin ni Dale kagabi, ay dapat ko 'yon matakpan kaagad ng concealer na hindi nila nalalaman.
Maputi ako kaya madali lang mapapansin kung may pasa ako sa katawan o kahit na anong klaseng pamumula o sugat.
Inabot pa nga ng isang oras bago ako tuluyang nakatulog kagabi, tapos alas cinco pa lang ng umaga naghahanda na ako.
Hindi talaga umabot ng limang oras ang tulog ko ngayon. Paniguradong aantokin ako sa set mamaya hanggang sa pag-uwi namin. Kailangan kong uminom ng marami-raming kape ngayong araw.
Nasa loob ako ng banyo ngayon, tapos na akong maligo at magbihis. Naglalagay na ako ng concealer sa leeg ko.
"Pucha talaga oh," bulong ko sa sarili habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.
Napabuga ako ng hangin pagkatapos kong ilagay uli sa maliit kong pouch ang concealer stick. Kumuha ako ng press powder atsaka ito inilagay sa aking leeg para mag mukhang natural at mag set siya doon.
Nang kuntento na ako sa aking ginawa at nasisiguro kong hindi talaga siya mapapansin ay lumabas na ako ng banyo.
"Good morning, aga natin ah," bungad ni Akisha sa'kin. Ningitian ko naman siya at binati rin pabalik.
Kaagad namang nag-unat ng katawan si Akisha bago kumuha ng tuwalya at pumasok sa loob ng banyo para maligo. Nagcellphone lang ako sa gilid habang hinihintay na magising ang dalawa. Unang gumising si Olga at kaagad na napasapo sa kanyang ulo.
Alam kong ito kaagad ang bubungad sa kanya sa umaga kaya naghanda ako ng tig iisang basong tubig para sa kanilang dalawa. Si Akisha ang nagbihis sa kanila kagabi kaya dapat lang na ako naman ang umasikaso sa kanila ngayon.
"Ang sarap malasing kung kasama naten sina Akisha at Bella, siguradong alagang-alaga tayo sa mga kamay nila," ani ni Beverly habang iniinom ang isang basong tubig. Kakagising lang niya rin kaya inabotan ko kaagad siya ng tubig.
"Sira ka talaga! Sa susunod hahayaan na lang kita sa tabi-tabi," ani ni Akisha atsaka umirap. Napabungisngis naman si Beverly sa kama nila.
Kakatapos lang ni Akisha na maligo, kaya si Olga na ang nasa loob ng banyo ngayon. Nagkukwentohan kami sa mga pangyayari kagabi habang hinihintay namin si Olga na lumabas.
"Sinabi ko 'yon?!" gulat na gulat na sambit ni Beverly habang nakatakip sa kanyang bibig. Kinuwento kasi namin sa kanya kung ano-ano ang sinabi at tinanong niya kay Rijanyl kagabi.
Hindi naman maitago sa kanyang mukha ang hiya kaya malakas kaming napatawa ni Akisha.
"Pasali naman sa kwentohan, anong meron?" Napalingon kami kay Olga na kakalabas lang ng banyo. Tapos na rin siya at mukhang hindi nalasing kagabi dahil nagmumukha na siyang presentable ngayon.
"Hindi kasi naalala ni Beverly ang mga ginawa o sinabi niya kay Sir Castellano kagabi, kaya pinaalala namin ni Bella sa kanya ngayon," sambit ni Akisha habang nakangisi parin. Hindi narin naiwasang mapabuhakhak si Olga ng tawa pagkatapos namin sabihin sa kanya ang mga salitang nasabi ni Beverly kagabi.
Olga felt relieved when we told her she doesn't made any scene last night towards Rijanyl, unlike Beverly. Napahawak siya sa dibdib atsaka napabuntong hininga na tila ba natanggalan siya ng tunok sa dibdib.
"Nakakahiya talaga! Wala na akong mukhang ihaharap kay sir ngayon sa set!" Beverly exclaimed and scream against the pillow. Nakanguso siyang nagmarcha sa loob ng banyo para maligo kaya hindi na naman namin maiwasang mapatawa sa sitwasyon niya.
*****
Alas siete y media na ng umaga kaya naisipan na naming lumabas. Tapos na kami sa paghahanda at naisipan ng bumaba papuntang restaurant ng hotel para mag-almusal. Nakahanda na rin ang mga gamit namin mamaya para pagkatapos ng set, kukunin na lang namin ang mga gamit dito sa kwarto at tuluyan ng mag check-out.
May naksalubong din kaming mga coworkers namin sa hallway at sa elevator kaya binati namin sila.
Nang makalabas na kami sa hotel, sama-sama kaming pumunta sa restaurant ng hotel resort na ito na malapit sa dalampasigan. Napalingon naman ako sa eksaktong lokasyon kung saan may hindi maganda kaming nagawa ni Dale kagabi.
Bigla akong namula atsaka nag-iwas ng tingin.
"Good morning Sir Castellano," napakurap ako ng biglang magsalita si Akisha sa harapan namin. Bumati naman ang iba naming kasama sa kanya.
Napakamaaliwalas niyang tignan sa suot niyang khaki boardshorts, white tshirt atsaka isang khaki polo shirt din na bukas ang lahat ng butones.
"Good morning sa inyung lahat," bati niya sa amin. Deretso naman siyang napatingin sa aking direksyon atsaka ngumiti.
"Good morning, Bella," aniya atsaka nilapitan ako. Hindi naman nakatakas sa aking paningin ang pagsiko ni Olga nina Akisha at Beverly sa gilid.
"Good morning," bati ko rin sa kanya pabalik.
"Mauna na kami sa inyo Sir, Bella," sambit ni Olga atsaka hinablot ang kamay nila Bev at Akisha palayo mula sa amin.
Anong klaseng mga kaibigan sila para iwan ako dito?!
"How are you today? Naging maganda lang ba ang pagtulog mo kagabi?" sunod na sunod niyang tanong sa akin. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi.
"Bella, okay ka lang? May sakit ka ba?" ani niya atsaka sinapo ang aking noo. "Namumula ka." Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya atsaka nag-iwas ng tingin.
Sobrang halata ko talaga!
"W-Wala, ayos lang ako. T-Tara dumeretso na tayo kaagad sa resto, gutom na ako eh," sabi ko atsaka naunang naglakad sa kanya. Naramdaman ko naman na hinabol niya ako atsaka ako sinabayan sa paglalakad.
Hindi na siya nagabala pa na tanungin ako, naging tahimik lang siya sa tabi ko. Mas mabuti pa nga ang ganon kesa ang bigla-bigla na lang akong mamula dahil sa kung ano man ang sabihin o tanongin sa akin.
Nang makapasok na kami sa loob, kapansin-pansin ang dami ng tao sa loob. Halos lahat ng upuan puno na. Napatingin ako sa relo kong pambisig, malapit ng mag-aalas otso. 9 am magsa-start ang photoshoot, kailangan pa naming itayo muli ang set at ihanda si Althea.
Speaking of...
"Bella!" boses ni Althea ang narinig ko mula sa porch area ng restaurant. Kumakaway siya sa'kin at sinenyasan na lumapit sa kanya. Nakasuot siya ng malaking hat at shades, sobrang sexy niya rin sa suot niyang kulay itim na beach dress.
"Dito lang muna ako sa kasamahan ko ha?" tanong ni Rijanyl sa'kin na kaagad ko namang ikinatango. Nakita ko naman siyang naglakad papalapit sa team niya.
Hinanap ng mata ko sina Olga, nakita ko naman sila na busy sa pagkain sa may pinakadulo ng restaurant. Ibinaling ko muli ang aking paningin ni Althea at kitang-kita mula dito sa distansya ko ang ngiti niya sa labi habang kumakaway sa'kin.
I immediately approached her direction but then, I automatically stopped when I saw him sitting beside Althea while reading a newspaper. He's wearing a shade, a white polo, and black boardshorts. Hinahangin naman ang malambot niyang buhok.
Nang makita ko ang kabuoan niya, kaagad na sumagip sa aking isipan ang lalakeng nakatayo sa isang yate habang nakahawak ng wine glass nong araw ng graduation ni Beatrice.
So all this time, it was him?
Bakit ngayon ko lang napansin?!
"Bella, what's wrong? Mukha kang nakakita ng multo," ani ni Althea atsaka lumapit sa'kin at hinawakan ang kamay ko.
Ilang beses pa akong napakurap atsaka deretsong napatingin sa kanya. "W-Wala naman, I guess it's better for me to eat with my coworkers," ani ko na ikinabagsak ng kanyang balikat.
Bigla naman akong nakonsensya sa sinabi ko.
Ngayon ko lang napansin ang isang lalake rin na katabi ni Dale, just like him, he wore a shades, floral polo shirt and a white boardshorts.
"Oh, hi. I guess you're Althea's consultant. Am I right?" he said politely which make me nod in response. Mukhang ito yong lalake na kausap ni Althea kagabi.
"It's almost 8, wala ka nang mauupuan sa loob," sabay kaming napalingon sa lalakeng nagbabasa ng diyaryo. He looked in my direction and eventually raised one of his eyebrows and lower down his shades a bit.
Hindi siya nakatingin ng deretso sa aking mga mata. He's looking intently straight to my neck!
"Oh, it's not visible anymore," ani niya na ikinagulat ko. Halata naman sa mga mukha ng dalawa pa naming kasama dito ang pagkalito.
"What is he talking about," I heard Althea whisper.
"Anyway, Dale is right, Bella. Dito ka na lang kumain kasabay namin, please?" she asked like a little child. Hindi ko siya matiis kaya ningitian ko siya atsaka tumango. Kulang nalang pumalakpak siya sa tuwa.
She grabbed my hands and let me take the seat beside her. The table was round and it was good for 4 persons olny. Nasa kanan ko si Althea, ang lalake na kausap naman niya kagabi ay nasa kaliwa ko, habang nasa harapan ko naman si Dale.
Hindi ko siya tinaponan ng tingin hanggang sa tuluyan na akong napaupo.
Althea told me to take some food na kaagad ko naman ginawa. All I just need to do is to finish my breakfast, the faster I can do it, the lesser time I need to spend with them.
"Napapansin ko lang, every day you look better and better. Blooming ka ngayon Bella, is that the sign of finally moving on?" Althea asked while slicing her pancakes and smiling at me.
"So you're single?" Napalingon ako sa kaliwa ko ng magtanong ang lalake.
Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Really? May irereto ako," sabi niya atsaka ngumiti.
Pareho sila ng mga mata ni Rijanyl, chinito. Mas maganda nga lang shape ng mata niya sa malapitan, makapal din ang kilay, matangos ang ilong, at bagay na bagay sa kanya ang maalon niyang buhok. Glowing tan naman ang kulay ng kanyang balat na bumagay naman sa kanya. Maganda rin ang pangangatawan, halatang tumatambay sa gym.
"Van, respect my guest," Althea said in an authoritative tone. Napalingon ako sa kanya na medyo may gulat sa aking mukha.
Hindi ba ito ang Van na tinutukoy ni Dale noong nasa Isla Pueblo kami na ikinamula ng mukha ni Althea? Napatingin ako uli sa direksyon nong Van, kaya pala hulog na hulog si Althea sa kanya.
"Chill kitten," ani ni Van. Kaagad na nag iwas ng tingin si Althea sa kanya atsaka tinuon ang buong atensyon sa kanyang plato. Tulad ko, masyadong halata si Althea. I wonder why this man hasn't noticed her gestures and reactions towards him.
Sobrang obvious na kaya na may lihim na pagtingin si Althea sa kanya.
"My apologies, mademoiselle," sambit ni Van sa'kin atsaka bahagyang nag-bow habang nasa dibdib ang kanyang kanang kamay.
I gave him an awkward smile before I continue eating my breakfast.
"So bro, bakit natagalan kang pumasok sa kwarto naten kagabi? Sabi mo may kukunin ka lang sa kotse pero antagal mong nakabalik." Nabulunan ako sa kinakain kong panghimagas.
I heard Althea gasp and called the waiter for some glass of water. Nagulat naman si Van atsaka tinulungan din si Althea sa paghagod ng likod ko. Nang dumating ang waiter na may dalang tubig, kaagad iyon kinuha ni Althea atsaka pinainom sa'kin.
"God, are you alright?" nag-aalalang tanong ni Althea sa'kin.
"O-Okay lang ako, pasensya na kayo," ani ko atsaka tuluyang inubos ang tubig.
"About last night, I just had some urgent business to do," ani ni Dale atsaka idiniin ang salitang 'business'. Deretso namang napatingin ang dalawa sa direksyon niya.
"I thought you're in the middle of 'little vacation' from your exhausting job?" si Van 'yan.
"It's not what you really think it i--"
"Tapos na po ako, salamat po sa pag imbita sa'kin na makasama kayo ngayong umaga," sabi ko atsaka tinignan silang Althea at Van na may ngiti sa aking mga labi. Hindi ko tinaponan ni kahit na katiting na tingin si Dale, pakialam ko ba sa kanya?
"You're leaving already?" I can sense some protest in Althea's voice.
"Yes, Althea, I still have some work to do," I said and winked at her. Nakita ko naman kung paano siya ngumuso sa'kin.
I got my ass up and bid my goodbyes to her.
"I'll prepare your outfits for today," I said when she gave me a hug.
Binigyan naman niya ako ng isang matamis na ngiti pagkatapos atsaka tumango. "It's nice finally meeting you, Bella," sambit ni Van sa gilid.
"Nice meeting you too," I said before I excused myself.
Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan na akong lumabas sa lugar.
Tsk! Pahamak talaga ang lalakeng 'yon! He doesn't know when to shut his mouth.
Someone's POV
Maingat akong naglakad patungo sa isang lalakeng nakatalikod dito sa ibabaw ng under construction pang building ng Paraiso de Villamor.
He's aiming a sniper at someone. I silently cursed when I step on a plank of wood and it makes a crack sound. Bago pa siya tuluyang mapatingin sa aking direksyon, inimba ko na siya ng suntok sa panga.
Nawalan siya ng balanse at napaupo sa sahig. He's wearing all black with a mask on his face, kita lang ang mga mata niya.
Nang makita niya ako, biglang nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat. Hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataong sumugod sa'kin. I automatically kicked his stomach that caused him too much pain.
I took the pen from my pocket and stuck it on his thigh making him scream in distress. This isn't just an ordinary pen, this is a weapon.
"Tell me who brought you here," I asked in a calm tone while looking intently into his eyes. I removed his mask to uncover his identity.
"H-Hindi ko alam! Binayaran lang ako!" pagmamatigas niya. I stuck the pen deeper into his thigh na ikinasigaw pa niya.
"I won't stop until this thing won't completely be buried inside your thigh."
"Hindi ko nga alam! Aaaaaaah!" Tinakpan ko ang kanyang bibig atsaka napatingin sa paligid. I pushed the top part of the pen and a liquid had been released that will slowly kill him. Ramdam na ramdam niya siguron ang mainit na likido kaya napasigaw siya ng husto.
"You'll die any minute from now and I had the antidote that you need. Kung talagang mahal mo pa ang buhay mo, sabihin mo sa'kin kung sino ang nagpadala sa'yo dito at sino ang target mo!" Kinuwelyohan ko siya at mas inilapit ang kanyang mukha sa akin. Kitang-kita naman ang takot sa kanyang mukha.
"S-Si Sebastian! Si Sebastian Dale Sieberg ang target ko, 'yon ang inutos s-sa'kin!" Nag-igting ang panga ko sa sinabi niya.
"Sino ang umutos?" tanong ko pero hindi niya talaga ako sinasagot.
"Sino!"
"Si-- aaahh!" Nagulat ako ng bigla siyang mapasigaw at parang hindi mapakaling kinapkap ang kanyang dibdib.
"Tulongan mo 'ko! Aaaaahh!" Parang nang-iinit ang kanyang katawan. Kaagad niyang tinanggal ang suot niyang vest at pinunit ang suot niyang pang-itaas.
Nagulat ako ng may makita akong simbolo sa kanyang dibdib. It was the Black Rose Crest, umiilaw ito na tila nagliliyab. What kind of sorcery is this?! That tattoo is killing him from inside!
"Tulongan mo 'ko, parang awa mo na!" Tuluyan na siyang napahiga sa sahig at tila nangingisay ang buong katawan.
It's impossible that the liquid from my pen is the cause of this, it will affect the victim within 10 minutes. At wala pa ni tatlong minuto mula noong itinurok ko ito sa kanya.
Tuluyan na siyang nawalan ng hininga. I automatically check on him pero ganon na lang ang gulat ko ng mawala ang simbolo sa kanyang dibdib. There's no trace of any single ink from the tattoo in his chest.
I push the button on my watch that will automatically give a call to the headquarters. Inilapit ko ang aking relong pambisig sa aking bibig at nagsalita.
"This is agent 005 speaking, the target was eliminated."
[I never said to eliminate him, agent 005.]
"I didn't sir, it was the Black Rose Crest."
Narinig ko ang mahina niyang mura mula sa kabilang linya.
[They're making a move again.]
"The eliminated individual was aiming a sniper at Sebastian Dale Sieberg," sabi ko atsaka tinignan ang scope ng sniper. It was really aimed at his head while he's taking his breakfast.
[Tuloy parin ang plano. Your task is to keep an eye on the Sieberg's Mafia heir.]
"Understood sir. Agent 005, requesting permission to end the transaction."
[Permission granted.]
Napatingin ako sa lalakeng nakahandusay sa sahig pabalik kung saan ang eksaktong lokasyon ni Sieberg.
You're too lucky to be alive until this moment.