Chapter 9 - Tagaytay

2413 Words
“Huy, babaita.” Nilingon ko si Mauve nang magsalita siya. Nakatingin siya sa akin habang ako naman ay abala sa pag-aayos ng dadalhin kong bag. “Ano na naman, Mauvereen?” tanong ko. Abala kami ni Sienna sa pag-aayos ng mga gamit habang si Mauve ay prente na lamang na nakaupo. Palibhasa ay tapos niya na ang pag-aayos ng mga dadalhin niya. Biyernes ngayon at hapon na. Ngayon ang byahe namin papuntang Tagaytay para sa early celebration ng birthday ni Nathalia. Sa Lunes pa kasi ang birthday niya. Ang sabi niya ay sa Linggo ng gabi ang uwi. Pag-aari nila ang rest house na pupuntahan namin sa Tagaytay. Medyo marami kaming magkakasama para sa party. Ako, si Mauve, Sienna, Jade, Thalia, Archie, Toshi, sina Matt at ang banda, si Dabin, at baka may ilan pang friends ni Thalia ang sumama. In-invite rin ni Thalia si Jared pero busy ito kaya hindi makakasama. “‘Yong mga tinginan n’yo ni Archie, para kayong mga tanga,” sabi ni Mauve na ikinatawa ni Sienna na ngayon ay nagtutupi ng damit. Binato ko silang dalawa. “Ano na naman? Ikaw nga, ‘di ko pinakikialaman sa bago mong lalaki diyan,” banat ko kay Mauve na nanlaki ang mga mata. Binato niya ako. “Ang bunganga mo! Hindi ko lalaki ‘yon!” Ay, wow. Defensive? “Ha? Sino ‘yon?” nagtatakang usyoso ni Sienna. “’Yong kuya ni Tha—” Hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang biglang takpan ni Mauve ang bibig ko at sumigaw para ‘di marinig ni Sienna. “Aestheria!” banta niya. “Grabe! Akala ko ba wala dapat tayong sekreto sa isa’t isa? Sa ‘kin mo lang kinuwento tapos kina Sienna, Jade at Thalia, ‘di mo shinare. Favorite friend mo talaga ako, ‘no?!” pang-aasar ko. Sa huli ay wala siyang choice kundi ikuwento na rin kay Sienna. Crush niya kasi ‘yong kuya ni Thalia, ‘yong nag-aaral sa med school. Sobrang gwapo at hot n’on! Actually ex-crush ko rin. Kaso ang sungit! Mas malamig pa sa yelo! Ang ending ay dalawa na kami ni Sienna ang nang-aasar sa kaniya hanggang sa naghampasan na kaming tatlo ng unan. “Back to you, Aestheria. Akala mo may kawala ka sa ‘min.” Bumangon si Mauve at muli akong hinarap. Napaayos din ako at kinuha ang unan para ibalik sa higaan na nagulo na. “Seriously, ang weird n’yo ni Archie. Noong nasa Dapitan tayo, nag-aapoy ang tingin niya sa inyo noong kasama mo si Jared! Nagselos yata! Kinakausap ka ba?” Hay, minsan ang hirap talaga magkaroon ng kaibigang mga babae dahil kailangan mong ikwento ang tungkol sa crushes at love life mo once na malaman nila. Hindi ka nila titigilan hanggang sa wala kang naibibigay na update! “Hayaan mo na siya,” sabi ko na lang at muling bumalik sa pag-aayos. Nakatingin naman silang dalawa sa akin. “Ano ba ‘yan, ang komplikado n’yo naman. Tapos mukhang gusto pa n’ong Dabin si Archie. Abalang-abala sila sa pag-uusap noong sa Boni at Dapitan, eh.” Tumango-tango si Sienna. “May gusto siya kay Archie.” Kumunot ang noo ko at nilingon si Sienna. “Paano mo naman nasabi?” Nagkibit-balikat lang si Sienna at ngumiwi. “Just because.” Napaisip ako. Siguro nga ay may gusto si Dabin kay Archie gaya ng sinabi ni Toshi. Eh, ano naman ngayon? Bakit ako maaapektuhan? “Hindi kami masiyadong nakakapag-usap. Busy siya at busy rin ako. Masiyado kayang abala sa Engineering,” pag-iiba ko ng usapan. “Mukha lang akong hindi busy dahil wala naman akong ginagawa, pero sila, ayon at abalang-abala.” Mahina akong hinampas ni Mauve. “Konting-tiis na lang naman, Ace. Two years pa at makaka-graduate ka rin sa kursong ‘yan.” Maliit akong ngumiti. Paano kung hindi ko na matiis? Pilit na pilit ako sa kursong kinuha ko. Pinagpipilitan kong isiksik ang sarili ko at ramdam ko ‘yon. Hindi para sa akin ang Engineering. Alam ko ‘yon at matagal ko nang tanggap. Hindi ako matalino, at wala akong sipag gayong wala akong kahit katiting na interes sa inaaral ko. Pinilit ko naman, pinagsikapan, pero hindi talaga, eh. Kahit naman matapos ako at maka-graduate sa Engineering, walang naghihintay sa aking trabaho. Imposibleng matanggap ako dahil parang wala akong natutunan sa lahat ng inaral ko sa first and second year. Gusto kong magsisi sa naging desisyon ko noon pero sa tuwing naiisip ko na kung hindi ako sa Engineering, saan ako? Eh, wala naman akong ginagawa sa buhay kundi magrebelde. Wala akong pangarap… hinahanap ko pa. Posible pala ‘yon, ‘no? Noong bata ako, napakarami kong pangarap at gustong maabot, pero magmula noong magkaisip ako at mamulat sa reyalidad ng buhay, parang bigla na lang naglaho ang lahat. Kung may kailangan man akong hanapin ngayon, ‘yon ay ang dahilan para mabuhay at magpatuloy sa mundo kung saan tila nawawala ako. Cringe as it sounds, but that’s what I really need. Nawawala ako sa buhay. I’m lost and I can’t find what I really want in life. “Eh, paano na lang kung bumagsak ka sa Engineering?” sabi ni Mauve. Nang tingnan ko sila ni Sienna ay may halo nang pag-aalala at concern sa mga mata nila. Ngumiti ako. “Eh, ‘di bumagsak.” “Seryosong usapan,” saway ni Mauve. Bumuntong-hininga ako at umupo rin sa gilid ng kama sa pagitan nila. “Hmm… kapag bumagsak ako, maninirahan ako sa malayong lugar, sa gitna ng kakahuyan, at doon mamamalagi hanggang sa pagtanda ko. Mag-aalaga ako ng mga hayop at halaman, tapos tuwing umaga ay papanoorin ko ang pagsikat ng araw habang nakatanaw sa isang lawa.” “Bruha ka talaga.” Muli akong hinampas ni Mauve kaya muli kaming naghampasang tatlo. “Pero seryoso, Ace, kahit bumagsak ka pa sa kurso mo ngayon, marami pang naghihintay sa ‘yo sa buhay na ‘to. Remember what we promised back in high school? Magpatuloy sa buhay para makita kung ano ba ang naghihintay sa atin sa dulo. Malay mo pala magiging successful ka sa buhay at magiging masaya tapos sumuko ka at ‘di mo na naabot. Ang tragic lang, ‘di ba?! Matagal pa ang panahon natin, marami pang naghihintay sa atin, kaya kahit mahirap, magpatuloy lang tayo.” Seryoso ang boses ni Mauve nang sabihin ‘yon kaya naman gumaan ang pakiramdam ko. Parehas kaming tatlo na nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame. Ngumiti si Sienna at tumango. “Maraming taon pa ang lilipas, matagal pa bago natin marating ang kung anuman ang gusto natin sa buhay kaya kailangan nating magpatuloy kahit ano pa ang mangyari… dahil paano natin malalaman kung ano ang naghihintay sa atin sa dulo kung hindi natin mararating iyon?” “Pero paano kung mapagod tayo sa gitna ng paglalakbay?” mahinang tanong ko habang nakatitig sa kawalan. “Magpahinga. ‘Yon lang ang tanging magagawa natin, Ace. Magpahinga, at magpatuloy ulit.” Saktong pagkatapos naming mag-ayos at magbihis ay dumating sina Thalia at Jade. Dadaanan pa namin sina Matt mamaya. Maraming kaibigan si Thalia at halos siya ang common friend naming lahat. Sina Thalia at Jade lang ang umakyat sa apartment namin at naiwan ang mga kasama nila sa van, ibang friends at kakilala ni Thalia. Pagpasok pa lang ng dalawa sa apartment ay agad na kami nitong dinamba ng yakap. Wow, parang ‘di nagkita noong weekdays! “Kasama natin si Matt! Kinikilig ako.” Parang teenager na humalakhak si Thalia. Nasa sala kami at kasalukuyang naghahanda ng mga dadalhin. Hinatak ni Jade ang buhok ni Thalia nang umupo siya sa tabi nito sa sofa. “Harot!” “Ouch! Wala ka bang landi, ha? Parang hindi ka yata high?!” “Brokenhearted ako. Huwag n’yo akong inaano at baka ‘di ko kayo matantiya,” pairap na sabi ni Jade at tinawanan lang namin siya. “Bored ka na naman. Hanap ka bagong kalandian!” sabi ni Thalia. Sa circle of friends naming lima, si Jade at Sienna ang magkaibigan at magkasama since high school, ako at si Mauve, at si Thalia, she get along with each of us. Mabait si Nathalia at sociable. Mukha lang high araw-araw pero sobrang bait, matulungin at caring. Si Jade ang pinakabulgar magsalita sa amin. Kung si Nathalia ay mukha lang high araw-araw, si Jade naman, high talaga. Masungit, palairap, at pinakamapang-asar. Sobrang hilig makipagbardahan! Hilig niyang kaasaran si Toshi kaya halos magkahalo na ang ugali ng dalawa. Sila-sila kasi nila Toshi, Sienna, at Jade ang magkakasama sa Architecture. Si Mauve naman ay mapang-asar din at sobrang dali lang kasama. Bulgar din magsalita kaya nahawa ako. Ako kaya ang pinaka-inosente sa grupo namin! Si Sienna naman ay tahimik lang, pero kapag nasa mood o kapag lasing, mas maingay pa kaysa sa akin. Magkakaibigan na kami since junior high school kaya technically, nine years na naming ginugulo ang buhay ng isa’t-isa. Ilang sandali lang kaming nanatili sa loob ng apartment at bumaba na rin para ilagay sa loob ng van ang mga gamit namin. Muli akong umakyat para kunin ang ilang gamit ko nang mapalingon ako kay Toshi nang lumabas siya sa room nila. Handang-handa na ang loko at nakaayos na. “Wow, pormado tayo ngayon, ah. Saan ka sasakay? Sa gulong?” pang-aasar ko. “Oh, talaga ba, Aestheria. Lungkot mo lang kasi wala si Jared,” pang-aasar niya naman at inakbayan ako. Sinuntok ko ang tiyan niya. “Pwede ba tigilan mo kakaano mo kay Jared sa akin?! Baka ‘di kita matantiya at bigwasan kita diyan!” “Bakit galit ka na naman? Inaano kita?!” Naiinis ako kay Toshi kakareto niya kay Jared sa akin at kakareto niya sa ‘kin doon kay Jared. Inshort, pinagma-matchmake niya kami! “Takpan mo nga ‘yang mukha mo, naiirita ako pag nakikita kita,” sabi ko at inalis ang pagkakaakbay niya sa akin. “Sabagay. ‘Di kita masisisi kung nasisilaw ka na. Ganito kapogi ba naman makita mo araw-araw?” Hindi na ako nakapagtimpi at sinaksak ko siya. Biro lang, sinapok ko lang siya ng isa dahil namumuro na. Pero hindi ko naman masisisi si Toshi kung ireto niya kami ni Jared sa isa’t-isa. Hindi niya naman kasi alam na may gusto ako sa kaibigan niya. I also doubt na may gusto sa akin si Archie. Parang imposible na kasi. Kung hindi kaibigan ang tingin sa akin ni Archie, kapatid naman. Mas masakit pa yata ‘yon. Okay na ako sa friends, pero mas maganda kung higit pa roon. Hindi ako tatanggi. Dumiretso na ako sa loob ng apartment para kunin ang naiwan kong gamit. Nag-bathroom din muna ako dahil naiihi ako. Matagal ang byahe at naaawa naman ako sa pantog ko. Siguradong gagabihin kami pagkarating sa Tagaytay. Nang muli akong bumaba ay nakasakay na sila at ready nang umalis. NV350 Nissan Van ang dalang van kaya naman malaki at maraming seats. May kasama pang driver si Nathalia. Si Jade sa shotgun seat. Sa una at pangalawang upuan mula sa harap ay sina Thalia at ‘yong ibang friends niya na hindi masiyadong pamilyar sa akin ang nakaupo. Magkatabi naman sina Toshi at Sienna sa pangatlong upuan. Sa pang-apat ay si Archie ang nakaupo. Sabay kaming sumakay ni Mauve at sa pinakalikod sana kami, sa likod ni Archie, kaso lang ay bago pa ako makaupo ay hinatak ni Archie ang kamay ko at pinaupo ako sa tabi niya. Nagkatingin kami ni Mauve bago siya makahulugang ngumiti sa akin. “Ah, dito ako sa likod. Favorite spot ko ‘to, eh,” aniya at umupo sa four-seater sa likod. Umupo na lang ako sa tabi ni Archie at sinungitan siya para itago ang ngiti at pamumula ng pisngi ko. “Bakit hindi mo ako kinakausap? Iniiwasan mo ba ako?” parang inis pa na tanong ni Archie. “Porket may bago ka nang kaibigan?” “Ano bang sinasabi mo?” Tinaasan ko siya ng kilay. Hinarap niya naman ako at matamang tinitigan. “Bakit hindi mo ako pinapansin?” “Anong hindi? Eh, kita mo ngang kinakausap kita ngayon.” “Noong weekdays.” Ano bang problema ng lalaking ‘to? Eh, siya nga itong hindi namamansin dahil busy siya. Saka kinakausap ko naman siya sa klase, ah. “Ikaw yata ang ‘di namamansin sa akin. Kita mong kinakausap kita,” sabi ko. “Kinakausap mo ako dahil kinausap kita. Kung hindi pa kita kakausapin, hindi mo ako papansinin.” “Ano bang problema mo?” pabalang na bulong ko at tumingin sa harapan. Mabuti at busy silang lahat sa pag-uusap-usap kaya ‘di nila pansin ang pinag-uusapan namin. Umaandar na ang van at dadaanan namin sila Dabin. “Kinakausap kita, Aestheria.” Kunot na kunot ang noo niya at masama ang tingin sa akin, nagtitimpi. “Oo na, busy ako. Hindi ako umiiwas. Busy lang talaga. ‘Yon lang ‘yon, Archie,” sagot ko. “Hindi naman pwedeng lagi tayong magkasama at magkausap, ‘di ba? Busy rin tayo sa kaniya-kaniyang bagay.” Parang hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. Kinagat niya ang ibabang labi at pinakatitigan ako. Magkatabi kami kaya naman hindi siya ganoon kalayo sa akin. Kahit ang pabango niya ay naaamoy ko. “Are you serious?” he snapped at me. Hindi ako nagsalita at nag-iwas lang ng tingin. Napailing-iling siya sa akin at ibinalik ang tingin niya sa harap. “Mag-usap tayo mamaya.” Napakagat ako sa aking labi dahil sa pagiging seryoso ng boses niya. Nagdasal na lang ako na sana ay maging maayos kung anuman ang sasabihin niya. Nang madaanan namin sila Dabin ay mas lalong naging maingay ang loob ng van. Ang iba sa mga kabanda nila ay naupo sa mga bakanteng upuan, si Dabin ay sa likod ko umupo. Katabi niya si Mauve na nasa likod naman ni Archie. Parehas lang kaming tahimik ni Archie sa byahe dahil may katabi rin ako sa kabila, kasama nila Matt. Wala rin akong energy para mangulit kaya naman umidlip na lang ako. Nagising ako sa kalagitnaan ng byahe dahil naalimpungatan ako. Iminulat ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang paligid. Bahagya akong napabangon nang maramdaman na nakasandal ang ulo ko sa balikat ni Archie pero nakapatong ang ulo niya sa akin. Nang lingunin ko naman siya ay nakapikit ang mga mata niya, natutulog. Hindi na lang ako gumalaw at muling bumalik sa pagkakaidlip. Mukhang malayo pa naman kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD