"Wala po akong alam diyan, tita. Hindi po ako ang kumuha niyan!" depensa ko pero pinanlisakan niya lang ako ng tingin.
"Wala kang alam? Paano napunta dito ang aking mga hikaw? Naglakad sila papunta sa lagayan mo ng mga underware mo?" sigaw na tanong niya sa akin.
"Hindi ko po alam kung paanong nangyaring nandyan ang mga hikaw mo tita! Wala po akong kinukuha sa inyo!" pagtatanggol ko sa aking sarili.
Mabilis na lumapit si tita sa akin at sinabunutan niya ako. Napahawak naman ako sa aking buhok dahil sa kanyang ginawa.
"Kunin niyo lahat ng damit ng babaeng ito!" utos niya sa kanyang dalawang anak.
"Tita Nancy, masakit po!" pagdaing ko habang kinakaladkad niya ako.
"Tita! Tama na po!" sigaw ko sa kanya.
Napapaluha na ako dahil sa sakit ng pagkakasabunot niya.
"Hindi ka na nahiya sa akin bata ka! Pinatira kita dito sa bahay, pinalamon at pinag-aaral na nga kita, ganyan pa ang igagaanti mo sa akin! Nanakawan mo pa ako! " sabi ni tita aa akin.
"Wala po akong ninanakaw tita! Hindi ko iyon magagawa sa inyo!" pagtatanggol ko sa aking sarili.
Patuloy pa rin niya akong kinakaladkad hanggang sa makararing kami sa sala ng bahay.
"Nancy!" sigaw ni kuya elmer kay tita kaya napatigil siya sa pagkaladkad sa akin.
Lumapit si kuya Elmer sa aming kinalalagyan.
"Gabing gabi! Hindi na kayo nahiya sa mga kapitbahay!" kontrolado ang kanyang boses pero ramdam mo na may diin ito.
"Sino ang hindi magagalit sa ginawa ng batang ito, Elmer! Ninakaw niya ang ibinigay mong hikaw sa akin!"
"Ano ang gusto mong mangyari ngayon?" tanong ni kuya Elmer sa kanya.
"Dapat lang na palayasin ko siya! Ayaw kong mag-alaga ng isang magnanakaw dito sa bahay!" sagot ni tita sa tanong ni kuya Elmer.
"Sino ba si Reann sa iyo?" kalmadong tanong ni kuya Elmer.
Hindi kaagad nakasagot si tita Nancy dahil sa tanong ni kuya Elmer.
"Pamangkin mo siya, Nancy. Alam mo kung ano ang nangyari sa mga magulang niya at papalayasin mo siya?"
"Anong gusto mong gawin ko, Elmer? Palagpasin na lang ang pagnanakaw niya?" may galit na tanong ni tita sa kanyang asawa.
Nakita kong tumingin si kuya Elmer sa akin. Tinitigan niya ako na may awa sa kanyang mga mata.
"Nakita na naman ang mga hikaw mo, hindi ba, Nancy?" tanong ni Kuya Elmer kay tita.
"Bakit hindi mo na lang muna palampasin ito, Nancy? Bakit hindi mo bigyan ng isa pang pagkakataon si Reann bilang pamangkin mo?" dagdag pa ni kuya Elmer.
"Paano kung ulitin na naman niya ang ginawa niya, Elmer?" tanong ni tita kay kuya Elmer.
Tumingin si kuya Elmer sa akin, "Gagawin mo pa ba ulit ang ginawa mo, Reann?" tanong niya sa akin.
"Wala akong ginawa, kuya, hindi ko ninakaw ang hikaw ni tita!" sagot ko sa kanya.
Tinignan niya ako sa aking mga mata, "Ang tanong ko, Reann kung gagawin mo pa ba kung ano ang ginawa mo?" pang-uulit niya.
Napabuntong hininga na lang ako at napayuko.
"Hinding hindi ko magagawa iyon, kuya Elmer. Maniwala sana kayo!"
Tumingin si Kuya Elmer kay tita Nancy, "Narinig mo iyon, Nancy? Bigyan mo pa ng isang pagkakataon si Reann bilang pamangkin mo," sabi ni kiya Elmer sa kanya.
Tumingin si Tita Nancy sa akin na nanlilisk ang mga mata, " Sa susunod na magnakaw ka pa ulit, hinding hindi na kita bibigyan ng pagkakataon, Reann! Tandaan mo iyan!" sabi ni tita Nancy sabay bitaw ng aking buhok.
Napayuko n alang ako at napaluha dahil sa mga nangyari. Hindi ako makapaniwala na pinagbintangan nila akong magnanakaw.
Simula noong siyam na taong gulang ako ay kasama na nila ako at ngayong labing siyam na taon na ako, pag-iisipan pa nila ako ng ganyan?
Alam ko naman na sampid lang ako sa pamilyang ito, pabigat sa mga mata nila. Kung pwede lang sanang umalis na lang dito ay ginawa ko na pero wala akong pupuntahan.
Naisipan ko na rin kumuha ng trabaho para buhayon ang aking sarili pero mahirap makakuha ng trabaho lalo na at hindi pa ako tapos sa pag-aaral.
May trabaho ako sa Library pero pangbayad lang iyon sa aking tuition fees, wala doon ang aking gagastusin sa pang-araw-araw na pamumuhay ko kaya siguradong mahihirapan ako kapag umalis o mapalayas ako sa puder ng aking tiyahin.
"Pagpasensyahan mo na ang tiyahin mo, Reann. Ganoon na lang siguro ang tumatanda," sabi sa akin ni Kuya Elmer.
Napaangat ako ng aking ulo at nakita ko siyang nakangiti.
"Salamat po kuya. Pero wala po talaga akong ninanakaw!"
"Huwag kang mag-alala, alam ko naman na hindi mo iyon magagawa," sabi niya sa akin.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Kumain ka na ba? Magluto ka na lang sa kusina. Ako na bahala sa tiyahin mo," sabi niya sa akin.
Bago ako umalis, nagpasalamat na muna ulit ako at pagkatapos ay nagtungo ako sa kusina paramagluto ng aking hapunan.
Dahil gutom na gutom na ako, nagluto na lang ako ng instant noodles para mabilis. Pagkatapos kong kumain, kinuha ko ang aking mga damit na inilabas ng aking mga pinsan na nasa sala at ibinalik ko sa aking kwarto.
Naging maayos naman ang aking buhay sa mganakalipas na araw pwera na lang sa mga tingin sa akin ni Tita Nancy kapag nagkakasalubong kami.
Tinatawag niya lang ako kapag uutusan niya ako at kung may iappagawa siya. Pero kapag wala, para lang akong isang hangin na hindi niya nakikita.
"Ok ka lang ba, Reann?" tanong sa akin ni Ma'am Miguel.
Napaangat ako ng aking ulo at nakita ko si Ma'am Miguel.
Ngumiti ako sa kanya, "Ok lang po ako, ma'am." maikli kong sagot sa kanya.
"Sigurado ka ba? Parang may dinadala ka kasing problema."
Napayuko na lang ako dahil sa totoo lang ay pagod na pagod na ako.
Simula noong gabing pinagbintangan nila akong nagnakaw ng hikaw ni tita Nancy, hindi na nila ako binigyan ng pera para pumasok dito sa paaralan. Sinubukan kong humingi noon sa kanya pero hindi niya ako binigyan.
"Meron po ba kayong alam na trabaho, ma'am?" imbes na sagutin ang tanong niya ay iyan ang nasabi ko.
"Bakit? Hindi ba ok ka naman sa tiyahin mo? Binibigyan ka naman niya ng allowance, hindi ba?"
"Kulang kasi ang ibinibogay niya sa akin, ma'am. Kailan ko rin ng extrang pera para magawa ko ang mga requirements ko sa mga subjects ko, ma'am," pagsisinungaling ko sa kanya.
Napailing na lang siya, "May kakilala akong naghahanap ng crew sa isang coffee shop, Reann. Huwag kang mag-alala at sasabihin kong may nahanap akong pwedeng magtrabaho sa kanya," nakangiti niyang sambit sa akin.
Napatayo ako at napayakap kay Ma'am Miguel dahil sa kanyang sinabi.
Nagpatuloy ako sa aking yrabaho dito sa Library. Nang matapos ko ang lahat, nagpaalam ako kay Ma'am Miguel para umuwi.
Pagdating ko dito sa bahay, wala pa sila. Parati naman na gabi na sila nakakauwi kaya ang ginawa ko na lang ay magpalit ng aking suot para makapagluto na ng hapunan.
Habang nagluluto ako, dumating ang dalawa kong pinsan na si Glennie at Dranreb. Deretso sila sa kanilang kwarto kaya pinabayaan ko na lang ang mga ito.
Makalipas pa ng ilang minuto, dumating na rin si tita Nancy at dumeretso din sa kanyang kwarto.
Pinagpatuloy ko na lang ang aking pagluluto. Mahigit isang oras din akong nagluto at nag-ayos ng lamesa. Tinawag ko sila para maghapunan na. Agad naman na lumabas ang dalawang pinsan ko at si Tina Nancy mula sa kanilang kwarto.
Nang matapos silang kumain, agad silang bumalik sa kanilang kwarto habang ako, kakain na muna at pagkatapos ay maghuhugas ng aming pinagkainan.
Nang matapos ko ang lahat na gawain dito sa kusina, nagtungo na ako sa aking kwarto para gumawa ng aking mga assignements at requirements.
Ilang oras din akong gumawa ng mga kailangan kong gawin hanggang sa makarinig ako ng pagkatok.
Lumabas ako ng aking kwarto. Mabilis akong nagtungo sa pinto ng bahay at binuksan ito.
Pagbukas ko, nakita ko si kuya Elmer na na nakangising nakatingin sa akin. Amoy na amoy ko ang amoy alak mula sa kanya kaya medyo napalayo ako.
"Ginabi yata kayo, kuya Elmer?" tanong ko sa kanya.
Bigla niyang hinawakan ang aking balikat at itinulak papasok ng bahay.
"Teka kuya, aalalayan na lang kita," sabi ko pero hindi niya binitawan ang aking mga balikat.
Patuloy niya akong itinutulak papasok habang nakatitig sa aking mga mata.
"Kuya, ano g ginagawa mo?" nauutal kong tanong sa kanya.
Ngumisi lang siya sa akin at ioang saglit pa, unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa aking mukha.
Dahil sa gulat, bigla ko siyang itinulak ng malakas pero ang hindi ko inaasahan, naihila niya ako!
Bumagsak siya sa sofa dito sa sala habang ako ay napasubsob sa kanyang katawan.
"Anong ibig sabihin nito, Reann!"