Chapter 3

1779 Words
Agad akong napatayo dahil sa gulat. Nakita ko si tita Nancy na mabilis akong sinugod at sinabunutan ako.  "Walangya kang babae ka!" galit na galit niyang sigaw sa akin.  Pinatayo niya ako mula sa pagkakasubsob kay kuya Elmer. Ang kanyang kanang kamay ay nakasabunot sa aking buhok.  "Tita..."  Napatigil ako nang bigla niya akong sinampal nang malakas.  "Nilalandi mo pa si Elmer!" sigaw niya sa akin na sinundan pa niya ng isa pang malakas na sampal.  "Nagkakamali po kayo, tita!" pagdepensa ko sa kanyang sinabi.  Muli niya akong sinampal nang malakas.  Nanlalabo na ang aking mga mata dahil sa sunod-sunod niyang pagsampal sa akin ng malalakas. Dahil na rin sa luhang lumulukob sa aking mga mata Ilang saglit pa, naramdaman ko ang apat na kamay na sumabunot sa aking buhok. Napatgingin ako sa may-ari ng mga kamay at nakita ko ang aking mga pinsan na sina Glennie at Dranreb.  Nanlilisik din ang kanilang mga mata at may mga sinasabi sila sa akin. Hindi ko na naintindihan pa ang kanilang mga sinabi.  "Tama na po!" paulit-ulit kong pagmamakaawa sa kanila habang lumuluha ang aking mga mata pero hindi sila tumigil. "Dapat lang sa ito 'yan! Kunin niyo lahat ng damit ng babaeng ito!" utos niya sa kanyang mga anak.  Napahiga ako sa sahig nang itulak ako ng aking mga pinsan bago sila umalis. Agad naman na hinawakan ng aking tiyahin ang aking buhok at hinila papunta sa labas. Hindi ko na nagawa pang makatayo dahil sa lakas ng pagsasabunot sa akin ni tita Nancy.  "Parang awa mo na tita, tama na!" pagmamakaawa ko pero parang wala siyang narinig.  Narinig kong binuksan niya ang pibto ng bahay at lumabas kami. Malakas niya akong pinatayo at malakas na itinulak.  Napahawak ako sa aking pwetan dahil sa lakas ng pagkakabagsak ko.  " Kung noong una, pinatawad na kita, ngayon ay hindi na! Magnanakaw ka na nga, malandi ka pa!" nanlilisik na sigaw sa akin ni tita Nancy.  "Wala po akong ginagawang ganyan tita. Parang awa niyo na, wala akong pupuntahan!" pagtanggol at pagmamakaawa ko sa kanya.  Lumuhod ako sa kanyang harapan. Lumuluha ang aking mga mata. Hinawakan ko ang kanyang mga paa habang nakatingala sa kanya.  "Nagmamakaawa ako, tita. Wala akong ibang mapupuntahan." umiiyak kong pakiusap sa kanya.  "Wala akong ginagawang masama. Hindi ako nagnanakaw at hindi ko nilalandi si kuya Elmer! Siya ang unang humawak sa akin kaya noong itinulak ko siya ay nahila niya ako," dagdag ko pang pagtatanggol sa aking sarili.  Ngumisi si tita sa akin at ilang saglit pa ay bigla niya akong sinipa sa aking tiyan.  Napahiga ako sa sahig at napahawak ako sa aking tiyan. Dahan dahan akong umupo sa sahig para humarap sa aking tiyahin. Nakita ko si kuya Elmer na nasa likod ni tita Nancy. Nakatingin siya sa akin.  "Kuya Elmer, sabihin mo naman kay tita Nancy na wala akong ginagawa please, na hindi kita ni nilalandi!" sigaw kong pagmamakaawa kay kuya Elmer Tumingin si tita Nancy kay kuya Elmer. "Totoo ba ang sinasabi niya, Elmer?" may diing tanong ni tita Nancy sa kanya. "Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang ay nakaupo akong natutulog sa sofa kanina," sagot niya na kinalaki ng mga mata ko. "Hindi po iyang totoo! Binalak po niya akong halikan kaya naitulak ko siya pero nahila niya ako kaya napasubsob ako sa katawan niya!" sigaw kong depensa. Kita ko na mas nanlisik ang mga mata ni tita Nancy sa akin. Lumapit siya sa aking kinalalagyan. Napaatras ako dahip alam kong galit na galot na ang aking tiyahin. " Hindi ka lang magnanakaw at malandi! Sinungaling ka pang babae ka! " sigaw niya sa akin. Muli niya akong sinabunutan at hinila palabas ng kanilang gate. Nakita ko ang dalawa kong pinsan na hawak hawak ang aking mga damit at sumunod sila sa amin. "Tita, parang awa niyo na! Nagsasabi po ako ng totoo! Wala po akong ginagawang masama!" pagmamakaawa ko s akanya habang patuloy na dumadaloy ang aking mga luha. "Hinding hindi ako maniniwala sa iyo! Umalis ka na dito sa pamamahay na ito at huwag na huwag ka nang babalik pa!" sogaw niya sa akin. Nang makalabas kami sa gate nila, mabilis niyang isinara ang gate. Ibinato naman ng aking mga pinsan ang aking mga gamit sa akin. Mabilos akong tumayo at nagmakaawa sa kanila. "Tita! Parang awan niyo na! Wala po akong ginagawang masama!" sigaw ko sa kanila pero parang wala siyang narinig. Pumasoksina Tita Nancy at kuya Elmer sa loob ng bahay habang ang dalawa kong pinsan ay nakangising tumingin sa akin. "Bye-bye our dearest cousin!" sabi ni Glennie sa akin at pagkatapos ay tumawa silang dalawa ng malakas. "Tita! Pakiusap po! Papasukin po ninyo ako! Wala po akong ginagawang masama! Hindi ko po oyon magagawa!" paulit-ulit kong sigaw pero wala, walang nagbukas ng pinto ng kanilang bahay. Napaluhod ako sa harap ng kanilang gate na umiiyak. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nilapitan ko ang aking mga gamit, tangin mga damit lang ang nandito at wala ang aking bag at cellphone! Paano na ako ngayon? Saan ako pupulutin? May nakita akong plastic bag ng basura. Kinuha ko iyon at tinanggal ang mga basurang nasa loob para doon ilagay ang aking mga gamit. Bago ako umalis ay napatingin pa ako sa bahay ng aking tiyahin nagbabakasakaling may lalabas at papasukin ako. Napaangat ako ng aking ulo. Wala akong makitang mga bituwin sa langit at malamig din ang simoy ng hangin.  Nakayuko akong naglalakad sa gilid ng kalsada. Habang naglalakad ako, naramdaman kong umaambon. Napabukas ako ng aking palad at doon ko nakita ang butil ng ulan. Umaayon ang panahon sa aking nararamdaman. Tumingala ako sa langit at doon bumagsak ang kanina ay ambon na naging ulan! Nakatayo lang ako na nakatingala. Lumuluha ang aking mga mata pweo dahil sa ulan ay hindi ito napapansin kung may makakakita man sa akin. Bakit ba nangyari ang lahat ng ito sa akin? Bakit ko ba nararanasan mga ito? Wala naman akong maalalang kasalanan na nagawa ko para parusahan ako ng ganito. Mabait naman ako, masunurin kaya bakit? Ano ba ang plano ng Maykapal sa akin? Nagtagal din ako sa ganoong posisyon hanggang sa magsimula na naman akong maglakad. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Nang makakita ako ng isnag store na nakasara, mabilis akong sumilong doon. Nang makasilong ako, nakita ko ang tatlong lalaking nag-iinuman sa kabilang kalsada, sa may ginagawang gusali. Habang nakasilong ako, biglang tumingin ang isang lalaki sa akin pero agad din niyang iniwas ang tingin niya nang makita ko siya. Nag-usap ang tatlong lalaki at ilang saglit pa ay sabay-sabay silang tumingin sa akin na nagbigay ng kakaibang takot sa aking katawan. Tumayo ang tatlong lalaki mula sa kanilang pagkakaupo at mabilis silang naglakad papunta sa aking kinaroroonan. Mabilis akong naglakad para sana takasan sila pero nang lumingon ako, patakbo na silang sumunod sa akin.  Mabilis din akong tumakbo para takasan sila pero sadyang mabilis sila kaya naabutan nila ako.  "Halika, miss, magkwentuhan na muna tayo," sabi ng isang lalaki sa akin. "Hindi na po, uuwi na po ako," nauutal kong sagot sa kanya. Hinawakan niya ang aking braso. Nagpumiglas ako. "Huwag ka nang mag-inarte, miss. Mag-uusap lang naman tayo, eh!" sabi pa ng isnag lalaki. Napatingin ako sa kanilang tatlo. Lasing na lasing na sila. Kitang kita ko ang mapupula nilang mga mata at ang mabahong amoy ng alak mula sa kanila. "Ayaw ko po! Aalis na po ako!" sabi ko sa kanila. Lumapit ang dalawang lalaki sa aking tabi at hinawakan nilang dalawa ang aking mga braso. Bumitaw naman ang nakahawak kanina sa akin at ngumisi. "Huwag kang aalis. Tara at sisiguraduhin namin na sasaya ka sa amin," sabi niya sa akin. Nagpumiglas ako sa kanilang tatlo nang maramdaman kong hinihila na nila ako papunta sa lugar kung saan sila umiinom kanina. "Aalis na po ako!" sigaw ko sa kanipang tatlo pero parang wala silang narinig. Ginamit ko ang lahat ng aking lakas para makawala sa dalawang lalaking nakahawak sa akin na nagawa ko naman. Mabilis akong tumakbo para takasan sila. "Habulin niyo siya!" sigaw ng isang lalaki. Hindi na ako lumingon pa. Binitawan ko na rin ang aking mga gamit para makatakas sa kanila. Habang mabilis akong tumatakbo, naririnig ko ang pagkulog atpagkidlat. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo at naririnig kong hinahabol nila ako. Dahil gabing gabi na, wala ng mga tao sa paligid. "Tulong! Tulungan niyo ako!" paulit-ulit kong sigaw pero walangnakakarinig sa akin. Rinig na rinig ko naman ang tawanan ng tatlong lalaking humahabol sa akin. Lumiko ako sa isnag eskinita pero sumunod pa rin sila sa akin. Ilang saglit pa, napatigil ako sa pagtakbo nang wala na akong madaanan. "Pinagod mo pa kami. Dito ba ang gusto mo? Mas maganda sana kung doon na lang tayo para may magandang pwesto pero sige, pagbibigyan ka na lang namin." Napalingon ako sa aking likod at doon nakita ko ang tatlong lalaki na nakatayo. Napaatras ako nang magsimula silang lumapit sa akin. "Huwag kayong lalapit! Sisigaw ako!" sabi ko sa kanila pero nginisian lang nila ako. Kasunod ng pagkulog at pagkidlat, nakita ko ang mala-demonyo nilang mga makha. Lumukob sa aking buong katawan ang takot dahil sa nangyayari. Patuloy pa rin ang ulan pero parang wala na akong nararamdaman. Ilang saglit pa, biglang kumulog ng malakas at sumunod naman ang isang matalim na kidlat! Napapikit ako ng aking mga mata dahil sa nangyari at nang matapos iyon ay muli akong nagmulat ng aking mga mata. "Huwag kang matakot, masaya ito," narinig ko pang sambit ng lalaki na nasa gitna. "Huwag! Huwag kayong lalapit!" sigaw ko sa kanila na sinagot lang nila ng malakas na pagtawa. Muling kumulog ng malakas. Napatakip ako ng aking tainga dahil parang ang kulog ay nangyari mismo sa aking kinatatayuan. Napaupo ako at nakapikit. Ilang saglit pa, lumiwanag ng malakas dahil sa matalim na kidlat. Hindi ko alam pero lumaki ang aking mga mata nang mapagtanto kong sa akin papunta ang matalim na kidlat. Ipinikit ko ang aking mga mata. Mas maganda na rin siguro ang ganito kaysa sa mabuhay na walang saysay! "Ahh!!" Malakas kong sigaw nang maramdaman kong tumama ang kidlat sa akin. Hindi ko na alam ang nangyari basta ang natatandaan ko ay bumagsak ako sa semento. Pagmulat ko ng aking mga mata, agad kung nakita ang kulay cream na dingding. Agad akong nabalikwas ng bangon dahil sa nakita ko. "Gising na si Prinsesa Reann! Tawagin ang mahal na reyna at mahal na hari!" Napatingin ako sa sumigaw at nakita ko ang isang babaeng nakasuot ng pangkatulong. Nasaan ako? Bakit ako nandito? Bakit Prinsesa Reann ang tawag nila sa akin? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD