Taki Suarez's POV
"Hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko sayo ngayon Taki." Ani ni Jiro habang nagbibihis dito sa locker room na kinatigil ko.
"A-Ano bak---."
"Spill it." Malamig na putol ni Jiro habang nakatalikod sa pwesto ko at pinupunasan ang basa nitong buhok na agad kong kinuha pagkatapos ko siyang paupuin sa isa sa mga mono block sa locker room at ako na mismo ang nagpatuyo sa buhok niya.
"Taki." Ani niya na kinagat labi ko.
"W-Wala naman kasi napagod lang ako makipag asaran kina Devin at Jun kanina." Pagsisinungaling ko ng hindi siya sumagot nakahinga ako ng maluwang.
"Porter pwede ba kitang makausap?" Napatingin kami pareho ni Jiro ng bumukas ang pinto at niluwa nun si... Titus Gioville.
Maangas din ang dating nito at may kakaibang aura na hindi ko maintindihan.
Hindi din ito maikukumpara sa iba pang Black Chasers dahil sa wala naman talagang tulak kabigin sa grupong ito pagdating sa kagwapuhan.
"Dito ka lang." Ani ni Jiro bago tumayo at walang lingon lingon na lumapit kay Titus na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
---
Lumipas ang limang minuto wala pa din si Jiro kaya napagpasyahan kong babalik na lang ako sa unit ko kaya tumayo na ako para lumabas.
Naglalakad ako palabas ng gymn ng may marinig akong ingay sa kwartong hindi kalayuan ss pwesto ko.
Out of curiousity lumapit ako dun at medyo sumilip sa iwang ng pinto.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Titus at Jiro.
T-They kissing each other.
Parang may kung anong tumusok sa puso ko at pinagpira piraso ito ng makita kong nakikipag sagutan ng halik si Master.
"B-Bakit?" Bulong ko habang sunod sunod na tumulo ang luha ko sa mga mata ko.
Bakit masakit?
"Mahal kita Jiro." Ani ni Titus na kinadurog ko ng sobra.
And thats the cue pagkatapos kong isara ang pinto tumakbo na ako paalis habang pilit na pinipigilan ang pagtulo ng luha ko.
'Tama na Taki tama na' patuloy lang ako sa pagtakbo kahit nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luha ko.
Gusto ko ng umuwi gusto ko ng lumayo.
Patuloy lang ako sa pagtakbo ng---.
*blaaag!*
Napaupo ako kasunod ng pagbagsak ng gitara at ilan pang gamit nakaramdam din ako ng hapdi sa mga palad ko pero walang wala yun sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
Walang wala.
"s**t!are you okay Taki?!" Napaangat ako ng tingin ng may taong lumuhod sa harap ko at icheck ang katawan ko.
Hindi ko alam kung anong sumapi sakin at---.
"I-Ilayo mo ako dito please g-gusto kong umalis." Umiiyak na pagmamakaawa ko habang nakayakap sa nangangalang....Gray Crossford.
Wala akong pakialam kung hindi kami close o sa paningin niya wala akong hiya ang mahalaga sakin ngayon makalayo ako dito at sa taong gusto kong iwasan at layuan.
----
"Here." Napaangat ako ng tingin ng abutan ako ni Gray ng bottled ng water na agad kong ininom habang sumisinok sinok dahil sa kaiiyak ko kanina.
"So? Yun pala ang nangyari kaya para kang batang umiiyak." Ani ni Gray na kinatingin ko ng buksan niya yung kurtina ng kwarto kung nasan kami.
Gabi na pala at---.
"Ang ganda."bulong ko ng makitang mula dito kitang kita ang buong campus at City na may ibat ibang ilaw.
"Pag wala ako sa mood at badtrip ako dito ako pumupunta nakakagaan kasi ng pakiramdam ang nakikita ko dito." Ani ni Gray na kinatayo ko bago siya lapitan mula sa pagkakatayo malapit sa glaas wall.
"P-pasensya kana pala k-kanina kung nabangga kita tapos inistorbo." Bulong ko na kinalingon niya sakin bago ngumiti at akbayan ako.
"Its okay lalo na kung ganyang mukha ang tutulungan ko." Natatawang sambit niya na kinatawa ko ding mahina dahil sa gaan ng athmosphere ngayon dito.
"Gusto ko si Titus." Ani ni Gray na kinatigil ko at kinatingin sakanya.
"G-Gusto mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Since ng mga bata pa kami siya lang kasi yung kauna unahang kaibigan ko bago ko pa makilala yung kambal." Sagot niya bago ngumiti at tumingin sakin.
"Tuwing umaamin ako sakanya ginagawa niyang biro lahat ng yun hindi niya siniseryoso." Dagdag niya na kinatigil ko.
"Wag ka ng sad." Ani ko bago pilit na abutin ang buhok niya para haplusin katulad ng laging ginagawa ni Ji---ro.
"Taki!" Pareho kaming napalingon ni Gray sa pinto ng bumukas yun at---.
"Taki at Gray?" Nanlalaki ang matang sambit ni Jun ng makita kaming dalawa kasama ang buong black Chasers.
Agad kaming naglayo ni Gray na kinangiwi ko ng makitang half naked si Gray wala itong pang itaas dahil natapunan ito ng ice coffee ng mabangga ko ito kanina at nakaakbay siya sakin habang hinahaplos ang buhok niya ng makita kami ng Black Chasers.
Pero imbis maguilty wala akong pinakitang kahit na anong emosyon at tiningnan si Master na nagdidilim ang mukhang nakatingin sakin at kay Titus na mukhang naiinis ding nakatingin samin na hindi ko alam kung bakit.
"Anong ginagawa mo dito Taki?" Malamig na tanong ni Master na kung dati natatakot na ako pag ganito siya...ngayon? hindi na dahil mas nangingibabaw ang sakit at galit na nararamdaman ko ngayon at pag galit ako nawawalan na ako ng paki alam.
Tao din ako at nasasaktan hindi porket nabili niya na ako wala na akong karapatang masaktan.
"Masyado na akong naiinitan kaya nagpalamig ako kasama barkada mo." Malamig na sambit ko bago ngumiti na kinatigil nila at kinatingin ni Gray sakin.
"Taki." Nagdidilim ang mukhang sambit ni Jiro na mukhang anytime sasabog na ito pero...wala akong pakialam.
"Bye Gray sinusundo na ako ng Master ko." Ani ko bago siya harapin.
'Pasensya na pero alam kong magiging favor din itong gagawin ko sayo.'
Ani ko sa sarili ko bago umisang hakbang palapit kay Gray at abutin ang pisngi nito bago siilin siya siilin ng halik.
Ibang iba, ibang iba ang pakiramdam na ito sa nararamdaman ko tuwing hinahalikan ako ni Master.
Gusto ko lang ba talaga siya o mahal ko na talaga hindi ko lang magawang tanggapin dahil sa agwat naming dalawa.
"Taki!" Napatigil ako at bahagyang napaingit ng hilahin ako ni Jiro at mahigpit na hawakan ang braso ko pero---.
"What?" Walang buhay na tanong ko kahit nasasaktan ako sa mga hawak niya
Kinagat ko ang dila ko para maiwasang maiyak dahil sa saktan man niya ako physically hindi pa din matutumbasan ang sakit na binibigay niya sakin emotionally.
"Porter nasasaktan si Tak---."
*booogsh!*
"Gray!" Sigaw ko ng suntukin siya ni Jiro dahilan para malakas ko siyang itulak at takbuhin si Jiro na dumudugo ang labi habang nakaupo sa sahig.
"Putangina Taki ano bang ginagawa mo?!" Bulyaw ni Jiro bago ako hilahin at iharap sakanya.
"Bita---."naputol ang sasabihin ko at kinatigil ng---
Makita ko ang sobrang sakit sa expression at mga mata niya na sa kauna unahang pagkakataon nakita ko ito.
'Bakit?' Tanong ko sa sarili ko na kinayukom ko sa kamao ko ng pumasok nanaman sa isip ko ang nakita ko.
"Bitawan mo ako." Malamig na sambit ko bago tabigin ang kamay niya at galit na galit na tinitigan siya.
"Bakit mukhang nagagalit ka? Dahil humalik ako sa iba? Tell me ikaw lang ba ang pwedeng humalik ng kahit na sino?" Walang buhay na tanong ko na kinagulat niya na kinangiti ko bago tingnan si Titus na hindi pa din nagbabago ang expression mas lumala pa nga dahil nagdidilim na din ang mukha nito na parang anytime susugod samin.
"Wala tayo sa kama master para kontrolin mo ang galaw ko, besides Master and s*x slave lang naman ang meron tayo at kung ano mang gawin ko sa labas ng kwarto wala kana dun diba?" Ani ko bago mabibigat ang paang lumabas ng kwarto at lampasan ang Black Chasers na mukhang nagulat din sa sinabi ko.