Taki Suarez's POV;
"Taki." Napatingin ako sa pinto ng bumukas yun at niluwa ang Black Chasers.
"Jiro andito na sina Titus." Bulong ko kay Jiro na agad naman ito gumising tatayo ito ng mabilis inalalayan ni Jairus ng babagsak ito.
"Jiro alam mo ng nanghihina k---."
"Dre wala bang ginawang kalokohan yan habang walang kami?" Tanong ni Mathias na kinakunot noo ko.
"Anong kalokohan?" Tanong ko na kinangiwi ni Devin.
"Dadalhin na kita sa Dorm mo." Ani ni Jairus habang inaalalayan si Jiro na agad namang tinulungan ni Neon.
"S-Si Taki." Bulong ni Jiro ng iabot sakin ni Titus ang kamay niya na agad ko namang kinuha at hinila para makatayo.
"Andito ako Jiro." Ani ko ng---.
"Yung b-bag ko." Ani ni Jiro na agad kong inabot kay Jairus na kinuha naman niya agad.
"Sakay na iuuwi na kita." Parang lasing na sambit ni Master na kinalaki ng mata ko habang si Devin at Gray halos matumba na sa katatawa.
"Jiro mahiya ka naman para namang kakasya diyan si Taki." Saway ni Jairus na namumula ang pisngi dahil siguro sa kahihiyan dahil sa kakambal habang si Mathias at Titus napasapo na lang sa noo.
"Neon kunin mo na lang yung maleta ko sa dorm." Ani ni Jiro na kinatakip ko sa bibig dahil kahit ako natatawa na din sa pinagsasabi ni Jiro.
Yung tipong ang cute niya nawala yung pagiging emotionless niya dahil sa expression at tingin niyang parang napakainosenteng bata.
"Ganyan si Jiro pag may sakit." Ani ni Mathias habang sapo ang noo.
"Kambal ang pangit mo pala." Komento ni Jiro kay Jairus na kinagusot ng mukha ng kakambal.
"Jiro gwapo si Jairus." Sabat ko na kinatingin niya sakin.
"Pinagpapalit mo na ako?" Naniningkit ang matang sambit niya.
Lalapit siya sakin ng mapabitaw siya kay Jairus at Neon bago siya masubsob mabilis ko siyang sinalo na kinangiwi ko dahil bumangga ang tagiliran ko sa doorknob tangna.
"Oyy tinatanong kita mas gusto mo si Jairus kaysa sakin hoy." Pangungulit ni Jiro na agad namang kinuha ni Titus at Jairus.
"Putangina mo Porter umayos ka nga hindi na talaga ako magtataka kung iwan ka talaga ni Taki pag nakita yang attitude mong yan." Ani ni Titus bago siya palitan ni Gray na bigla na lang nilagay ang braso ni Jiro sa batok niya para makaalis si Titus.
"Hindi ako iiwan ni Taki mahal niya ako ." Parang batang pakikipag away ni Jiro kay Titus.
"Taki una na kami ah dadalhin na namin ito sa dorm niya." Paalam ni Jairus.
"Teka yung bag ko gusto ko kasama si Takii." Ani ni Jiro habang hila hila nina Gray palabas si Jiro.
"Catch." Ani ni Titus na agad kong nasalo kung ano mang binato niya sakin.
"Call me pag pupunta kana sa dorm ni Porter." Dagdag ni Titus bago lumabas kasunod si Devin na kumaway bago yumakap sa braso ni Neon na nagsalute lang sakin kasunod si Mathias.
---
Nang matapos ang pag aayos namin sa booth para sa araw na yun nagkanya kanya ng paalam ang grupo habang ako dali daling naglakad papunta ng dorm ko.
"Oy Taki Suarez." Napalingon ako ng may tumawag sakin at---.
"*cough*" napaubo ako ng bugahan ako ng usok ng putanginang lalaking ito bastos.
"Hindi ka ba tinuruan ng nanay mo ng manners!" Bulyaw ko sakanya na kinagulat niya na kinatigil ko sandali.
"Sino ka para sigawan ako ha?" Nagdidilim ang anyong sambit ng leader ng White fang bago ako hilahin at kwelyuhan.
Shit!
Itutulak ko siya ng may taong bigla na lang tinabig ang kamay ng nangangalang Yuan Acuera at---.
"L-Loki." Napakurap ako at bahagyang napalingon ng may maramdaman akong presensya sa likod ko.
"Kailan ka pa natutong mambully ng taong mas mababa sayo." Casual na tanong ni Loki na kinapoker face ko.
Seriously?
"Imean estudyante umalis kana dito Acuera kung ayaw mong ako ma mismo ang magpatalsik sayo palabas ng Academy." This time may warning na ang tono ng pananalita niya.
"Hindi pa tayo tapos." Naiiritang sambit ni Yuan Acuera bago umalis na kinalingon ko kay Loki.
"Ano hindi ka magthathank you?" Preskong tanong niya na kinaismid ko habang inaayos ang uniform ko.
"At bakit ako magthathank you? Dapat nga ikaw pag magsorry sa ginawa ng comrade mo."naiinis na sambit ko.
Lalampasan ko siya ng---.
"Ano ba?!" Bulyaw ko ng isandal niya ako sa katawan ng punong nasa likuran ko at hawakan ang dalawang kamay ko.
"Bawas bawasan mo yang kaangasan mo dahil ikapapahamak mo yan." Nagdidilim ang anyong sambit niya.
Hindi ko alam kung bakit pero imbis matakot dahil nasa ganito akong posisyon naiinis pa ako.
Dahil si Master ang naalala ko kaya mabilis ko siyang tinulak at nanakbo.
Takbo Taki...Takbo!.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makarating ako ng building namim at---.
*blaaag*
"Gray!"
"Aray ko."
"s**t naman."
Napaangat ako ng tingin mula sa pagkakaupo ko sa sahig.
"Gray? Titus?" Ani ko at tila nakahinga ng maluwang ng makita ko silang dalawa.
"Ano na kasing ginagawa mo Taki at nanakbo ka?" Tanong ni Gray bago tumayo at pinagpagan ang sarili habang si Titus inabot sakin ang kamay na agad ko namang kinuha.
"May problema ba?" Tanong ni Titus ng mahila ako patayo na kinangiwi ko dahil sa sumakit ang balakang ko napasama yata bagsak ko.
"A-Ano wala n-nagmamadali lang ako." Pagsisinungaling at akward na tumawa.
"I see." Ani ni Titus na mukha namang kumbinsido sa sinabi ko.
Someone's POV;
"Hey."
Napatigil ako sa paghithit ng sigarilyong hawak ko ng may yumakap mula sa likod ko.
"Mukhang stress ka may problema ba?" Tanong ng lalaking nasa likuran ko.
Tatanggalin ko ang pagkakayakap sa likod ko ng---.
"May iniisip lang ako." Ani ko na imbis tanggalin katulad ng iniisip ko binitawan ko ang sigarilyo ko at bahagyang sumandal sa katawan niya.
"Yung training ba?" Tanong niya na kinatahimik ko.
"Kahit ako kinakabahan dahil sa iba ang takbo ng utak ng matandang yun hindi ko nga alam bat siya ang ginawang trainer natin." Sagot niya bago ako yakapin ng mahigpit at halikan sa pisngi.
"Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ni papa bakit pa natin kailangan ng training tss" ani ko na kinatawa niya.
"Ang babait daw kasi natin." Sagot niya na kinatingala ko bahagya.
"Kung definition mo ng pagiging mabait yung pagpatay sa libo libong goverment officials,pagpapasabog ng malalaking establishments at pagsunog ng buhay sa president ng america magpamental kana." Ani ko na kinatawa niya bago ako iikot at hawakan ang dalawa kong pisngi.
"Kung ako ang tatanungin mo mas gusto ko na yung ganito." Seryosong sambit niya na kinatigil ko.
"Walang baril,walang responsibilidad walang kahit na ano." Bulong niya bago ako siilin ng magaan na halik na kinapikit ko habang madiing kumapit sa suot niyang uniform.
Yeah yan ang eksaktong nararamdaman ko pero...alam nating pareho na paglabas na paglabas natin ng eskwelahang ito mumulat nanaman tayo sa totoong mundo na ang mali ay tama at nasa kapangyarihan ang tunay na kasiyahan at kalayaan.