Ep. 2 DM POV

1107 Words
ISANG buwan na ang nakalipas mula nang maupo ako bilang mafia boss ng aming grupo. Ilang kalaban na rin namin ang aming nilusob at pinabagsak sa mga kamay ko. Lahat ng mga tauhan ng mga grupong pinabagsak namin ay walang itinitirang buhay at kinakamkam lahat ng kanilang pag-aari. Hindi naman lingid sa kaalaman kong kahit ako ang kinakatakutan ng lahat ay nandidiri at pinagtatawanan pa rin nila ang itsura ko sa tuwing nakatalikod ako. Puno ng CCTV at audio recordings ang buong mansion maging sa lahat ng mga sasakyan ay meron kaya malaya kong naririnig at napapanood ang mga pang-uuyam at pandidiri ng mga ito sa pagmumukha ko. Pinapalagpas ko na lang ang mga ito dahil hindi naman ako apektado. Tumatawa na lang ako sa loob-loob ko sa tuwing kinukutya ako ng mga ito. Mga tao talaga, itsura ang pinakamahalaga sa kanila. Kung nag kataon at pangit kang isinilang. . . ? pagtatawanan ka pandidirian na dinaig mo pa ang may nakakahawang sakit. Sa pag-oobserba ko sa lahat ng mga tauhan ni Daddy ay puro mga pakitang tao lang. Kaya hirap akong magtiwala sa kanila maging sa mga maid dito sa mansion ay alam ko kung gaano sila nasusuka sa pagmumukha ko. Balewala naman sa akin ang panghuhusga nila. Ang mahalaga ay hindi nila ako sinasaksak patalikod dahil hindi ako mag dadalawang-isip lagutan sila ng hininga. "Bigboss, handa na ang lahat para sa paglusob natin sa grupo nila Don Martinez. Ang dating kaibigan ni Don Enrique, pero trinaydor niya si boss at inagaw ang ibang client natin from England." Magalang saad ng kanang kamay ko. "Okay, let's go." Walang emosyon kong sagot. Tumayo na ako at isinukbit na sa magkabilaang tagiliran ko ang paborito kong pistol. Ang glock17 caliber 9x19 mm parabellum made in Austria. Kaagad namang napasunod sa akin ang mga tauhan ko na kita ang takot sa kanilang mga mata sa tuwing dumadaan ako na parang hari. MAINGAT naming pinasok ang pinaka-hideout ng grupo nila Martinez at isa-isang pinatulog ang nagkalat na bantay ng walang kahirap hirap. Nang ma-corner namin ang pinuno nila ay hindi na ako nag-aksaya ng oras na lapitan itong dakma ng mga tauhan ko. "Hayop ka, DM! Matalik kong kaibigan ang ama mo for f*****g thirty years Hindi ko lubos akalaing ikaw pa mismo ang magpapabagsak sa akin!" nanggagalaiti nitong bulyaw sa akin. Napapalibutan na namin siya dito mismo sa kanilang headquarters at wala na 'ni isang tauhan nito ang buhay. Ngumisi lang ako at itinutok sa kanyang noo ang pistol ko na ikinatigil nitong dumaan ang takot sa mga mata. "Any last word before you meet your devil boss?" mapang-uyam kong tanong. Nanlilisik ang mga mata nitong tumitig sa mga mata ko na puno ng galit. Ngumisi lang ako na hindi nagpadaig sa matalim niyang mga mata. "You'll regret this, young man. What are you waiting for? Kill me now!" Umalingawngaw ang sigaw nito sa buong silid kasabay ng pag kalabit ko sa gatilyo at sapul ito sa noo. Dilat ang mga mata nitong bumagsak sa sahig at kaagad umagos ang dugo nito. "You're wrong, Martinez, I won't regret getting your life, old man," nakangising saad ko at hinipan ang dulo ng pistol ko bago muling isinukbit sa tagiliran ko at lumabas na ng silid. "Alam niyo na ang gagawin niyo." Malamig kong utos. Nagsiyukuan ang mga ito at kaagad tumalima para limasin lahat ng pera at mahahalagang gamit sa buong mansion ni Martinez. "Bigboss, may mga hostages na dalaga sa baba, ano pong gagawin namin sa kanila?" Magalang saad ng kanang kamay kong si Boston. "Get them and bring them to our clubhouse for our client." Tugon ko. Agad yumuko ang mga ito at inalalayan ako hanggang sa kotse kong Bugatti La Voiture Noire worth 18.7 million dollars one of the most famous and expensive car in the world. Hinintay ko munang maisakay nila ang mga hostages bago namin nilisan ang mansion at pinasabog ang buong lugar. TUMULOY kami sa Madrigal's Exclusive Bar para i celebrate ang success ng grupo. Tahimik akong umiinom mag-isa dahil hindi ko gustong nakikipag-inuman sa kahit na sino. Maya pa'y lakas loob na lumapit si Boston sa kinaroroonan ko. "Bigboss?" "What?" Muli akong sumimsim ng alak sa baso at hindi ito nilingon. "Ahm, may problema po tayo." Napalingon ako dito na kunotnoong tumingin dito. Yumuko ito bilang paggalang bago nagpatuloy. "Yung isa sa mga hostages, bigboss, na nakuha natin. Anak 'yun ng isa sa mga sikat na bilyonaryo ng bansa. Kamakailan lang ito kinidnap for ransom. Anong gagawin natin 'dun, bigboss, baka sumabit tayo?" imporma nito. "And who's this girl?" "Si young maitress Janaeya, bigboss, Janaeya Almonte. Ang nag-iisang anak ng bilyonaryong sina Don Clyde at Doña Sahaya Almonte." Magalang saad nitong ikinaawang ng bibig ko. "The owner of that famous Almonte Empire Tower entire Asia?" paniniguro kong tanong. "Opo, bigboss." Napatangu-tango ako na muling sumimsim ng alak. "A'right, bring her to my mansion and make her as my slave." Saad ko. "Pero, Bigboss." Tinaasan ko ito ng kilay kaya't hindi na itinuloy ang balak sabihin at napayuko na lang. "Opo, bigboss, ngayon din po." Magalang itong nag paalam bago muling lumabas ng bar. MAG-UUMAGA na nang bumalik kami lahat sa mansion. As expected. . . mababait lang ang mga tao sa paligid ko kung nakaharap ako. Pero kapag nakatalikod na ako ay kanya-kanya ng pasaring ang mga ito at pintas sa mukha ko. Nakasanayan ko na rin ang ganitong set-up ng buhay ko. Minsanan ko na lang hinuhubad ang maskara ko sa tuwing maliligo o mag hihilamos lang ako pagkatapos muli ko rin itong isusuot. Pagbukas ko sa pinto ng master bedroom ko ay tumambad sa akin ang isang mala-dyosang babae na nakatulog sa mahabang sofa. Dahan-dahan akong lumapit at pinagmasdan ang kabuoan nito. Hindi na nakapagtatakang ubod ito ng ganda at napaka-sexy lalo na't nakalantad ang mahaba nitong mga hita. Napakakinis ng kutis nito mula ulo hanggang paa at napakaamo ng mukha. Napa-iwas ako ng tingin nang tumagilid ito at lumantad ang cleavage sa laylayan ng suot nitong off shoulder black dress. Sinipa ko ang paanan nito kaya naalimpungatan naman ito. Pupungas-pungas itong tumitig sa akin at napaatras sa pagkakaupo na makita ako. Bakas ang takot at pagkabigla sa magandang mukha nito na mapasadaan ang itsura kong sobrang pangit at nakakatakot nga naman. Napayakap ito sa sarili at naluha habang nakatingala sa akin na bakas ang takot. "H-h'wag mo akong sasaktan. . .maawa ka," nanginginig ang boses nitong mala anghel ang dating sa pandinig ko. "Tsk, get up. You're not a princess here. You are my slave so do your job or else. . . I won't hesitate to kill you." "S-slave?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD