“Kumusta ang interview mo?” si Mama iyon habang naghuhugas ng mga pinggan. Kasalukuyan akong nakaupo at nagpapahinga. “Tanggap na ho ako.” Simple kong sagot sa kanya. “O, bakit parang malungkot ka pa rin? May nangyari ba?” Umiling ako. “Wala naman ho, nagsimula na kasi ang training ko. Baka napagod lang ako.” “Gano’n ba. O, siya, hayaan muna pala kitang magpahinga diyan. Ipagtitimpla din kita ng kape.” “Ma,” “Hmm?” “May libre ho kasing accommodation yung kumpanya. S-siguro ho mas convenient para sa akin kung doon na lang ako mananatili kasi walking distance lang ang pagitan niya sa pinagtatrabahuhan ko. Ayos lang po ba sa inyo?” “Ano ka ba? Oo naman. Kung saan ka mas magiging kumportable at makakagaan sayo, susuportahan kita.” Hindi ko mapigilang mapangiti. “Huwag kayong mag-alala