Kabanata 1..
Kabanata 1..
ITO ANG araw at oras na kaylan 'man hindi niya makakalimutan sa buong buhay niya. Ang maglayas at iwan ang kaniyang ina at nag iisang kapatid na kasama ang hinayupak niyang stef father na tumayong ama na rin sa kaniya.
Kabastusan man na tawaging niyang "hinayupak" ang tumatayong pangalawang ama, ito'y hindi niya mapigilan dahilan sa kakaibang pagturing nito sa kaniya. Hindi natin maitatangging napag buhatan na siya nito ng kamay at paulit ulit na wala man lang naging aksyon ang nanay niya.
Talagang hinayupak talaga!
Ako si Amanda Uy. Bente sais gulang. Isang dalaga na may dugong intsik pero itsurang naluging intsik. Sinapupunan pa lamang ako ng aking ina iniwanan na kami ng aking ama. Kung kaya't lahat nang sama ng loob sa 'kin na 'yon lahat ibinunton ng aking ina.
Kung tatanungin ninyo kung ano ang naging buhay ko sa pamilya ko? Masaya na 'kong nakatapos ng second year, pero daig ko pa ang nakatapos ng kolehiyo dahilan sa madiskarte ako. Lahat na yata nang bagay na makakatulong sa 'kin maging sa pamilya ko. Eh, nagawa ko na.. Pero sa madaling salita, ang akala ko makakaya ko 'yon hanggang sa tumanda ako.
Hindi pala..
Noon pa man alam 'kong may ugali ang aking ina, at tanggap ko 'yon, dahil siya ang nag silang sa 'kin sa ibabaw ng lupa. Lahat at bawat masasakit na salita na lumalabas sa bibig nito nagawa 'kong tanggapin kahit hindi ko kayang lunukin, pero 'yung ibintang nila ang isang bagay na hindi ko naman nagawa, parang ang hirap no'n tanggapin.
Pinagbintangan kase ako ni nanay na kumuha ng pera at nang magsabi ako ng totoo kung sino ang may gawa nito hindi ako nito pinaniwalaan. Bagkus pinaniwalaan pa nito ang asawa nito kahit dalawang mata kona ang naka saksi sa pagnanakaw nito. Sa madaling salita, mas paniwalaan pa nito ang asawa keysa sa sariling anak.
Nagawa pa nitong saktan ako sa harapan ng asawa maging sa kapatid ko habang ungol lang ng pag iyak ang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko matanggap sa sarili ko na sa tagal namin pag sasama. Bakit hindi nito makayang mahalin at matanggap ako? Dahil ba isa akong anak sa buho?
Kaya heto ako..
Naglalakad sa kalye habang naka sukbit ang isang malaking bag pack sa likod na may mga lamang gamit. Dalawang paang mabibigat na humahakbang habang ang mukha ko ay parang pinagbagsakan ng langit at lupa.
Pinunasan ko ang mga luhang kanina pa nag aalpasan sa pisngi ko ng hindi ko namamalayan kasabay ng pag upo ko sa waiting shed nang mapagod ako. Malayo –layo na rin pala ang narating ng dalawang paa ko. Hindi ko naman kase alam na ganoon kalayo ang lalakarin para matunton ko ang iskinita kung saan ang kababata ko'ng si Linda. Maniwala man sa hindi, dalawang oras yata ako naglalakad ng bumaba ako ng bus at hindi alintana ang pagod bagkus nakatatak sa puso ko ang sakit at sama ng loob ko naka paloob doon.
Bago ko napag pasyahan na lumayas, kinontak ko muna ito sa f*******: at binigay naman nito kaagad ang address kung saan papunta sa bahay nito. Pero hindi ko binigay alam na ngayon ko ito pupuntahan. Hindi ko naman aakalain na bigla akong mag papasya. Siguro nga pagod na akong umasa at sobra sobra na kong nasasaktan.
Kailangan ko na ngayon nang trabaho para sa sarili ko at nabalitaan kong maganda na rin ang buhay nito kaya nagkukumahog din akong pasukin ang alok nito. At alam 'kong wala din ako pupuntahan kaya nag pasya na 'kong sopresahin ito.
Kung sisipatin ang tinitirahan nito, malayong malayo sa itsura ng probinsya kung saan kami lumaki ng kababata ko. Mabuti na nga lang may naipon akong pera na naitago at 'yun ang nagamit 'kong pamasahe pagluwas ng manila.
Bawat hakbang hindi maiwasan lingunin ko ang mga nadadaan ko. Hindi masasabing hindi iskwater ang tirahan nito. Dikit dikit at tila animoy na may laging masinsinan na pag uusap ang mga tao, dahil sa dami ng tao sa labas na nag oosyusuhan.
Maya-maya'y hindi nakatiis ang isang ale dahilan ngayon lang siguro ako nakita nito sa pook na iyon at kasabay na palipat lipat ng paglingon ko sa bawat tagiliran ko, kaya naisipan narin ako nitong tanungin ng malapitan ako. At pagkakataon ko narin para magtanong dito.
"Sino ba ang hanap mo dalaga?" nakapa mewang pa nitong tanong sa akin. Pinagmamasdan ang kabuuan ko.
"Hello po manang, saan po 'yung bahay dito ni Linda? Linda Sanchez po." magalang kong tanong sa mababang boses. Hindi maitago ang pagod.
"Kaano-ano ka ni Linda? Kagagandang lahi naman meron si Linda?" wika nito sa kaniya na malayo sa tanong niya kasabay ng pag baba taas ng dalawang mata nito. Nasa boses nito ang gulat at di maware.
Pero hindi niya iyon sinagot bagkus inulit na lang niya ang tanong sa kaharap. "Saan po ba ang bahay ni Linda, Manang?" ulit niya.
Bago ito sumagot, hinagod muna ulit siya nitong tingin at sabay umiling iling. "Sayang ang ganda mo pa naman Ineng." bulong nito na akala nito ay hindi niya narinig pero hindi na lamang niya iyon pinansin.
"Manang puwede po ba ninyong ituro kung saan siya nakatira?" naiinis man dahil sa paulit ulit niyang tanong, minabuti niyang kalmahin ang sarili. Dahilan siya ang may kailangan dito at mukhang kilala nito ang kababata.
Itinuro nito sa kaniya ng mapansin ang paglukot ng mukha niya, matapos no'n nagpasalamat siya at nagmamadaling nag paalam.
Nangingiti siya habang pinagmamasdan ang labas ng bahay ng kababata. Hindi pa nito alam na nasa labas siya ng bahay nito. Maya pa at nagpasya siyang kumatok. Ngunit ilang beses niyang ginawang inulit. Hanggang sa pang apat niyang katok bumukas iyon at tumambad sa kaniya ang mukha ni Linda.
Napahagod siya ng tingin sa katawan nito.
Nakasando lamang ito na halos lumuwa ang harapan nito sa suot. Pero hindi parin papatalo ang kaniyang harapan na mas maraming nakakapansin sa t'wing may dadaan na kalalakihan sa kanila. Nakasuot naman ito ng pang ibaba na short na kulang na lang ay maging pan loob nito dahil sakat na sakat ang pang ibaba nito. Hindi niya inaasahan na ganoon na ang itsura nito dahilan gumanda ito at tila 'di rin pahuhuli ang ka sexy sihan kung 'yun ang pag uusapan.
Maluwang na ngumiti ito sa kaniya ng makilala siya kasabay na mabilis na pagyakap nito sa katawan niya.
"Bakit hindi ka man lang nagsabi na ngayon ka darating? Akala ko ba matatagalan pa ang pag luwas mo?" wika nito na may pagka gulat mamaya at may bumulatay na ngiti sa labi nito. Hinila siya paloob ng bahay at luminga muna sa labas ng pinto bago isarado. Na para bang may kung anong meron doon. Pero inognora ko lamang iyon.
"Biglaan lang kase ang pag luwas ko Linda, hindi naman talaga ngayon ang punta ko dito." nakangiting paliwanag niyang sagot, "Si Inay kase at yung hinayupak 'kong steffather." saka lumungkot ang mukha. "Alam muna.." habol pa niya.
Tumango ito, alam na kaagad ang ibig niyang sabihin dahilan naikwento na niya dito ang kaniyang buhay na kasama ang mga ito.
"Beb.." isang boses lalaki ang mabilis na nagpalingon sa likuran nilang dalawa. Isang lalakeng ngayun ay nakatunghay sa kanilang dalawa habang nakatayo sa hagdan. Tila ba napahinto ng makita siya.
Napalunok siya habang minamasdan ang lalaking ngayun ay humahakbang pababa ng hagdan na tila ba walang pakielam. Naka brief lamang ito at hindi man lang nahiya na naandoon siya. Parang okay lang dito na makita niya na ganoon ang itsura nito. May katabaan ang katawan nito at itsurang ibang lahi ito dahilan sa itsura nito. May pagka singkit kase ang mata nito na tulad ng kaniya at itsurang may idad na, at dahil itsurang may kaya sa buhay kung kaya't natatabunan ang kulubot na mukha nito sa suot nitong naglalakihang ginto sa leeg nito at kamay.
Hindi niya inaasahan na may kakilala ang kaniyang kababata na ganitong tao. Hindi maitatanggi na naiisyosohan siya sa nakita. Pero inignora niya iyon at saka hindi iyon ang pakay niya dito. Basta ang nais niya ay trabaho at 'yun ang ipinangako nito sa kaniya.
At dahil makulit ang isipan niya, tila ba hinihila siyang tanungin iyon. Nang makita kase niya ang lalake tila ba hindi na siya mapakali at hindi maipaliwanag ang nakapaloob sa dibdib at isipan niya.
Ano nga ba ito ng kaibigan niya? Dahil sa pag kakaalam niya dalaga ito at wala itong nababanggit na may nobyo ito.
"Beb, sino kasama mo? Bakit ikaw tagal?" dinig niyang tanong nito ng makalapit ito kay Linda. Hindi siya nagkakamaling hapon ito, pananalita pa lamang nabasa na niya kaagad. Doon siya magaling sa pagkilatis ng tao.
"Beb, kaibigan ko si Amanda! Siya nga pala 'yung sinasabi ko." pagka sabi non. Napa hagud ito ng tingin na tila binabasa ang kabuuan ko. Saka nagsalita muli.
"Siya ganda ganda. Tamiyo gusto siya." saka napangiti na tila tuwang tuwa sa sinabi ng kaibigan niya.
Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin nitong dalawa, kaya palipat lipat lang ang tingin niya sa dalawang nag uusap.
"Ah, Amanda meet my boss. Si Tahamiro Akashi." pakilala nito sa akin. "Galanteng hapon 'yan Inday!" dagdag nitong saad ngunit pabulong lamang na may halong ngiti ang labi. Nasa boses nito ang pagyayabang saka tumango ako na tila ba balewala lang.
"Hello sir. Naghahanap po ako ng trabaho." wika niya sa kaharap na may kasamang pag ngiti.
Tumango ito ng dalawang beses saka tumingin kay Linda. "Ako uwe na Linda. Usap tayo maya, hah?" at ginawang tumalikod nito sa kanila dahilan umakayat muli ito ng hagdan.
At hindi rin nagtagal bumaba ulit ito at nakasuot na ito ng damit na pormal. Humalik ito kay Linda bago umalis. Sunod-sunod na ang katanungan na nakapila sa isipan niya pero walang tanong na umalpas sa isipan niya. At mamaya na lamang siya magtatanong dahil gusto din niya ng boss na mayaman para makaahon sila sa kahirapan at sa ganon hindi siya minamata ng asawa ng kaniyang ina at dalawang kamay narin siyang tatanggapin ng kaniyang ina pag may pera na siya.
Habang naka upo sila sa sala, nauna ng nagsalita si Linda at hinayaan niya ito.
"Amanda, tatapatin na kita." nakaharap at hawak ang palad niya, seryoso ang mukha, "Ilang buwan na kaseng kailangan ko ng pera." lumungkot ang mukha nito pero nagpatuloy muli sa pagkukwento. Mataimtim naman na nakikinig ako, "Naoperahan si inang at kailangan ko ng malaking pera. Hindi naman sasapat 'yung sahod ko sa pagbabantay ng karenderya. Minsan may kumain doon.." tumigil muna ito, huminga ito ng malalim at nagpatuloy, "At yun nga si Tahamiro. Inalok niya ako sa isang bar." madiin siyang napapalunok ng sunod-sunod lalo na ng marinig niya ang bar. Hinyaan niya ito kahit may namumuo na sa isipan niya, "Pumayag ako Amanda.." doon nakita niyang tumulo ang luha nito at mabilis siyang sumagot sa huling pag amin nito.
"Ibig sabihin Linda hindi kana nagtatrabho sa karenderya? Sa bar kana nagtatrabho? Kamusta si tiya? Alam naba niya lahat ito?" sunod-sunod niyang katanungan.
"Hindi na Amanda, pero napa gamot kona si Inang sa sakit niya, okay na siya. May tindahana narin si Nene na pinagkakaabalahan nila. Nang dahil kay Tahamiro, Amanda! Nagbago ang buhay ko at ng pamilya ko dahil sa alok nito ng dahil sa kaniya gumanda ang buhay ko!" sa boses nito may sigla.
"Saan? Bakit hindi ko nakita? Anong kapalit?" diretsyang tanong niya. Pero alam na niya ang sagot sa sariling tanong.
"Katawan ko!" mabilis na sagot nito. Akma siyang sasagot ng unahan siya nito.
"Pero magandang buhay ang kapalit Amanda! Hindi ko pinagsisihan ang bagay na iyon. Binigyan niya ang pamilya ko ng magandang buhay. Mga malwak na lupain. Binigyan niya ang pamilya ko ng malaking pe–."
"Pero ang kapalit! Yun yung parausan ka! Ganon diba?" agaw singit niya sa pagsaalita nito. Umiling iling siya. "At ngayon dahil alam mong nangangailangan ako ng tulong at down na down ako sa pamilya ko, 'yan din ba yung iaalok mo ha, Linda?" diretsyo niyang tanong sabay tayo sa kinauupuan. Sa boses tila ba may galit. At hindi niya napigilan.
"Amanda, hindi kita pinipilit!" sabay hila nito paupo ulit sa kaniya. Sumunod naman siya kahit pilit sa sarili.
"Pero sa hirap ng buhay ngayun maging praktikal ka! Makinig ka sa 'kin Amanda. Magiging maganda ang buhay mo at ng pamilya mo pag kinuha mo itong iaalok ko sa'yo, ni Tahamiro. Magbabago 'yun maging ang pakikitungo ng mga mahal mo sa buhay. At gano'n na naandito kana rin mas okay na kuhanin muna." umiling siya ng sunod-sunod habang ang kamay ko'y mahigpit nitong kapit.
"Amanda.. Meron kapatid si Tahamiro, iyon ay si Tamiyo, binata ito.. Gusto na nitong mag asawa at alam 'kong virgen kapa dahilan 'yun ang gusto nito kaya ikaw ang naisip ko." habang patuloy ito sa pagsasalita, mapait akong nakatingin sa bintana.
"Isipin mo Amanda ang magiging kapalit nun ay magandang bahay at negosyo. Bukod doon may isang million ka pang pera. Di 'ba maganda? Gaganda ang buhay mo Amanda. Mag isip ka!"
Awtomatikong napabaling siya ng tingin kay Linda.
Matagal bago siya naka pag salita.
Ngayon naguguluhan siya..
To be continued..