Chapter 2

2087 Words
"Who are you? You're trespassing Miss." a man with a baritone voice said from behind of me.   Shit. Kagat labi akong napaharap sa lalaki. Hindi agad ako tumingin sa mga mata nito dahil natatakot ako. Baka pagalitan ako ni manong, or worst baka ipa-blotter niya ako sa baranggay kasi nag trespass ako. No! Hindi pwede. Pero anong gagawin ko?   Natataranta kong tanong sa isipan.   "Sorry po talaga, Sir." I said habang nakayuko ang noo ko.   Narinig ko ang pagbuga nito ng hangin.   “Sorry po, hindi ko po namalayan na napa-” Tinaas ko ang tingin rito ngunit nang makita ko ang kabuoang mukha nito ay agad akong napatigil. Ang g-gwapo niya.    His forehead creased and his thick brows formed almost in a one line dahil sa nagawa kong pagkakatigil.   According to his features, eh, nagsusumigaw itong isa siyang banyaga. Napalunok ako ng sariling laway nang makita ang mga panga nitong umigting.   "Miss? Miss?” Tawag niya sa akin dahilan upang mapabalik ako sa wisyo.   “Ah! Sir. Ano.. kasi.. Sorry, hindi ko po talaga namalayang napapalayo na ako.” Paghingi ko ng tawad. Totoo naman hindi ko naman talaga namalayan na napapalayo na ako. Atsaka nakikidaan lang naman ako. Wala naman akong atensyong gumawa ng masama. Atsaka, bakit trespassing agad? Di ba pwedeng nakikidaan lang?   “Are you new here?" Nagsalita ito ulit gamit ang kanyang baritonong bosses na tila nagbibigay kung ano sa katawan ko’t tumataas ang mga balahibo ko.   Kung nandito siguro si Dani gurl for sure hindi yun matatakot at mas kikiligin pa yun, hays. Gutom sa porener yun.   I looked at him. His voice is so intimidating. Nakakatakot.   "Y-yes Sir." I said stuttering.   "Nagliliwaliw lang po ako." ani ko sabay lingon sa pinanggalingan "and hindi ko namalayang napunta na pala ako dito sa property niyo. I’m sorry po." paghindi ko ng tawad ulit. Sumulyap ako sa property nito. Hindi naman gaanong malaki ang lot niya pero maganda ang bahay na nakatayo roon.   Mag-isa lang ba siyia rito? His house looked like a hunted house kasi papadilim na pero hindi pa rin naka on ang mga ilaw.     His brows furrowed. Hindi niya yata nakuha yung sinabi ko, tae bat ba ako nagtagalog? Eh mukhang hindi naman siguro 'to nakakagets ng tagalog?   "Altter, kinsa na?" Tanong ng isang boses sa likuran ng lalaking may dugong bughaw.   Napakagat labi ako at napatingin-tingin sa paligid. Ngayon ko lang namalayan na nag-iisang bahay na lang pala ito sa gawing ito. P-paano kung masasamang loob pala ang mga lalaking ‘to?   Nag-iisa lang ako. Austrid naman kasi. Ba’t kaba kasi hindi nag-iisip. Asik ko sa sarili. Paano kung masasamang tao pala ang mga ito? Anong gagawin mo?   Mommy. Daddy. Hindi ko pa naman nadala ang cellphpone ko.    Lumakas ang kabog dibdib ko dahil sa takot. Marami ng nagbago sa lugar na ito. Marami na ring mga bagong, mamamayan kaya hindi ako nakakasiguradong lahat sila ay mababait. Kung isa sila sa kilala ng pamilya then they could be trusted pero ilang taon na kaming hindi nakakabalik rito ang almost all things in here have changedd ang mga tao pa kaya? Ano ba yan self! Mas tinatakot mo na ang sarili mo!   Napakagat labi ako sa takot, habang ang mga nanginginig na kamay at itinago ko sa likuran ko.   Hanggang sa tuluyan na ngang nakalapit ang nag mamay-ari ng bosses kanina. A man with a tanned skin went near us. Nang makitang naka topless lamang ito ay agad akong napatingin sa ibang direksyon. I don’t think if I know him. Hindi ko siya mamukhaan.    Ano nang gagawin ko. Tatakbo ba ako? Mahina akong tumakbo kaya I am sure that they will still catch me. Tiningnan kong muli ang dalawa. They look like nice people, maliban lang sa amerikano dahil mukha itong suplado pero hindi ako nakakaasiguro. Ani nga ni Dani gurl don’t base by the looks.   Nakangiting inakbayan ng lalaking kakarating ang amerikano pagkatapos ay napatingin sa akin.   I want to go home. Natatakot na ako! Also,  I hate seeing bodies like this baka di ko matiis at mahawakan ko yung mga abs niya.   "Magsuot ka nga ng damit." saway ng may amerikano sa lalaki. Nagtatagalog siya? Akala ko pa naman english lang ang alam niya. Marunong naman palang mag Tagalog ang mokong.   Tiningnan ko ang lalai pero nabigla nang bigla nalang itong lumapit sa akin. He looked at me like he was examining me.   Takot at nagtataka naman akong napatingin sa kanya.   “What are you doing?” Tanong ko sa kanya, pero hindi ako nito pinansin.   “Pre? Ano bang ginagawa mo?”   “Shhh.” Saway niya sa kaibigan. Nilappit niya ang mukha sa akin. Kaya takot na napaatras ako ng isang hakbang.   “Dude, you’re scaring her.” Bat ba siya ganyang makatingin? And can he please wear his shirt. Naaasiwa ako sa katawan niyang sobrang lapit sa akin.   "A-Austrid ikaw ba yan?" Naka-kunot ang mga noong tanong niya.   Huh? Kilala niya ako. Pilit kong inalala kung sino siya pero wala akong maalala. Wala naman akong kasing gwapo niya na kaibigan noon. Pero he look’s familiar.   “Kilala mo ako?” Nagtatakang tanong ko.   Baka isa lang sa mga kaibigan noon ni Buknoy dito noon. Marami din kasi kaming ka edad noon dito na nakakasama naming maglaro but I am not that close with them, maybe his one of them.   "Do I know you?"   "Ano kaba ako ‘to" he pointed his self.   “Huh?” Naguguluhang tanong ko.   “Ako ‘to! Di mo na ako nakikilala?” He said and made a crazy monkey move.    The move which only Buknoy do pagnalulungkot ako.   "Oh. My. God!" Isa-isa kong banggit! Wala sa sarili akong napa-takip sa aking bibig. Namilog ang mga mata ko dahil sa gulat.   Hindi nga? Sina na ‘to? As in? Hindi ba ito prank?    “We? Joker ka?”   “Ano ka ba ako nga ‘to.” Natatawang ani niya.   “Hala! Seryoso talaga?” Hindi ta;aga makapaniwalang sambit ko. Oh my god!   Yayakapin na sana namin ang isa't-isa nang humarang ang kaibigan nito sa gitna namin. Kaya napa-atras naman ako agad.I’m so happy! Hindi mawala ang ngiti sa mukha ko. After how many years ay nagkita na nga uli kaming dalawa.   "It's getting late." Basag ng lalaki sa kasiyahan naming dalawa. Pero kahit ganon ay hindi nawala sa mga labi ko ang ngiti. Sa wakas nagkita na rin kami ulit ng kaibigan ko!   Inakbyan ni Buknoy ang lalaki "Ito nga pala si Altter. Kaibigan ko." pakilala niya sa lalaki.   Walang ganang tumingin sa akin ang lalaki.   Yung kaninang takot dahil sa mala-awtoridad niyang bosses ay agarang nawala. Yung kabang nararamdaman ko ay agad ding nawala at napalitan ng excitement.   "Austrid." I smiled and offer my hand to him pero bored niya lang na tiningnan ito.   Ay. Attitude?   Humarap ito kay Buknoy at tinalikuran ako. Dahil doon ay naiwan sa ere ang kamay.   "Ihatid mo na siya, Jared" Pagkataapos niyang sabihin iyon ay naglakad na ito papasok sa bahay niya. Binalik ko nalang yung kamay ko sa bulsa ng short ko, psh suplado.   "Pasensya kana sa kaibigan ko, menopausal na eh" ani nito at ako naman ang inakbayan sa pagkakataong ito. Nakapag damit na siya at may hawak na rin na flash light. Hindi ko namalayan na umalis pala siya saglit. I looked back at the direction of the grumpy man. Tss! "Kamusta?" Tanong ko rito habang naglalakad kami pauwi. Sa maayos na daanan na kami dumaan dahil delikado na kung sa rockformation pa kami dumaan. Madilim na baka hindi lang gasgas ang matamo namin roon kapag doon pa kami dumaan.    Malakas ang ihip ng hangin na nililipad nito ang ilang hibla ng buhok ko. Habang nagbibigay pa rin ng ingay ang alon ng dagat na tila musika sa mga tenga ko.   "Okay lang naman, buhay parin." Makwelang sagot nito.    "Ikaw? Kamusta ka na? Parang tumangkad ka na, ah.”   "Ito buhay din" natatawang panggagaya ko sa sinabi niya.   "Nasan nga pala si Sahya?" Pag change ko sa topic. Sahya is Jared's younger sister. Both of them ang pinakamalapit sa akin rito sa probinsya. Mga apo sila ni Lola Peryang. They’re Mom and Dad died because of an accident kaya si Lola na ang bumubuhay sa kanila.   Nakakaawa nga dahil matanda na si Lola at hindi an kayang magtrabaho pa. Napaisip ako. Sino kaya ang naghahanap buhay sa kanila? Are they eating well in a day? Maayos pa ba ang kubong tinitirhan nila? Nakapagtapos na ba si Jared? Si Sahaya, anong kusro ang kinuha niya? I want to ask that all in a one sentece pero pinipigilan kong sabihin iyon dahil iisa lang ang kalaban.   "Nasa abroad.” Sabi niya at napangiting nakatingin sa dinadaanan namin.   “Nakakuha kasi siya ng scholarship doon." Di na ako nasorpresa pa roon.   Bata palang kami ay gusto na ni Sahya ang makapag-aral sa ibang bansa. She's a smart girl and I know that she can do it. She excel in a lot of things, modelling and sport especially in swimming. Kaya I am sure that many universities ang mag aagawan makuha lang siyang athlete ng paaralan nila.   Pagdating namin sa bahay ay hindi na muna pinauwi si Buknoy sa kanila. Dahil halos sabay na kaming dalawang lumaki ay kilalang-kilala na din siya ng parents ko. Naaliw nga si Papa sa kanya dahil tulad noong mga bata pa lang kami ay makwela parin ito hanggang ngayon. Wala pa ring pinagbago.   Siguro kung may nagbago man ay ang pagiging matipunong lalaki na nito ngayon. Sobrang layo sa patpating Buknoy na kilala ko noon. Hindi ko nga agad siya nakilala kung hindi niya pa sinabing si Buknoy siya.   He have the muscles now and all but his personality is still the same. Walang pinagbago, still the makulit na Buknoy na nakilala ko.   Sa bahay na namin siya pinakain, gusto na ngang umuwi pero pinilit ko talaga siya kasi sobra ko siyang namiss. Pumayag naman siya kaya nauwi sa tawanan at kwentuhan ang kainan namin.   “Sobrang nanlaki talaga yung mga mata niya auntie. As in, ganito. Tapo sa bi niya seryoso ka?” sabi niya na ginagaya ako kanina. Napatawa sina Mommy, Daddy at Nay Rosa sa kanya.   “Grabe ka. Hindi naman ganyan ka gulat.” I chuckled.   “Sus, kunyare ka pa.”Humagalpak siya ng tawa.   “Ako nga ay hindi ka na agad nakilala Buknoy. Ang laki mo na.” Si Mommy.   “Oo nga. Kahit nga ako na minsan nang nag-alaga rito noon ay hindi ko na nakilala. Ang maskulado mo na ngayon Hijo. Nag g-gym kaba?” Tanong sa kanya ni Nay Rosa.   Buknoy chuckled. “Hindi po Nay. Nagtatrabaho po kasi ako kapag walangpasok kaya katas po ito ng aking pagiging masipag.” He said and even posed like Jhonny Bravo.   Dahil kay Buknoy ay naging maingay ang gabi namin. Sad lang dahil kailangan niya nang umuwi nang maaga, dahil mag-isa lang si Lola Peryang sa bahay nila.  Pinadalhan namin ito ng pagkain para hindi na magluluto pa si Buknoy pagkauwi.   Nakahiga ako ngayon sa kwarto habang nakatingin sa kisame na may mga neon stars and snow flakes na idinikit pa nila Mama noong bata pa ako. I smiled ang tried  to reach those starts. Namiss ko rin itong kwartong ‘to.   Naalala ko kanina. Si Jared, he’s now a grown man. Same as me who’s now also a grown women.   Napangiti nalang ako ng maalalang ang batang payatot noon na si Buknoy ay matipuno ng lalaki ngayon. Akala ko nakalimutan na niya ako but it looks like that ako yung hindi nakafamiliar agad sa kanya.   Paano nalang kaya kung wala siya kanina run? Sobrang suplado pa naman nung lalaking yun!   Tss. Naiinis na naupo ako sa kama.   Bwiset yung lalaking yun, ang suplado. Kung di lang siya gwapo, nakuh! Hays, pero mas gwapo parin yata si Buknoy sa kanya no.   Kung noon ngang mga bata pa kami kung saan payat na payat pa ito ay naga-gwapuhan na ako sa kanya. Paano na kaya ngayong nagmature na ang katawan nito't mas gumwapo pa dahil sa marunong na itong pumorma.   Inalala ko ang unang pagkikita namin kanina sa tabing dagat with that suplado guy. Gosh ang gwapo niya nung ngumiti ito sa akin, and ang abs mga bess nakita ko!   Ugh! Kinikilig na napahiga ako ulit. I hugged my pillow and slept with a smile on my lips.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD