Pathetic Kyla's POV "Puntahan mo na nga kasi, Nilalandi na niya yata lahat ng empleyado dito." Habang nakaharap ako sa computer ko ay lumapit sa akin si Lotie at bumulong. Napatingin ako kay Corbin na nakaupo na sa Desk ng isang empleyado at kausap na niya ito. Pinahintulotan din naman kasi ng Manager namin na pumunta siya dito. Paano, Pinsan ng may ari eh. Pumunta kasi si Corbin dito , Inaaya ko namang maglunch. Ang sbai ko naman sa kanya ay hindi pa time ng Lunch Break namin. Pero sabi niya hihintayin daw niya ako. Pero hindi ko namang inakalang dito mismo niya ako hihintayin. Mahirap namang tumanggi dahil mabait naman yung tao sa akin. "Ano na ba ang score sa inyo ha." Pinagulong niya ang swivel chair niya at lumapit pa mismo dito sa desk ko. "Wala, Ito naman papatol pa ba ak