chapter 19

1553 Words
3rd Person's POV; "Porter!" Sigaw ng binatang si Mathias ng pagbukas ng classroom nila nakitang halos patayin na ni Jiro ang kakambal. "Kuya Jiro!" Sigaw ni Devin lalapit ang mga ito ng pagtayo ni Jiro nilingon ang apat na lalapit sa pwesto nila. "f**k!"bulong ni Gray ng makita ang galit sa mukha at mata ng binata. "A-Ano bang nangyayari?" Tanong ni Maximus ng makita ang duguang mukha ni Jairus sa sahig habang nagdidilim naman ang anyo ng binatang si Jiro habang nakatingin sakanila. "K-Kung wala ka din namang balak sabihin sakanta ang lahat...mas mabuting layuan mo na siya." Ani ni Jairus bago umupo na parang wala lang habang hawak ang bibig na puno ng dugo. "Sinabi ko ng wag kang mangingialam diba?" Walang emosyong sambit ni Jiro bago lingunin ang kakambal na tila nangaasar pa ito ng tingnan pabalik ang galit na galit na binata. "Kahit kailan hindi nasama sa choices ng pagprotekta sa isang tao ang pagtatago ng sekreto."ani ng binata bago dumura sa sahig at tingnan pabalik ang kakambal. "Kung gusto mo siya makasama habang buhay at kaya mong panindigan yang nararamdaman mo sabihin mo sakanya ang lahat dahil kung talagang mahal ka ni Taki tatanggapin ka niya kahit na ano pang mangyari." Dagdag ni Jairus. Taki Suarez's POV; Buong araw yata wala akong ginawa kung hindi umiyak pagkatapos ng malaman ko. Kaya ba kinuha ako ni Jiro dahil sa naguguilty siya sa ginawa ng ama niya? O pareho lang sila ng ama niya n---. "Taki." Napaangat ako ng tingin ng---. "Anong ginagawa mo dito?" Matapang na sambit ko bago naiinis na pinunasan ang pisngi ko. "Mag usap tayo." Kalmadong sambit niya hahawakan niya ako ng walang kaano anong tabigin ko yun at sumiksik sa head board ng kama. "Lumayo ka sakin ayaw na kitang makita." Naiiyak na sambit ko habang hawak ang kaliwang dibdib ko. Ang sakit. "Tak---." "Hindi kita kailangan! Hindi ko kailangan ng pera mo umalis kana!" Sigaw ko bago naiinis na binato siya ng mga unan na nahahawakan ko habang umiiyak. Kasalanan nilang lahat ito!*sob* sinira nila ang buhay ko sinira nila ang pagkatao ko. "Anong gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako." Tanong niya na sa sobrang galit at frustration ko nakapagbitaw ako ng salitang wala pang isang minuto napagsisihan ko na. "Wag ka ng magpapakita sakin ulit." Ani ko. Hindi ko alam pero nung oras na mag angat siya ng tingin at nakita ko ang isang butil ng luhang pumatak galing sa mga mata niya. Gustong gusto kong bawiin ang sinabi ko kasabay ng pagbagal ng oras ay yung pakiramdam na may kung anong pumiga sa puso ko ng humakbang siya paatras at tumalikod. "Your wish is my command." Bulong ni Jiro bago tuluyang lumabas ng kwarto. Lumipas ang linggo at mga buwan walang Black Chasers na nagparamdaman nakikita ko sila minsan dahil sa araw araw nilang pagroronda sa school maliban kay Jiro na hindi ko na nakita simula ng ipagtabuyan ko siya. "Jiro ayos ka lang? Hindi ka ba masaya?nakapasa ka ng scholar." Tanong ni Jun habang kumakain kami ng Cafeteria. At hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit hindi pa ako umaalis sa eskwelahan na sa gayong andito lang naman ako dahil kay Jiro. Para mapagpatuloy ang pag aaral ko incase na hindi bayaran ni Jiro ang tuition ko na sabi naman ng dean imposibleng mangyari pumasok pa din ako ng scholar at patuloy na nagtrabaho sa cafeteria. "Taki about kay Kuya Ji--." "Aalis na ako." Paalam ko tatayo ako ng---. "Taki ano ba?!"sigaw ni Jun na kinatigil ko ng ibalya niya ako sa upuan pabalik na kinatingin ng mga estudyante. "Dahil diyan sa pagiging makitid ng utak mo wala kang kaalam alam sa kaisa isang taong sinakripisyo ang lahat para lang maprotektahan ka!" Galit na galit na sigaw ni Jun ng malakas nitong hampasin ang mesa na kinalaki ng mata ko. "A-Ano bang sinasa---."naputol ang sasabihin ko ng walang kaano anong hilahin ako ni Jun kung saan. "Jun ano bang ginagawa mo?" Naiinis na sambit ko pagkatapos ako nitong ipasok sa isang classroom. "Hindi kasalanan ng ama ang kasalanan ng anak Taki." Nanggigigil na sambit ni Jun bago tumingin sakin. "At hindi mo din alam kung anong ginawang pagsasakripisyo ni Kuya Jiro para lang makuha ka." Dagdag ni Jun bago ako hawakan sa magkabilang balikat. "Hindi mo ba talaga kami naalala kuya?" Tanong ni Jun na kinatigil ko. "A-Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko na kinabuga nito ng hangin. "Naalala mo si papa pero kami hindi mo maalala?"ani niya bago tumalikod sakin at may kung anong kinuha sa bag niya at nilagay yun sa desk. Isa yung bahagi ng kahoy na may nakaukit na kung ano. Flasback "Jiro!!" Sigaw ko habang kinakalampag ang glass wall ng mansyon nila ng makita ko si Jiro na nasa harap ng piano. "Inatake nanaman kasi ng pagka Kj yan si Jiro ayaw makipaglaro satin." Ani ng batang lalaki na kamukhang kamukha ni Jiro na si.kuya Jai. "Tinatamad daw kasi siya." Sabat naman ni Jun na nakasampa sa likod ni kuya Jai. "Anong tamad tamad walang tamad tamad sakin...Jiro!!!" Sigaw ko habang kinakalampag ang glasswall na kinatingin niya sa pwesto ko. "Aba't angas mo ah!" Sigaw ko ng ismiran ako nito habang nagtitipa sa kaharap nitong Piano. "Oy Taki tara na hayaan mo na yan si Jiro." Ani ni Loki na kinatingin ko pagkatapos ako nito akbayan na kinatingin ko sakanya ng masama. "May kasalanan ka pa sakin kal---." "Jiro!" Napatingin ako sa glasswall ng---. "Jiro!" Sigaw ko bago dali daling sinundan sina kuya Jai papasok ng mansyon. "Jir---." naputol ang sasabihin ko ng pagpasok ko ng mansyon nagkakagulo ang mga maid at butlers nina Jiro. "Kuya Taki ayos ka lang?" Tanong ni Jun bago ako tulungang tumayo at tingnan ang mga butlers na buhat buhat si Jiro pataas. "Si Jir---." "Ang hina hina kasi ng katawan...walang kwenta hindi ko nga alam bakit siya ang piniling tagapag mana puro problema lang naman ang dala." Putol ni Loki na kinatingin ko lalo na ng kwelyuhan siya ni kuya Jai. "Bawiin mo yang sinabi mo!deserve ni Jiro ang maging tagapag mana kumpara sayo!" Galit na galit na sigaw ni kuya Jai. "Young master!" End of the flashback Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng sobrang sakit. "N-Nakalimutan mo nga." Ani ni Jun na kinatingin ko. "Ano bang pinagsasabi mo?" Nanghihinang sambit ko habang hawak ang ulo ko. Shit! "Matalik na kaibigan ni mama ang mama mo tapos kasosyo pa ni papa ang papa mo kaya naging close ka din samin especially kayong dalawa ni Kuya Jiro kahit paulit ulit ka niyang tinataboy." Ani ni Jun na kinatingin ko. "Ikaw lang ang kaisa isang taong hindi natatakot kay kuya Jiro ikaw lang din ang kaisa isang taong kumakausap sakanya kahit paulit ulit ka niyang sinisigawan at inaaway dahil palagi mo siyang kinukulit na makipaglaro." Dagdag ni Jun na kinapikit ko ng madiin dahil sa may ibat ibang scene na pumasok sa utak ko. "B-Bakit hindi ko kayo natandaan? Bakit---." "May ginawa sina Papa at Tito Suarez sayo diba? Yun yung time na umalis kami para samahan sa America si Kuya para magpagamot."ani ni Jun habang unti unting nagdidilim ang mukha nito na kinasapo ko sa mukha ko. 'N-Naalala ko na.' 'Nasan po sina Jiro?' 'Ikaw pala Taki.' "Taki!Taki!" Pinaglalaruan ba talaga kami ng tadhana?bakit sila pa? "Takii!!" --- "Sinabi ko ng wag na kayo mangialam diba?!" Ang boses na yun...kahit hindi ako tumingin kilalang kilala ko ang boses na yun. Boses na halos ilang beses ko din hindi narinig. "Panong hindi kami mangingialam kuya?!nakikita mo ba yang sarili mo!" Si Jun galit na galit siya ano bang nangyayari nanaginip ba ako? "Akala mo ba hindi namin alam yung ginawa mo para makuha si Taki ha?" Si Titus. "Titus hindi naman bigdeal yung ginawa niya kung ako nasa posisyon ni Porter gagaw---." "Andun na ako sa point na yun Crossford! Sa dami ng ginawa ng putanginang ito para kay Suarez isusuko na lang niya ng ganun ganun." Ano bang sinasabi nila. "Ano bang sinasabi niyo wala akong ginawang kahit na an---." "Nagpapatawa ka ba Jiro?" Si Jai. Gusto kong bumangon pero ni daliri ko hindi ko maigalaw bak---. "Nalaman ko kay Eugene ang ginawa mo 3 years ago ng makabalik ka galing america nagpanggap kang ako nung time na nasa Africa ako at nalaman ko din ang ginawa mong pagpapabagsak sa negosyo ng mga Suarez, pag ubos sa angkan ng mga tauhan ni papa at pagpapabagsak ng halos kalahati ng negosyo ni papa ng wala man lang nakakaalam." Ani ni Jai na kinatigil ko. Yung time na yun lumubog ang kompanyang hawak ni papa and worst na bankrupt at nakulong siya. Iniisip ko ng time na yun karma na yun ni papa per---. "Kung hindi pa na identify ni lolo na hindi ako ikaw magbibigay ka ng utos na ipashoot to kill si papa ang worst ikaw na mismo ang gagawa." Dagdag ni Jai na kinablangko ng utak ko. A-Ano? "Wtf! Imposible yang sinasabi mo Jairus kumpara sating walo si Jiro ang---." "Pinakamalala." Putol ni Jai. "Ano kang klaseng kapatid sinisiraan mo ako harap harapan?" Casual na tanong ni Jiro ng---. "Sinasabi ko lang kung gaano ka obsses sa taong sinasabi mong' wala lang'" hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ang tanga tanga ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD