Sandali akong nagpahinga at nagkape sa nadaanan kong starbucks. Kailangan ko munang magpalipas ng ilang sandali para pakalmahin ang sarili ko. Ganito kaya ang patakaran dito sa Pilipinas? Kailangan kakilala ka o malakas ka sa manager o kung sino mang mataas sa kumpanyang gusto mong apply-an? Dahil kung ganoon nga, mawawalan ng silbi ang background ko at kagustuhang makapagtrabaho. Mali din ang akala nina Mama at Uncle na matatanggap ako kaagad. Hinamig ko ang sarili. Hindi naman siguro lahat ng kumpanya ay gaya ng una kong napuntahan. Papainit na rin ang klima, mabuti na lang at malamig dito sa loob, paroon at parito rin ang mga sasakyang nasa labas tulad ng mga taong may kanya-kanya ring patutunguhan. Lahat ay parang nagmamadali, akala mo may hinahabol na deadline. Napabuga ako ng han