Chapter 2

1418 Words
CHAPTER 2 Nang makasakay si Cassandra ng jeep, bitbit niya pa rin ang mabigat na pinamili pabalik ng paaralan upang sumama kay Colin para mapuntahan ang rerentahan na bahay. Sa kalagitnaan ng payapang paglalakad ni Cassandra bigla siyang napatigil dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa kanyang braso. "Tay!" Bulalas niya. "Aba at napakarami mong pinamili! Bakit hindi mo iuwi iyan sa akin?! At may bago ka pang damit?" aniya at marahas na hinablot ang plastik ng mga pagkain. "Tay! Huwag po, sa akin ito!" "Anong sa akin?! Akin ito! May pera ka at hindi mo ako pinapakain?!" Muling hinatak ng kanyang ama ang braso at mabilis na kinuha ang pitaka. "Tay! Huwag, pera ko po iyan!" Binuksan nito ang pitaka at mas lalong nagning-ning ang kanyang mga mata sa ilang libong piso. "Aha! Sa akin ito! Nagtatago ka nang pera sa akin! Ama mo ako!" "Tama na! Akin na sabi!" Bulalas ni Cassandra ngunit hindi siya nagwagi dahil gamit ang kamao ng kanyang ama. Dumapo ito sa kanyang pisngi. "Hoy! Magnanakaw ito! Hulihin natin!" Sigaw ng mga kalalakihan na nakapansin sa diskusyon na nagaganap. Nakahiga lamang si Cassandra sa kalsada habang ang kanyang paningin ay umiikot. "Miss! Miss! Naku, mukhang napuruhan yata ito!" Maagap ang mga kalalakihan at tinulungan siyang maitayo. "Pre! Estudyante siya ng Madrigal University! Halika at dalhin natin siya roon!" Agad sumaklolo ang mga gwardya at dinala sa clinic ng paaralan si Cassandra. Ang balitang ito ay nakaabot kay Colin, mabilis niyang pinuntahan ang kaibigan at naabutan ang kalunos-lunos na sinapit ni Cassandra. Ilang minuto ang nakalipas at tuluyan nagising si Cassandra dahil sa masamang bangungot "Ma!" Sigaw niya at nagulat ang mga tao sa loob ng clinic. Walang humpay sa paghagulgol si Cassandra kaya napatakbo papalapit ang kaibigan. "Colin, baka balikan ako ni Papa!" Pagngawa niya at hinagkan si Colin. "Hindi na! Ipinaabot namin ni Dean ang lahat ng nangyari sa Pulisya. Sa katunayan, gusto namin ipaabot sa'yo ang konting tulong," ibinigay ni Colin ang isang puting envelope at lulan nito'y pera. "Hindi na. Nakakahiya." "Tanggapin mo. Lahat kami ay boluntaryo o taos puso na tumulong sa'yo. Hindi makakalapit ang Tatay mo sa'yo dahil naka-blotter na siya. Isang pagkakamali, aarestuhin na siya." Tumango si Cassandra at muling hinagkan ang kanyang kaibigan. Kalaunan, payapang na-ihatid ni Colin si Cassandra sa pabahay na kanyang sinabi. "Cassy, huwag ka na lang maingay kay Mama. Alam mo naman iyon eh?" "Oo, maraming salamat ulit sa tulong niyo sa akin." "Walang ano man, sige na at matulog ka na." Sa pagsara ng pintuan ni Cassandra, napasandal na lamang siya sa likuran ng pintuan at unti-unting gumuho. "Matutupad ko pa ba ang pangarap kong maging isang Nurse? Makakaya ko pa bang tapusin ang isang taon na ito bago makamit ang diploma?" Kinuha niya ang tatlong libong piso na nalikom para sa mga gustong tumulong sa kanya. Pinaghiwalay niya ang kakailanganin para sa trabaho niyang papasukan. Kinagabihan, lumabas ng bahay si Cassandra upang bumili ng pagkain sa karinderya. Pinagtitinginan siya ng ilang kumakain dahil sa laki ng pasa niya sa pisngi malapit sa bibig. Dagdag pa ang mga sugat sa kamao dahil sa pagpaso ng kanyang ama gamit ang sigarilyo. "Manang, magkano po?" "Kwarenta." Sa paglabas ni Cassandra, tila lumulutang ang utak niya dahil sa sobrang daming problema. Hindi niya alam kung makakaya niya bang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho dahil baka maging sanhi pa ito ng pagkawala ng scholarship niya kung maibabagsak ang mga asignatura. ****** "Mr. Vito, magandang gabi po," bati ni Chino. Lumapit ang binata sa kanya at ibinaba ang isang envelope. "I followed the young lady. Pero sa kasamaang palad, natagpuan siya ng kanyang Ama. At iyan po ang naging resulta." Nagtagis ang panga ni Vito at pagkatapos ay humithit ito ng sigarilyo. "This man? He is one of the users in the drug watch list." "Yes, sir. Tatay siya ng babaeng iyan." Bumuntong-hininga si Vito at pinagmasdan ang ilang litrato na nakunan ni Chino. Hindi niya maiwasan na ngumisi. "Patayin mo ang Tatay niya. No traces, Chino." "Pero Tatay niya po iyan?" "Anak ba ang turing niya sa babaeng ito? Hindi diba? Baka nakakalimutan mo, lulong sa droga ang taong ito. He is a pusher in Paseo! Kaya sundin mo ang gusto ko!" Sigaw niya. Walang nagawa si Chino kundi tumango at lumabas ng opisina. Naiwan si Vito sa loob ng silid habang binabasa ang tungkol kay Cassandra. "Cassandra Cordova, nineteen years old. Nursing student from Madrigal University and an applicant in a Job Cleaning Agency?" bulong niya at tinutok ang dalawang mga mata sa litrato nito. "You are quite interesting to know, Ms. Cordova." ****** Pagmulat ng mga mata, agad bumangon si Cassandra upang kumuha ng requirements para sa kanyang pagtatrabahuhan, ngunit ilang saglit ay may tumawag sa kanya. "Si Ms. Cordova ba ito?" tanong sa kabilang linya "Ah opo! Sino po sila?" "Job Cleaning Agency. May trabaho ka na ngayon, kinakailangan mong pumunta sa sa La Tierra Unit No. 404." "Ha? Eh wala pa po akong kumpletong requirements." "Ang dami mong arte! Papasok ka ba o papalitan kita?" "Ay huwag po! Sige papasok po ako! Sandali lang!" Walang ligo-ligo at nagpalit lamang ng damit si Cassandra. Hinilamusan ang mukha at ipu-punggol ang mahabang buhok. Agad siyang pumara ng jeep upang marating agad ang sinabing address. Kinakabahan at para bang naghahabulang mga kabayo ang t***k ng puso niya Ilang minuto ang nakalipas at narating niya ang lugar. Sinalubong siya ng isang matandang lalaki. "Ikaw si Cassandra, tama?" "Ay–ah opo!" "Ito ang I.D mo at mga gagamitin sa paglilinis. Huwag mo sana kaming biguin, Hija." "Opo! Magaling po ako!" Lakas loob niyang sinabi. Sa pagpasok ni Cassandra sa loob ng elevator. Tila aantukin na siya kabibilang sa papalit-palit na pulang numero sa loob ng elevator. Inip na inip na siya dahil napaka taas ng baitang. "Ugh! Sawakas!" Sigaw niya at agad binuhat ang gamit panlinis, "No. 404, saan kaya kita hahanap—oh ito na!" Bulalas niya at agad pinindot ang doorbell. Wala pang ilang segundo ay bumukas ang pintuan. Nagulantang siyang isang lalaki ang lumabas. "Kayo po ba ang may-ari?" "Nope." "Eh nasaan po?" "Tulog. Sige na at maglinis ka na!" Sigaw ng lalaki at tinabig siya na parang hindi babaeng nakasalubong. Sa tuluyan pagpasok ni Cassandra, nagulat siyang nagkalat ang bote ng alak. Damit panlalaki at pambabae. "s**t? Condoms?!" Bulalas niya nang makita ang tatlong plastik. Pilit niyang tinyaga ang condo unit na sobrang dumi at baho dahil sa amoy ng alak. "Ah! Kadiri naman talaga ng nakatira rito!" Reklamo niya at nilampaso ang paligid. Sa mahigit kalahating oras na paglilinis, napaupo na lang si Cassandra sa gilid. Pagod na pagod at natagpuan niya ang isang pagkain na nakalatag sa kitchen counter. Akmang dudukot si Cassandra. "Hey!" Nagulat ang dalaga dahil sa isang sigaw. "Sorry po!" "Don't f*****g touch my food, poor lady!" "Sorry po!" Nagmadali si Cassandra at naglinis muli ng paligid. Walang kamalay-malay ang dalaga na habang siya ay naglilinis, ang mga mata ng lalaking may-ari ng unit ay may malagkit na pagtingin sa kanya. "Care to touch me here?" wika ng lalaki. Napatingin si Cassandra at hindi siya nagkakamali sa nakita. "Bastos!" Sigaw niya. Akmang tatakbo ang dalaga ngunit isang sabunot ang inabot niya. "Let's play. Mabilis lang ito at hindi ganoon kasakit." "Ah! Bitiwan mo ako!" Pilit na nanlalaban si Cassandra ngunit ang malakas na pwersa ng lalaki ang nanaig. Nahiga silang dalawa sa sahig habang si Cassandra na walang tigil sa pag-iyak. "Maawa ka! Tulong!" Tila walang naririnig ang lalaki at hinahatak ang suot niyang pantalon. Hindi ito nagtagumpay kaya pilit sinira ang kanyang puting blusa. Tumabad ang dibdib ng dalaga kaya mas lalong nag-init ang nararamdaman ng lalaking nasa kanyang harapan. "Tulong!" Pilit na inaabot ni Cassandra ang nakita niyang bote na nakakalat sa lapag. Nang maabot niya ito, hindi siya nagdalawang isip na ihampas ito sa ulo ng lalaki. Sa pagtayo ni Cassandra, hindi niya sinasadyang natukod ang kamay kung saan may bubog. Tumusok ito sa palad niya ngunit hindi niya inalintala ang sakit at hapdi. Mabilis na lumabas si Cassandra sa kwarto habang umiiyak. "Tulungan niyo ako! Tulong!" Sigaw ni Cassandra ngunit walang katao-tao sa paligid hanggang sa unti-unti nang nagdidilim ang paningin niya. Labis ang pagod at kaba. Para bang hihimatayin na si Cassandra. Sa patuloy na pagtakbo, hindi niya inaakala na bubunggo siya sa isang lalaki. "T–tulungan mo ako," giit niya habang pilit na tinitingnan ang lalaking sumalo sa kanya. Malabo ang nakikita at tuluyan nang bumagsak si Cassandra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD