Kabanata 4

1249 Words
"Sir, kape po ninyo," ani Yaya Juris. Ipinatong nito ang tasa ng kape sa may lamesita na nasa harapan niya. Naroon siya sa garden at may paperworks na inaayos. Sumasakit na rin ang kanyang ulo dahil hindi niya napapayag si Mister Philip Amara.. "Salamat, Yaya Juris. Si Siena ng pala, kumusta naman ang buong maghapon niya?" tanong niyang hindi tumitingin dito. "Buong araw siyang naghintay kay Don Antonio ngunit nabigo siya, sir. Kaya naman maghapon siyang malungkot at nagkulong na lang sa kuwarto pagkatapos nilang mag-aral ng teacher niya. Dinalhan ko na lang siya ng pagkain sa kuwarto at pinainom ng gatas kanina." Bumuga siya nang malalim sa sinabi nito. "Sir... huwag po sana ninyong mamasamain pero gusto ko po sanang magtanong." Pinagkiskis nito ang dalawang palad na tila kinakabahan sa isasagot niya. Tumingin si Acer dito nang nakakunot ang noo. "Ano iyon, Yaya Juris?" "Sir, kasi po... gustong-gusto ni Siena naaglaro sa playground kasama ng ibang mga bata." "Sinabihan ka ba ni Siena na kumbinsihin ako sa kagustuhan niya na mag-aral sa eskuwelan, Yaya Juris?" seryosong tanong ni Acer dito. Nanginginig sa takot ang matandang Yaya ng anak niya. "Sir..." "Kung naaawa ka sa anak ko dapat naiintindihan mo rin na ginagawa ko ang lahat ng mabuti para sa anak ko. At ako ang mas nakakaalam ng mabuti para sa anak ko, malinaw ba?" Yumuko ito sa harapan niya. "Opo, sir." "Ito na ang huling beses na pag-uusapan natin ang tungkol sa bagay na iyan, Yaya Juris. Nandito ka para asikasuhin ang anak ko at ayusin ang mga problema dito sa bahay. Kung napapagod ka na p'wede ka naman na mag---" "Pasensiya na kayo, sir. Hindi na mauulit ang bagay na ito, sir." "Mabuti. Sige na, marami pa akong ginagawa," aniya sa matanda na umalis na din kaagad sa harapan niya. Humugot ng malalim si Acer. Lumalaki na ang anak niya at nagkakaisip na ito sa mga gusto nitong gawin. Hindi pa nito naranasan na lumabas man lang ng bahay dahil ang gusto niya ay protektahan ito. Gusto na tuloy niyang sundin ang kanyang Lolo Antonio na kumuha pa ng karagdagang katulong na magbabantay sa kanyang anak maliban sa mga security guards na nakapalibot na sa kanilang bahay. Ipinasya ni Acer na pumasok na sa loob ng kanyang bahay. Bitbit niya ang mga paperworks na natapos na niya kanina. Dalawang palapag ang bahay niya at tempered glass ang railings ng hagdan. Dalawa rin ang kuwarto sa itaas, ang master's bedroom at ang kuwarto ni Sienna. Sa ibaba naman ang maid's room, pantry room at ang study room ni Sienna. Sa labas ng bahay sa may garden may sariling playground ang kanyang anak. Kumpleto sa mga laruan, lahat ng p'wedeng makita sa labas. Ngunit kulang pa rin ang lahat ng iyon dahil mas gusto nito na lumabas ng bahay at mag-aral sa totoong eskuwelan. Nilapitan ni Acer ang kanyang anak at inayos ang kumot nito. Kamukhang-kamukha ni Marie ang kanilang anak. Maliit ang ilong nito at bilugan ang mga mata, medyo makapal ang mga kilay nito at mahahaba ang mga pilik-mata. Namana ni Sienna ang kanyang mga labi na namumula at hugis puso. Hinagkan ni Acer sa noo ang kanyang anak na mahimbing na natutulog. "I love you, anak. Mahal na mahal na mahal kita. Sana naiintindihan mo kung bakit prinoprotektahan kita." Kung nabubuhay ngayon si Marie. Alam niyang hindi rin nito magustuhan ang ginagawa niya sa kanilang anak. "Marie, kung sana nandito ka sa tabi namin ng anak natin, hindi siguro ako nahihirapan ng ganito ngayon." Humiga si Acer sa tabi ng kanyang anak at niyakap ito. Ipinikit niya ang mga mata at ipinasyang matulog sa tabi ng kanyang anak. Ngunit naalala niya ang araw na biglang ipinanganak ni Marie si Sienna dahil sa isang pangyayari na hindi niya makalimutan. "Honey! Honey!" sigaw ni Marie na naroon sa may kusina ng kanilang bahay. Kasama nito si Aling Flores na hawak-hawak sa kamay si Yana. "Ma'am Marie, iyong kaha ng kuwintas na hinahanap ninyo nasa kuwarto ni Yana. Nakatago sa mga lumang mga damit niya!" galit na galit na sigaw ni Aking Flores dito. "Totoo ba ang mga iyon, Yana?" nanginginig sa galit na tanong naman ang ni Marie sa dalaga. Nilapitan ni Acer ang kanyang asawa at nagpatawag na rin siya ng mga pulis upang mag-imbestiga. "Ma'am Marie, hindi ko po alam ang ibinibintang sa akin ni Aling Flores. Hindi ko po alam kung bakit naroon ang kaha at wala rin po akong alam sa mga---" Sinampal ng malakas ni Marie ang pisngi ni Yana. Halos natumba si Yana sa sahig dahil sa sampal ng kanyang asawa. "Sinungaling! Sampung taon ng naninilbihan sa amin si Aling Flores at ikaw bago ka lang dito. Hindi ko nga alma kung sino ang nagpasok sa iyo rito para magtrabaho. Sabihin mo sa akin saan mo dinala ang ibang mga alahas ko!" Halos humalik sa talampakan ni Marie si Yana habang umiiyak. "Ma'am, wala po talaga akong ala---" "Magsisinungaling ka pa, nandito na ang ebidensya. Hindi ka pa ba aamin? Sabihin mo sa akin kung saan mo dinala ang iba ko pang mga alahas, Yana! Hindi mo alam kung gaano kamahal ang mga iyon! Kulang pang kabayaran ang habang buhay na pagiging katulong mo!" "Honey, parating na ang mga pulis." "Sir Acer, wala po akong kasalanan. Hindi ko alam ang ibinibintang ninyo sa akin. At saka iyong mga alahas hindi ko kinuha ang mga iyon, sir. Paniwalaan naman ninyo ako huwag ninyo akong ipapakulong parang awa na ninyo, sir." Hinawakan ni Yana ang mga binti niya habang nakadikit ang mukha nito sa sahig. "Yana, tinulungan ko ang Tita Olga mo na makapagtrabaho ka rito pagkatapos ito pa ang igaganti mo. Hindi lang ang kaha ang kinuha mo pati na rin ang mga titulo ng lupa ni Ma'am Marie sa probinsya nawawala. Saan mo dinala ang mga iyon, Yana." "Hindi ko po talaga alam..." humihikbing sabi pa nito. Dumating ang mga pulis at hinalughog ang kuwarto na tinutuluyan ni Yana sa likod ng kanilang bahay. Nakita roon ang mga resibo ng kuwintas na isinanla nito na nakapangalan dito. Nagkakahalaga ang mga iyon ng limampung libong piso kada isang alahas na isinanla nito. "Ma'am Marie, wala po talaga akong alam. Inutusan lang ako ni Aling Flores na---" "Idinamay mo pa ako, Yana. Matagal na akong naninilbihan sa mga amo natin. Hindi ko magagawa sa kanila ang ibinibintang mo. Ang bata-bata mo pa pero napakasinungaling mo!" Dinala ng mga pulis si Yana sa presinto para maimbestigahan. Halos isang milyong piso ang halaga ng mga alahas na nawawala at dalawang titulo ng lupa. Nakita ang mga titulo ng lupa sa bahay mismo ng Tita Olga nito at sa kuwarto ni Yana. Hindi naman makapagbigay ng pahayag si Olga at ang tanging sinabi nito ay wala raw itong alam sa ginagawa ng pamangkin nito. May record din si Yana sa mga pulis dahil nagnakaw ito ng cellphone noong nakaraang taon. Hindi na pinalampas pa ni Marie ang kasalanan ni Yana kaya naman kinasuhan nila ito. Dahil sa mga ibidensya na nakuha nila sa bahay nina Yana at sa mga finger prints nito ay napagtibay nila ang isinampang kaso rito. Hindi naman umapela ang tiyahin nito nang hatulan ito ng korte na makulong ng anim hanggang labindalawang taon. "Good morning, sir!" Narinig ni Acer ang boses ni Yang sa isip niya. Napabalikwas si Acer nang biglang lumitaw sa kanyang isip si Yang. Tsk! Ang babaeng iyon na kamukha ni Yana. Bakit dumalaw sa isip ko ang loka-lokang iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD