"Esmeralda Natividad Arelyano?" tanong sa kanya ng isang baklang manager sa club na ina-apply-an niya.
Siniko siya ng isang aplikante na nasa kanyang tabi. Nakalimutan niya na siya nga pala si Esmeralda.
"Sir este Ma'am." Nilapitan ni Yana ang baklang sobrang cute na parang christmas tree ang datingan dahil sa outfit nito na napakakukulay.
"Madam Ines, Esmeralda." Pagtatama pa nito sa pangalan.
"Madam Ines," pag-uulit naman niya.
"Tanggap ka na, at p'wede ka na ring magsimula ngayong gabi. At ikaw rin Rebecca Santos." Turo nito sa babaeng katabi niya kanina. "Tanggap ka na rin, at iyong mga hindi ko tinawag, better luck next time kapag nag-quit ang dalawang bruha na ito kayo na kaagad ang tatawagan ko."
Hindi pa man sila nagre-resign may kapalit na sila kaagad. Napakagaling nga naman talaga ng manage na ito, nakakabilib.
"Kayong dalawang bruha, sunod kayo sa akin sa opisina ko," anito na nagtungo sa kabilang pinto. Sumunod naman sila ni Rebecca at naupo sa sofa na naroon.
"Ang trabaho nine hours lang, limang daang piso ang sweldo at isang daang piso kada isang oras na overtime. Libre ang pagkain, dinner at merienda. Libre din ang pamasahe kaya walang dahilan para um-absent. Fully loaded ang costumer ng club kahit hindi holidays dahil nakikita naman ninyo katabi natin ang malaking sabungan. Malaki mag-tip ang mga ibang costumers, huwag ninyong tatanggihan. Halimbawa, mabastos kayo sabihin ninyo kaagad sa mga security guards natin at sa akin. Bawal makipag-away sa costumers kahit na sobrang kulit na nila dapat papaging patience, okay? And lastly, kung gusto ninyong maging special waitress..." Tumingin ito paibaba at paitaas sa kanilang katawan. "Go on and goodluck. Walang pumipigil para mas dumami ang inyong mga pera. Kung may tanong pa kayo sa akin, itanong na ninyo."
Napatunganga na lamang si Yana habang nakikinig sa mabilis na pagsasalita ni Madam Ines sa kanilang harapan ni Rebecca.
Wala siyang balak na maging special waitress, kahit na mabulok ang petchay niya hindi siya makakapayag.
"May gusto kang sabihin, Esmeralda?"
"Wa-Wala naman po, tawagin na lang po ninyo akong Yang, Madam Ines."
"Okay, Yang." Pumalakpak ito ng dalawang beses saka sila itinaboy. "Go! Kailangan mamaya, fresh kayong dalawa. Kunin na lamang ninyo sa may dressing room ang uniform ninyo. Isuot ninyo iyon at ayoko ng paarte-arte."
Kinagat ni Yana ang kanyang ibabang labi. Hindi nga siya magiging special waitress pero mukhang magiging sexy waitress naman siya.
Model ang pangarap niya noong bata siya. Hindi model ng mga alak na kanilah isi-serve sa mga lasing at mababantot na costumers mamaya.
Ready na ba siya?
Nagtungo sila ni Rebecca sa dressing room na naroon lamang sa tabi ng office ni Madam Ines. Nagulat siya dahil may mga nagpra-practice na dancers doon at tanging bikini at panty lang ang suot.
"Sorry, po. Kukunin lang namin ang mga uniform namin sa trabaho sabi ni Madam Ines. Pa-Pasensenya na po kayo," nakangiting aniya sa mga ito na huminto sa pagsasayaw.
Nagkatinginan sila ni Rebecca bago umalis sa kuwartong iyon. Inilagay niya ang palad niya sa tapat ng kanyang dibdib.
"Grabe! Hindi ko kaya ang gano'n," humihingal na sambit niya.
"Keri ko iyon, Yang. Kapag tumagal ako rito gusto ko ring maging dancer at special waitress, dagdag income na rin iyon dahil kailangan. Ako lang kasi ang aasahan sa amin, may sakit ang Nanay ko at may dalawa pa akong nakababatang kapatid na nag-aaral." Huminga nang malalim si Rebecca. "Ako na lang ang inaasahan nila kaya gagawin ko lahat. Ikaw ba, Yang? Bakit mo pinili na magtrabaho sa ganitong lugar?"
Nalungkot naman si Yana sa narinig mula kay Rebecca. Iba-iba talaga ang pinagdadaanan ng mga tao.
"Ako? Ginagawa ko ito dahil kailangan ko ng trabaho para sa sarili ko. Wala na akong pamilya na p'wede kong lapitan, e. At saka gusto ko ring makatulong sa gastusin sa bahay ng kaibigan ko na siyang tumulong sa akin para makapasok dito."
"Hindi ba kapatid ka ni Julie?" kunot-noong tanong nito sa kanya.
"O-Oo." Kinagat ni Yang ang kanyang ibabang labi.
"Baka ang ibig mong sabihin gusto mong tumayo sa sarili mong mga paa. Hindi siguro kayo close ng Ate Julie mo. Kunsabagay, may katarayan nga ang babaeng iyon. Sige, Yang. Aalis na ako, ha. Magkita na lang tayo mamaya." Nagmadali na itong umalis at iniwan siya.
Kinagat ni Yana ang kanyang ibabang labi. Hay, muntik na talaga siya roon.
Inilagay niya sa kanyang backpack ang damit niya para mamaya. Bago siya umuwi ay dumaan na muna siya sa bilihan ng mga damit. Eksakto may dalawang daang piso pa siya sa bulsa.
Sa may ukay-ukay siya nagpunta at nagsimulang maghalungkat ng t-shirt sa malaking kahon. Mahal kasi iyong mga t-shirt na naka-hanger na. Magtitiyaga na lang siyang maghukay dahil may mga magaganda pa naman.
Bente pesos isang t-shirt at nakakuha siya ng apat na piraso na puro itim. Over-sized din ang mga iyon at isang maong pants na tattered na tag singkuwenta pesos.
"Ate, wala na bang bawas itong pantalon?" tanong niya sa tindera na naroon.
"Mura na iyan, ineng. Kumuha ka na lang ng tatlo para one hundred twenty." Kinindatan pa siya nito.
Ayos, mabilis naman pa lang kausap ang matandang ito.
Nagdagdag pa siya ng dalawang maong pants at ibinigay sa tindera ang mga iyon para mai-plastic.
"Merry Christmas ho, manang," nakangiting aniya rito.
"Pasaway na bata." Tinawanan siya ng matanda sa sinabi niya. "August pa lang ngayon, ineng."
"Eh, advance po kasi akong mag-isip."
May napansin siyang karatola sa may tabi nito. Wanted sales lady ang nakalagay. Mabilis lang naman magbilang kung tag five, ten hanggang fifty lang ang ukay na binibenta ng matanda.
"Manang, naghahanap ba kayo ng tindera? P'wede ho ako."
"Gusto mo ba talaga? E, kaso hindi naman malaki ang pasahod ko dahil nagbabayad din ako ng renta nitong pwesto at hindi rin naman kalakihan ang kinikita ko araw-araw."
"Ayos lang po iyon, manang. Kailangan ko po kasi ng trabaho tuwing umaga hanggang hapon kasi may trabaho pa ako sa gabi."
Bumilog ang mga mata ng matanda sa sinabi niya. "Nagpakasipag mo namang bata, iha," humahangang sabi ng matanda sa kanya.
"Kailangan ho, manang." Inilagay niya sa loob ng bag niya ang napamili niya at saka muling isinuot ang bag niya.
"Sige, dito ka na magtrabaho. Dalawang daang piso ang sahod, libre lahat," nakangiting sabi ng matanda sa kanya.
"Salamat ho, manang." Sa kanyang tuwa ay niyakap niya nang mahigpit ang matanda at saka sinimulan ang pagtitinda.
"Teka, iha. Ano nga pala ang pangalan mo?"
"Yang Arelyano po, manang."
"Ako naman si Benie, tawagin mo na lang akong Nani Benie," nakangiting anito sa kanya.
"Sige po, Nani Benie."
Inasikaso ni Yana ang mga bumibili. May mga malakas mambarat at may iba naman na hindi na tumatawad. Hindi lang kaaya-aya ang amoy ng ukay-ukay pero ayos na, masasanay din naman siya kapag tumagal. P'wede na rin iyong dalawang daang piso maghapon at libre pa lahat. Hindi na siya uuwi sa bahay ni Julie para kumain ng pananghalian.
"Pasok na mga suki, pili na! Magaganda ang mga ito at branded pa. Kapag may nakita kayong mantsa, labhan na lang ninyong maigi. Bawal sa maarte at p'wede sa madiskarte. Pili na pili na!" malakas na aniya habang nasa labas ng tindahan dala ang mga naka-hanger na damit habang nagtatawag ng mga costumer.