Taki Suarez's POV;
Sunod sunod ang mura ko ng pag gising ko para akong binangga ng isa daang tren dahil sa sakit ng katawan ko lalong lalo na ang pang upo ko.
"T-Tangina." Mura ko ng bumagsak ako ng tangkain kong umupo.
"Damn you Jiro." Mura ko ng may halong inis dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Babangon ulit ako ng hindi sinasadyang mapatingin ako sa study table kung saan may nakalagay na tray na sobrang daming pagkain at gatas.
Kahit nahihirapan pilit akong lumapit dun at kinuha ang note ng mapatingin ako sa kamay ko.
"S-Singsing?"hindi makapaniwalang sambit ko ng makita ko ang gold ring na nakalagay sa daliri ko.
"Jiro." Bulong ko at hindi maiwasang mapangiti ng tanggalin ko yun at may may makita akong initials sa loob ng singsing.
'J.P'
Hindi ko alam pero pakiramdam ko anytime parang sasabog ang puso ko sa sobrang saya na nararamdaman ko.
Kaya mg umagang yun maganda akong kumain lalo na ng mabasa ko ang note niya na pinagluto niya ako wala talaga akong tinira kahit konti kahit masuka suka na ako dahil sa busog na busog na ako.
"Anong meron Taki ang saya mo yata ngayon kulang na lang bawat daanan natin yakapin mo at batiin." Komento ni Jun na kinatawa ko habang naglalakad kami papunta sa library.
Wala na kasi kaming klase dahil ng magkakaroon ng meeting ang mga prof kaya napagpasyahan naming pumunta ng library para tumambay.
"Wala noh maganda lang talaga gising ko." Nakangiting sambit ko ng mapatingin ako sa field at napahinto ng makita ko sina Jiro.
"Ay shoot P.E pala ng Black Chasers ngayon." Ani ni Jun bago tumabi sakin at pinanood din ang grupuhang naglalaro sa field.
Grabe ang gwapo niya pa din kahit pawisan na siya.
'Kyaaah! Black Chasers!'
'Go! Jiro at Jairus!'
Halos mapuno naman ang field ng mga estudyanteng nanonood sa kambal na nag aagawan sa bola kasama ang mga kagrupo.
Napangiti ako ng konti ng makita kong seryosong seryoso si Jiro sa pakikipag agawan sa bola at pag sipa nito sa net.
"Ahhh!"napatalon ako sa gulat ng sumigaw si Jun habang turo turo ang kamay ko na nakahawak sa railing.
"s**t! Ano yan Taki ikaw at s---asghft."hindi naituloy ni Jun ang sasabihin niya ng takpan ko ang bibig niya at bumulong.
"Wag kang maingay." May diing sambit ko bago tumingin tingin sa paligid.
"Tangna kailan pa yan?" mahinang tanong ni Jun ng tanggalin ko ang kamay ko sa bibig niya.
"Kaninang umaga shh wag kang maingay."bulong na sagot ko dahilan para uga ugain niya ako na parang babae putangina.
"Damn congrats sana all na lang." Nakangusong sambit niya na kinatawa ko bago tanggalin ang kamay niya sa balikat ko.
"Eh diba kayo ni J---."hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng suntukin niya ako ng mahina na kinatawa ko ng mamula siya ng todo.
"Wag kang maingay tara na nga magkukwento ka sakin." Ani niya bago hilahin ang kwelyo ko na kinangiwi ko ng dalhin niya ako kung saan.
3rd Person's POV;
"Putangina wala bang gustong magpatalo diyan para matapos na tayo!" Sigaw ni Mathias habang pinupunasan ang tagaktak na pawis habang nakatingin sa kambal na patuloy sa pag aagawan ng bola.
Patuloy lang sa paglalaro ang kambal ng tumunog ang bell na kinatigil ng Black Chasers.
"Sa wakas tapos na." Habol hiningang sabit ng binatang si Gray Crossford habang nakahiga sa damuhan.
"Wala man lang nakascore satin." Ani ng binata habang nakatingin sa scoring board.
"Ang init fuck." Mura naman ni Jiro habang binubuhos sa sarili ang hawak nitong tubig na kinatili ng mga estudyante.
Na kinatawa ng mahina ng Chasers dahil halos himatayin ang mga estudyanteng babae habang naglalaway na nakatingin sa katawan ng binata na bumabakat sa suot nitong itim na sando.
"Bumalik na tayo ng Dorm putangina mo Jiro." Mura ni Jairus habang kagat kagat ang neck line ng suot nitong puting sando.
"Mga pasikat." Nanggigil na sambit ng binatang may blond na buhok habang makatingin sa grupuhang nasa field.
"Chill ka lang pre mapapabagsak din natin sila." Nakangising sambit ng lalaking may nakasukbit na gitara sa likod nito bago tapikin ng mahina ang balikat ng kaibigan.
---
"Kailan ka pa nahilig sa acessories Jiro?" Tanong ni Jairus pagkatapos nitong lumabas ng bathroom habang pinupunasan ang sarili nito at nakatingin sa leeg ng binata na kasalukuyang nagpupunas ng mukha sa harap ng malaking salamin.
"Mind your f*****g own business Porter tss." Pagsusungit nito bago magsindi ng sigarilyo at hithitin yun habang nakatingin sa kwintas kung saan nakasabit ang isang gold ring mula sa reflection ng salamin.
"Okay sabi mo eh anyway malapit na ang school festival anong balak mo?" Tanong ni Jairus na kinatingin ni Jiro.
"Saan?" Tanong ng binata na kinataas kilay ng kakambal.
"Gago before ng school festival isang linggong walang pasok its means mapateacher at estudyante nasa labas ng eskwelahan tayo tayo na lang dito diba?" Ani ni Jairus na kinataas ng gilid ng labi ng binatang si Jiro bago kuhanin ang coat nito at longsleeve na nakasabit.
Taki Suarez's POV;
Napamura ako sa isipan ko ng magising ako ng tanghali na.
"Putangina patay nanaman ako nito kasalanan toh ng kupal na yun kainis ginagabi gabi ba naman ako." Asar na sambit ko habang dali daling binuksan ang closet ko ng---.
"Saan ka pupunta?" Ani ng malamig na boses na nagmumula sa pintuan ng kwarto.
"Jiro anong ginaga---s**t!" Mura ko ng marealize kong nextweek na pala ang school festival at isang linggong walang pasok.
"Kainis!" Ani ko bago isara ang closet ko kung saan nakalagay ang mga uniform ko.
"Kumain kana nagluto ako." Sambit ni Jiro habang humihithit ng sigarilyo at nakahilig sa pintuan.
"Dito ka ba natulog?" Tanong ko bago damputin ang longsleeve niyang nasa sahig at suutin yun.
Nakapajama naman na ako mukhang siya nagsuot nito sakin kagabi nakakatulog kasi ako pagtapos naming gawin'yun' dahil sa pagod.
"Dito naman talaga ako natutulog tuwing gabi gumigising lang ako ng madaling araw para bumalik sa dorm ko." Walang emosyong sagot ni Jiro ng malampasan ko siya.
"Goodmorning." Bati niya pagkatapos niya akong yakapin sa likod at halikan ako sa pisngi na kinangiti ko.
Wala siyang kahit na anong emosyon hindi rin siya sweet o showy pero sa simpleng mga ganitong gesture niya hindi ko maiwasang mas mahulog pa kahit wala siya ganung ka effort na ginagawa.