Chapter 12 VISTA… NASA LOOB ako ng computer room dito sa university library. Libre kong magagamit ang mga computer dito na may kasama pang internet. Dito ako madalas na maglagi kapag hindi ko kasama si Waylon, na ang alam ni Waylon kasama ko sila Irene. Busy ako sa pagkalkal sa internet world, ang dami kong nababasa rito na restricted sa bahay namin o maging sa mismong cellphone ko. The more na marami akong site na hindi mabuksan the more na gusto kong mabasa ang mga laman ng site na iyon. “Ay!” naiinis na pabulong na bulalas ko. May nakita kasi akong isang blog, interesting ang laman pero nang buksan ko ayaw mabuksan ng buong site. Naiinis ako, bakit hanggang dito ba naman sa library hindi pa rin ako pinapayagan na makita ang lahat. “Kainis,” iniligpit ko na lang ang lahat ng mga ga