NATAWA si Sebastian ng makita ang panty. Ito iyong binigay ng dalaga sa kanya, at naipasok niya iyon sa jacket.
At ang jacket na iyon naiwan niya sa kanyang sasakyan.
Naiiling siyang sinundan ang dalaga. " Sa'yo naman ito." natatawa niyang sabi naka sunod pa rin kay Rhian nagtutuloy sa paglakad papunta sa shower area.
Huminto ito sa paglakad at naka kunot ang noo nilingon siya." Anong akin? wag mo akong pagbibintangan." muli itong tumalikod.
Mabilis niya itong hinawakan at isinandal sa pader." Ang ganda mo parin kahit nagagalit kana." Tinukod niya sa magkabilaang gilid nito ang kanyang dalawang kamay.
" Bulero! bitawan mo nga ako."
Tinitigan niya ito ng maharot na tigtig" Ito iyong niregalo mo sa'kin nong pasko." natatawa niyang sabi.
Pinamulahan ito ng pisngi ng dalaga tila na alala na nito. Ka agad din itong sumimangot." bakit nasa bulsa iyan ng Jacket mo?"
" Kasi, nong tinignan ko ito, dumating ka dahil ako itong nahihiya sa pa regalo mo, naitago ko sa bulsa ng jacket ko at nakalimutan ko na."
" Baka dahilan mo lang iyan para maka lusot---"
Pinutol niya ng halik ang sasabihin pa sana nito. Humihingal ito ng bitawan niya ang mga labi." Mag tiwala ka sa'kin dahil kahit kailan hindi kita lulukohin." muli niya itong siniil ng halik.
Ka agad din siyang bumitaw at tinungo ang shower ng makaramdam ng pag-init ng katawan.
HAPON na ng bumalik sila ng Manila.
" Mabuti naman at naka uwi na kayo." bungad ng ina ni Rhian ng makarating sila sa bahay ng dalaga.
" Magandang hapon po nay." nagmano ito at nagtuloy sa kanyang kwarto.
" Ano po iyang ginagawa niyo aling Betty?" tanong ng binata at umupo ito sa upuan na sa kusina.
"Gumawa ako ng biko hijo." naka ngiti nitong sabi at nagsalin sa platito at ibinigay nito sa binata.
" Maraming salamat po."
Nilapitan niya ang dalawa" Nagpapagud na naman kayo nay." umupo siya sa tabi ng nobyo.
" Gusto kung matikman ni Sebastian ang luto ko. Ano ang masasabi mo hijo?"naka ngiting baling ng ginang kay Sebastian.
" Masarap po siya, aling Betty." naka ngiti nitong puri.
" Tikman mo." sabi nito at sinubuan siya ng kasintahan.
Natigil sa ginagawa si aling Betty at tinignan sila nito.
" Sinagot na po ako ni Rhian, nay Betty." natatawa sabi ni Sebastian ng maintindihan ang mga nagtatanong na tingin ng ginang sa kanila.
" Kapal nito, nanay agad?" angal niya.
" Advance ako, du'n naman ang punta natin eh." seryuso sabi nito.
Napa ngiti nalang ang ina habang naka tingin sa kanila. " Masaya ako para sa inyo, pero sana wag muna kayong magpa dalos-dalos. Kilalanin niyo muna ang isat-isa." payo nito sa kanila.
"Kilala kuna itong anak niyo, matigas ang ulo at palaban." natatawang sabi ng binata.
"Sana hijo, hindi mo sasaktan ang anak ko." seryuso ang mga mata nito.
" Pangako ko po sa'yo aling Betty, hindi ko po sasaktan si Rhian." sabi nito.
Natutuwa siya, sa isipin paano ito nakikiharap sa kanyang ina.
" Hijo, dalhan mo ang mga magulang mo ng biko, marami naman ito." ani aling Betty.
" Salamat po, sigurado akong matutuwa si mommy nito mahilig pa naman iyon sa minatamis."
Matapos nitong pinagbalot ng ina ay nagpaalam na rin ito sa kanya.
" Matulog ka ng maaga ngayon, wag masyado magpupuyat." bilin nito sa kanya.
" Upo sir, baka ikaw din kung saan saan kapa magpunta." balik niyang bilin rito.
" Ah, hindi na mula rito deretso na ako ng uwi. Iba na ang may nobya." naka ngit nitong sabi.
Bigla sumeryuso ang mukha nito." Bukas susunduin kita, sa opisina kana papasok." anito.
" ayaw kong mawala ka sa paningin ko." malambing nitong sabi.
Nagkukunwari siyang naka simangot" Hmm may magagawa paba ako? Hindi mo naman ako titigilan kapag hindi ako sumangayon sayo."
Kinulong ng mga palad nito ang kanyang pisngi." I'm the boss, but you are my princess." natatawa nitong sabi sa kanya.
" Sya, umalis kana kung saan pa tayo mapunta." naka ngiti niyang taboy rito.
" Okay, lang naman basta ba ikaw ang kasama ko." biro nito.
Hinalikan muna siya nito bago ito tuluyan umalis. Pumasok na rin siya sa kanyang kwarto ng maka alis na ang binata. Napagud siya ngayong araw kaya nagpapahinga na siya ng maaga.
" SEBASTIAN hijo, ano iyang dala mo?" bungad ng kanyang ina, kakauwi lang din.
" Biko po ito mom, gawa po ng ina ni Rhian." hinalikan niya ang ina sa noo.
" Si dad?" tanong niya ng hindi ito makita.
"May pinuntahan lang saglit." tugon nito at inutusan ang katulong na ipaghanda ng dala niyang biko.
Umupo siya sa mahabang upuan nasa sala.
" Kumusta naman ang celebration ng mga Vasquez?" tanong ng ina naka sunod sa kanya.
" Well, everything is doing good. And make it so special for a change." naka ngiti niyang sabi ng maisip sinagot siya ng dalaga sa mismong ocasion na dinadaluhan niya.
"Mabuti naman at na enjoy ka. Halata sa mukha mo." naka ngiti nitong sabi sa kanya.
" Excuse me po ma'am Monica, heto napo ang kakanin niyo." sabad ng katulong ng malapitan sila nito.
" That's taste good mom." pagmamayabang niya.
Tinikman nito ng ginang." Hmmm this is delicious, the taste of these it remind me of someone." sabi nitong ninamnam ang lasa biko.
" Who made this?" tanong nito uli.
" Si Aling Betty, nanay ni Rhian." naka ngiti niyang sabi.
" Betty?" kunot-noo tanong nito.
" Brother, nice to see you!" Masiglang bati ni Warren ng bumungad ito sa may pintuan.
Tumayo siya" I have to go to my room. I feel so tired." aniya.
Humalik siya sa noo ng ina."Bye bro." paalam niya sa kapatidnat mabilis niyang tinalikuran ang mga ito.
" Kararating ko lang a-alis kana agad?" pahabol ng kapatid.
" I'm tired." tugon niyang hindi ito nilingon.
Nagmamadali siyang pumasok sa kanyang silid. Humiga siya sa kanyang kama hawak-hawak ang cellphone. " Sleep tight my princess." mensahi niya.
Matagal niyang tinitigan ang cellphone, hinintay mag reply ang dalaga pero bigo siya. Hindi na ito nagreply." Napagud ko siya ng husto." nilapag niya ang cellphone at natulog na rin.
" ANO ANG ginagawa mo rito?" hindi maka paniwalang tanong ni Charry kay Rhian ng makita nito ang dalaga sa coffee area.
Tinigil ni Rhian ang ginagawa," I'm back ma'am Charry." naka ngiti niyang sabi.
" Pagka tapos kang tinanggal ni Sebastian, bumabalik ka pa?" hindi maitago ang inis nito sa kanya.
" Siya, ang nagpabalik sa'kin dito. Siya ang nakikiusap na bumalik ako sa trabaho." nakikipag titigan siya rito.
Maya-maya pa nauna siyang nagbaba ng tingin." Magka sama naman tayo sa iisang building bakit hindi nalang tayo maging magkaibigan?" malumanay niyang sabi.
Tinaasan siya nito ng kilay." I don't think so." sabi nitong sinabayan ng pagtalikod.
" You might be one of the spy." dagdag pa nito.
Namulagat ang kanyang mata sa pinagsasabi nito." Spy? Saan naman galing ang idea iyan?" hindi maka paniwalang tanong.
" I'm watching you Rhian." sabi nito bago lumabas ng coffee area.
" Nasisiraan na ng ulo ang babaeng iyon. " sa kaloob-looban niya.