" Nasaan ako? Sino kayo? " nauutal na tanong ni Reann sa mga taong nandito sa loob ng kwarto.
Nagkatinginan silang lahat at halata sa kanilang mukha ang pagtataka. Lumapit sila sa bawat isa at nagbulungan. Hindi marinig ni Reann ang mga sinasabi nila kaya nagsalita siya ulit.
" Pwede bang huwag kayong magbulungan at sabihin niyo sa akin kung nasaan ako? " may diing tanong ni Reann sa kanila.
Napatingin ang lahat sa kanya dahil sa sinabi niya. Hindi pa rin sila nagsasalita hanggang sa bumukas ang pintoan at pumasok ang isang lalaki at babae na may magarbong kasuotan na may korona sa kanilang ulo.
Napalaki ng mga mata si Reann nang makita niya ang dalawang tao na ito. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita! Para siyang nakakita ng mga mukto dahil sa pagdating ng dalawang tao na ito!
Lumapit sila kay Reann at agad nila itong niyakap, " Mabuti at gising ka na, Reann! Hindi mo lang alam kung gaano kami katagal na naghintay sa paggising mo, " naluluhang sambit ng babae kay Reann.
Ilang saglit pa ay humiwalay sila sa pagkakayakap at tumitig Sa kanya. Hindi magawang kumurap ni Reann dahil sa dalawang taong nssa harapan niya.
" Salamat sa Maykapal at muli ka na naming makakausap at makikita ulit namin ang iyong mga ngiti sa iyong labi, " nakangiting sambit ng babae sa kanya.
Nakatingin lang si Reann sa babae. Inoobserbahan niya ang bawat sulok ng kanyang mukha, sa kanyang mga mata, sa kanyang ilong at sa kanyang labi. Dahan dahan niyang inangat ang kanyang kamay at hinaplos ang mukha ng babae.
" Mama? " nauutal na tanong ni Reann sa kanya.
Mabilis na tumayo si Reann mula sa kama at muking niyakap ang babaeng sinabihan niyang 'Mama'.
Napatingin ang babae sa lalaking nasa gilid niya na may pagtatakang mukha. Hindi alam ng babae kung ano ang salitang " Mama ". Ngayon lang niya narinig ito mula nang maisilang siya.
Nang magkahiwalay sila ng yakap, hinarap ng babae si Reann at ngumiti.
" Ina, Reann. Ako ang iyong Inang Reyna, " pakilala ng babae na nagpakilalang Reyna pero hindi iyon inintindi ni Reann.
" Patay na ba ako? Patay na ba ako kaya nakikita ko kayo? Nasa langit na ba ako? " naguguluhan niyang nga tanong sa kanila.
Nagtaka ang Reyna dahil sa mga sinabi ni Reann. Tumingin siya muli sa lalaking nasa gilid niya na may pagtatanong ang mukha.
Tinabihan ng lalaki ang Reyna at humarap kay Reann. Pinagmasdan niya si Reann at inobserba ang kanyang itsura.
' Siya ang aking anak pero bakit parang may kakaiba sa kanyang pananalita? ' tanong ng lalaki sa kanyang sarili.
" Papa! " galak na sambit ni Reann sa lalaki at mabilis niyang niyakap ito.
Hindi maayos ang isipan ni Reann dahil sa pagkakita niya sa kanyang mga magulang. Wala siyang pakialam sa paligid dahil ang mahalaga ay nahahawakan at nayayakap niya ang kinilala niyang mga magulang ngayon.
Halos siyam na taon, siyam na taon na ang nakakalioas mula noong mamatay ang mga magulang ni Reann dahil sa isang aksidente at ngayon ay nakikita niya ang mga ito sa mga taong nsa harapan niya. Pangungulila at pagkasabik ang nararamdaman ni Reann ngayon dahil muki na niyang makakasama ang kanyang mga magulang.
Hindi nagsalita ang lalaki at pinabayahan na lang niya na yumakap si Reann sa kanya. Ramdam na ramdam ng lalaki ang higpit nang pagkakayakap ni Reann sa kanya.
Ang Inang Reyna naman ay napapaluha na lang habang pinagmamasdan ang kanyang asawa at ang kanyang anak na magkayakap.
Lumapit si Inang Reyna sa kanioa at nakiyakap na rin.
" Miss na miss ko na kayo, Mama, Papa! Kung panaginip ang lahat ng ito, ayaw ko na pong magising! " naiiyak na sambit ni Reann sa kanila.
Hinaplos ni Inang Reyna at Amang Hari si Reann. Napapikit silang dalawa at pinaramdaman nila ang yakap ng kanilang anak.
" Masaya kami at bumalik ka na, Reann. Hindi ko lang alam kung gaano kami nag-alala sa iyo dahil sa pagkakalason mo, " sabi ni Inang Reyna sa kanya.
Nang maghiwalay sila sa pagkakayakap, tumingin si Reann kay Inang Reyna na may pagtataka sa kanyang mukha.
' Anong sinasabi niyang nalason ako? ' tanong ni Reann dahil sa sinabi ni Inang Reyna.
" Ako? Nilason? " nagtataka niyang tanong sa kanya.
" Tama ang iyong narinig, Reann. Limang buwan ka ring nakahiga sa kama matapos matanggal ng manggagamot ang lahat ng lasong kumalat sa iyong katawan, " sagot ni Inang Reyna sa kanya.
Napatigil si Reann. Napaisip siya kung ano ba ang nangyayari ngayon.
" Pero huwag mo nang isipin ang lahat na nangyari na dahil ang importante ngayon ay maganda na ang kanyang kalagayan, Mahal. Hinding hindi na nating pababayaan pa ulit si Reann kahit na anong mangyari, " sabat naman ni Amang Hari.
' Ano ba ang pinagsasabi nila? Ako nalason? Ang pagkakaalala ko ay natamaan ako ng kidlat! ' tanong ni Reann sa kanyang sarili.
" Maayos na ba talaga ang kalagayan mo, Reann? Wala ka bang nararamdamang kakaiba? Nahihilo? Nasusuka? " may pag-aalalang tanong ng Inang Reyna sa kanya.
" Ayos na ayos po ang kalagayan ko. Walang kahit na ano na masakit, " sagot ni Reann sa mga tanong ni Inang Reyna.
Napabuntong hininga si Inang Reyna dahil sa sagit ni Reann. Para siyang nabunutan ng malaking kutsilyo sa kanyang dibdib dahil kitang kita niya na nalagpasan niya ang piligro sa kanyang buhay.
" Pero nagugutom po ako, " nakayuko niyang dagdag.
Napangiti si Inang Reyna at tinawag ang mga babaeng nasa gilid ng kwarto.
" Magpahanda kayo ng pagkain at pagkatapos ay sabihan mo na magkakaroon ng malaking piging sa susunod na tatlong araw! " utos ni Inang Reyna sa mga babaeng nasa kwarto.
Napayuko ang mga babae, " Masusunod, Mahal na Reyna, " sabay sabay nilang sagot.
Mas naunang lumabas ang mga babae sa loob ng kwarto.
" Sino ba ang mga babaeng 'yon, Mama? " tanong ni Reann kay Inang Reyna.
" Bakit mo ako tinatawag na 'Mama'? Ano ba ang ibig sabihin ng salitang iyan? " hindi niya napigilan na tanungin si Reann tungkol dito dahil walang gumagamit ng ganyang salita sa kanilang Kaharian.
Nagtaka si Reann dahil sa tanong ni Inang Reyna sa kanya. Napatitig siya dito at pagkatapos ay kay Amang Hari.
' Anong ibig sabihin nito? Bakit hindi nila alam ang salitang 'Mama'? ' nagtatakang tanong ni Reann sa kanyang sarili.
" 'Mama', ang ibig pong sabihin niyan ay 'Nanay', ' Ina ' ," sagot ni Reann kay Inang Reyna.
" Ang ' Papa ' naman po ay ' Ama ', " dagdag pa niya.
Napatango na lang silang dalawa dahil sa sinabi ni Reann. Ngayon ay alam na nila kung bakit sila tinawag ni Reann ng ' Mama ' at ' Papa '.
" Tayo na. Alam kong gutom na gutom ka dahil halos limang buwan ka ring nakahiga sa iyong kama at tanging artipisyal na pampalakas lang ang itinurok sa iyong katawan, " anyaya ni Inang Reyna sa kanya.
Nang makalabas sila sa kwartong pinanggalingan nila, doon lang napansin ni Reann ang kanyang paligid.
Paglabas nila ng kwarto, tumambad sa kanya ang isang malaking pasilyo. Sa mga dingding ay may mga malalaking canvas at may mga palamuting kulay gintong metal na mandirigma.
Hindi maiwasan ni Reann na umikot ang kanyang paningin sa buong lugar habang naglalakad sila. Maaliwalas ang daanan na kanilang tinatahak, malinis at maganda sa mata ang kulay berdeng dingding nito. May mga palamuting sariwang bulaklak sa gilid ng pasilyo na siyang nagbibigay ng mabangong amoy sa buong lugar.
Hindi nagtagal, makarating din sila sa isang mahabang hagdanan na paikot pababa. Ang hawakan ng hagdanan ay purong ginto, makintab at makinis. Mula sa kanilang kinalalagyan, makikita ang mga tagasilbi na nakaangat ang kanilang tingin sa kanilang tatlo.
" Halika na, Reann, " narinig niyang anyaya ng Inang Reyna.
Bumaba silang tatlo. Bawat hakbang ni Reann pababa ay iniikot niya ang kanyang paningin.
" Para akong nasa malaking palasyo! " sambit ni Reann.
" Nandito ka nga sa ating palasyo, Reann. "
Narinig ni Reann na sambit ni Inang Reyna.
" Ganito ba ang naging buhay niyo noong maaksidente po kayo? Sana pala ay naaksidente na rin ako para matagal na tayong nagkasama dito, " sambit ni Reann sa kanya.
Nagtaka ang Inang Reyna kung ano ang mga sinasabi ni Reann sa kanya.
" Aksidente? Walang nangyaring aksidente sa amin ng iyong Amang Hari, Reann. Nandito lang kami sa Alora at walang nangyari sa aming masama, " sabi ni Inang Reyna sa kanya.
" Alora? " nagtatakang tanong ni Reann sa kanila.
' Ito ba ang tawag dito sa lugar na ito? Isang lugar dito sa langit? ' tanong ni Reann sa kanyang sarili.
Nagkatinginan sina Inang Reyan at Amang Hari na para bang may pinag-uusapan silang dalawa sa pamamagitan ng kanilang mga mata.
" Sabihin mo sa amin, Reann, kilala mo ba kami? Alam mo ba kung nasaan ka? " mga tanong ni Amang Hari sa kanya.
" Kayo ang aking mga magulang, hindi ba? At sa totoo lang ay hindi ko alam kung nasaan ako, kung nasa langit na ba ako kasi nandito kayo sa tabi ko, " sagot ni Reann sa kanila.
Napahawak ng nuo si Amang Hari dahil sa naging sagot ni Reann.
" Mukhang nawala ang ilang memorya niya, Mahal! " komento ni Inang Reyna sa kanyang asawa.
" Hindi malayong mangyari iyan, Mahal. Siguro ay isa iyan sa epekto ng lason na ipinainom sa kanya, " pagsang-ayon ni Amang Hari.
Napatingin lang si Reann sa kanilang dalawa. Hindi niya alam kung tama ba ang naririnig niya o hindi. Naguguluhan siya kung ano ang mga sinasabi nila.
' Mukhang may mali sa mga nangyayari! ' komento naman ni Reann sa kanyang sarili.
" Kilala mo ba si Prinsipe Cedie, Reann? " tanong pa ni Inang Reyna sa kanya.
" Prinsipe Cedie? Ang batang prinsipe? "
" Hindi na siya bata, Reann dahil si Prinsipe Cedie at ikaw ay matagal na dapat nagpakasal! " sabi ni Inang Reyna sa kanya na kinagulat niya.
" Kasal? Ako? Nakatakda akong ikasal sa isang Prinsipe? " nauutal na tanong ni Reann na nandidilat ang kanyang mga mata.
" Oo, Reann at dahil gising ka na, matutuloy na ang inyong kasal. Papaimbitahin ko sila sa kasihayan na magaganap tatlong araw mula ngayon kaya dapat ay simulan mo nang maghanda para sa muli niyong pagkikita! " sabi ni Inang Reyna sa kanya.
Napatigil si Reann sa paglalakad at hindi makapaniwala sa mga narinig niya.
" Iyong totoo? Seryoso po kayo? "