Sino ka nga ba? Muling tanong ko dito pagka-ubos namin sa dala nitong donuts at cupcakes. Nangingiti ito habang panay ang pahid ng hinlalaki sa gilid ng bibig ko. Ang kalat mong kumain. Pag-iiba nito. Napalabi ako at napairap dito. Mukha namang hindi lang siya basta- bastang tauhan lang ni Dm. Kaya kinakabahan ako dahil baka lalo kong ikapahamak ang paglalapit nito sa'kin. I'm Dwaine Matthew. Dwaine for short baby. Natigilan ako at namamanghang lumingon dito. Nagpakurap- kurap pa ako sa pagtawag nito sa akin ng...baby? Iisang tao lang ang tumatawag sa akin ng endearment na 'yon! Si Dm. Natatawa itong pinitik ako sa noo na siya'ng laging gawain ni Dm sa tuwing napapatawa ko ito habang naglalambingan kami! Napahawak ako sa noo ko na ikinatigil nito. Bigla itong sumeryoso at t