Alas otso pa lang ng umaga at kaliligo ko lang pero pakiramdam ko ay naliligo nanaman ako ng pawis.
Kakaiba talaga ang init ng araw dito sa Pilipinas.
Kanina pa ako naghihintay ng taxi pero wala akong matanaw kahit bumper man lang ng sasakyan. Luminga ako sa paligid, parami na ng parami ang mga tao. Gaya ko ay nag-aabang rin marahil ng masasakyan.
Sa labis na pagka-inip ay muli kong sinipat ang hawak na envelop. Inayos ko na rin ang plantsado kong sexy long sleeve at skirt. Akma ko sanang dudukutin ang maliit na salamin sa aking bag ng makita ko ang paparating na taxi.
Sa wakas!
Agad na idinipa ko paharap ang kanang kamay at itinaas ang hinlalaki na animo'y nakikipag-thumbs up sa hangin.
Matiyaga akong naghintay sa taxi pero nagulat ako ng mag-unahan ang mga trabahador at commuter na nasa kaliwa ko patungo sa taxi. Halos madapa pa yung isang babae sa kamamadali.
Nanlaki ang mata ko sa nasaksihan lalo na nang pabalandrang dagilin ng may kalakihang lalaki ang nauuna sa kanya. Ng tuluyan niyang marating ang kotse ay mabilis niyang isinara ang pintuan. Wala akong nagawa kung hindi panuorin na lang ang papalayong sasakyan.
Muli kong tiningnan ang mga nagsilbing kalaban ng malaking lalaki kanina. Iisa lang ang mababasa sa mga mukha nila, Inis at panghihinayang.
"Baguhan ka rito sa Maynila, ano?" Napa-igtad ako ng marinig ang boses na iyon ng isang lalaki sa gawing kanan ko.
Nilingon ko siya. Plain t-shirt at maong pants lamang ang suot niya na tinernohan ng kulay puting rubber shoes. Naka-itim na cap at may suot na kulay itim ding mask. HIndi ko makita ang hitsura niya pero in fairness, Matcho siya, ha?
Tumikhim ako saka kiming tumango.
"Makipag-agawan ka ng taxi."
Ang laki ng boses niya. Lalaking lalaki.
"A-ha?"
"Ang sabi ko, dapat marunong ka makipag-unahan."
"Gaya nung kanina?"
Tumango siya ng sunod sunod.
Napaisip ako. Kulang na kulang ba ang mga sasakyan para gawin ko 'yun?
May paparating ulit na taxi pero gaya kanina, nag-unahan nanaman ang mga tao sa pagsakay doon.
Sinipat ko ang relo ko.
Shit! Mahuhuli na ako sa interview.
Maselan pa naman daw yung mag-iinterview sa akin! Ayaw ng late at lalong ayaw daw sa madungis at pangit na secretary.
Like what the f**k? Akala mo naman kung sinong perpekto. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pagkakakitaan, baka 'di ako mag-apply doon. Parang iba kasi ang pakiramdam ko.
Hay. Wala akong magagawa...
"Sige na, ayun oh. May isa pang paparating na taxi, makipag-unahan ka na para hindi ka ma-late. Hindi na ako makiki-agaw sa'yo tutal maganda ka naman." Maya-maya'y sambit ulit ng lalaki.
Bahagya akong kinilig sa sinabi niya.
Kahit naka-mask siya ay parang nakita ko ang ngiting sumilay sa labi niya.
"S-sige, salamat." Kimi din akong ngumiti saka hinarap ang paparating na taxi.
May kataasan ang suot kong heels pero dahil sanay naman ako, kumportable akong naglakad. Nagulat ako ng unahan ako ng babaeng muntik madapa kanina. Mas binilisan ko pa ang paghakbang pero tumakbo na siya.
Hindi pwede!
Humabol ako sa kanya at dahil may katabaan siya, bahagya siyang nahuli pero sa gulat ko ay bigla niyang hinagip ang buhok ko at hinila iyon, ginawa pa yatang hatakang lubid para lang mauna siya.
At ako pa talaga? Natural na gumanti ako pero maikli ang buhok niyang nakagupit lalaki. Lugi 'di ba?
Pero imbis na sa buhok ko siya hilahin ay tainga niya ang pinuntirya ko. Malakas siyang um-aray ng hatakin ko iyon.
Naunahan ko nanaman siya..
Malapit na ako!
Mas binilisan ko ang pagtakbo at sa wakas ay nahawakan ko na ang pintuan ng taxi. Akma ko na lang iyong bubuksan ng humabol pa siya sa akin at hilahin naman ang suot kong long-sleeve mula sa ilalim.
"B-bitiw!" Sigaw ko sa kanya pero madiin ang pagkakahawak niya sa damit ko.
Tangin* naman, oh! Plinantsa ko pa to!
Sa labis na inis ko ay hinubad ko ang suot na heels at pinukpok ang mataas na dulo noon sa kanyang tuktok.
Nabitiwan niya ang suot ko kaya mabilis akong pumasok sa loob at isinara ang pintuan.
Sinubukan niyang buksan ang pinto pero mahigpit ang pagkakahawak ko sa loob.
"Manong, paki-lock naman!" Sigaw ko sa driver.
"A- sorry mam, sira po ang lock, e."
Seriously?!
"E kung ganon, paandarin niyo na ho!" Sigaw ko ulit.
Ang slow ni Manong, Maryosep!
Bago tuluyang umandar ang sasakyan ay sumenyas pa sa akin ang babae gamit ang nakakuyom niyang kamao. Nginisian ko na lamang siya at saka ako nag-dirty finger.
Nadaanan ko rin si Kuyang Macho. Nagthumbs-up siya sa akin at saka kumaway..
Mabuti na lang nakinig ako sa kanya.
Quarter to nine na ng marating ko ang tapat ng malaki at mataas na building.
15 minutes na lang!
Hindi na ako nag-abala pang luminga linga sa paligid. Mabilis akong naglakad paakyat sa main entrance pero hinarang ako ng mga guard na naka-duty sa labas.
"Saan po kayo, Miss?"
"Miss De Leon po. May interview ako ng 9 am."
"Ah- wait lang po ma'am, ha?"
Kinuha niya ang radyo sa kanyang beywang at tila kinausap ang kung sino sa loob ng building.
"Kuya, 'pag ako na-late, kasalanan mo!" Saad ko maya maya lang.
"Sandali lang ho, ma'am. Hindi kasi kami maaaring magpapasok ng basta basta ngayon. For safety protocol lang po."
"My god, Kuyang security guard! 'Tong mukhang 'to? Mukha ba kong gagawa ng hindi maganda?" Itinuro ko ang mukha ko.
Alam kong hindi ako gaanong kagandahan pero hindi naman ako gano'n kapangit, no!
"I'm sorry ma'am pero hinahanap pa po sa list ang pangalan niyo." Kalmadong paliwanag ni Kuya.
8 minutes na lang.....
Panay na ang silip ko sa loob.
Gusto ko na ring makipagpatintero sa guard na ito.
5 minutes...
"Please, kuya. Wala pa ba?" Inip na tanong ko.
Sukat dun ay muli siyang tumawag.
"O, nakita mo na ba ang pangalan ni Miss De Leon?"
"A, gano'n ba. Sige, basta mamaya, ha?"
"Oo, ako ang bahala do'n!"
Taragis! E nakikipaglandian naman kasi. Paano mahahanap yung pangalan ko?
Dahil doon ay inagaw ko ang hawak na radyo ni kuyang Body Guard. Nagulat siya at pilit iyong binawi sa akin pero tumakbo ako palayo.
"Hoy, kung sino ka man na tumitingin sa pangalan ko. Unahin mo ang trabaho mo bago ang landi! Kapag ako hindi natanggap ngayong araw, isusumbong ko kayo ng body guard na 'to para pare-pareho tayong walang trabaho!" Sigaw ko sa kanya.
Hindi ko mapigilang mapahigit ng malalim na hininga habang papaharap akong muli papuntang building. Pero hindi ko nagawang mag-exhale ng sa pag-ikot ko ay tumambad sa harapan ko ang mukha ng isang seryosong lalaki.
Nakakunot pa ang noo niya habang nakatingin sa hawak kong radyo. Sayang, gwapo pa naman siya at mukhang disente kaso mukhang badtrip din siya gaya ko.
"At sino ka naman?" Mataray kong tanong sa kanya pero hindi siya kumibo.
"O, eto. Ibigay mo sa guard niyo tapos sabihan mo yung babae sa loob na bilisan hanapin yung pangalan ko. Late na late na nga ako, inuuna pa ang dakdak." Inis na sabi ko saka padabog na inabot sa kanya ang radyo.
"O, Manong Guard." Tawag pansin ko sa Body Guard.
Nakakagulat lang dahil yukong yuko siya.
Hah! Pasensyahan na lang tayo. Ako pa talaga?
"Tawagin mo na lang ako kapag tapos na kayo magkwentuhan, ha?" Pahabol ko saka ako lumayo ng bahagya sa kanila at naupo sa ilang baitang ng hagdan na naroon.