" GOT yah" hiyaw ni Sebastian ng matanaw ang ama naka parada sa gilid ng daan, kausap nito ang kilala niyang investigador ng ama.
Maya maya pa ay inabotanan nito ng sobre ang lalaking kausap naka tayo sa labas ng bintana ng sasakyan at agad din umalis ang amang si Eduardo. Kinutuban siya na may ugnayan ito sa pagpapahanap sa kabit nito at sa anak.
Nilapitan niya ang lalaki kakasakay lang sa motor siklo nito.
" Sebastian?" kunot noo tanong nito ng makita siya.
" Do-doublehin ko ang ibinibigay ni dad sa'yo, kung sa'kin mo muna ipaalam ang information hinihingi niya sa'yo." walang paligoy ligoy niyang sabi rito.
" Baka masira ako sa daddy mo." nag alala nitong sabi.
" Ako na ang bahala, 'wag mo nang problemahin si dad. See you in my office tomorrow for the partial payment." Inabot niya ang kamay rito. " Deal?"
Nag isip muna ito saka tinanggap ang kamay niya," Okay sir." tugon nito.
Tinapik niya ang balikat nito saka siya tumalikod.
Nagpasya siyang umuwi sa kanila matapos niyang makipag usap sa invistegador.
" Hijo, I am glad that you came home early." bungad ng kanyang ina ng pumasok siya sa kusina.
" You guys same so busy, what you been up to?" Naka tingin siya sa naka talikod na dalaga.
" We are going to bake, up side down pineapple cake bro." naka ngiting tugon ni Warren.
"Himala at nagkakaroon ka ng interest sa pag be-bake."lumapit siya rito.
" Rhian, teach us how to bake and it so much fun. I am really sure Rhian, will make a good wife." sabay kindat nito sa kanya.
" You stay away from her." inis niyang sabi sa kapatid.
" Whoo and why?" natatawa nitong sabi sa kanya.
" Magsi tigil nga kayo, mamaya niyan iiwan tayo dito ni Rhian eh, pinag aagawan niyo siya." natatawang singit ng ina.
Napa ngiti ang dalaga tinignan siya," Hi! kumusta ang opisina sir?"Muli din itong yumuko para ipagpatuloy ang ginagawa.
" Just a bit boring, dahil wala ka." gusto niyang idagdag. Umupo siya sa upuan nasa tapat nito.
" Ipag templa kita ng kape, matapos ko rito." tugon nito.
" Nag stress eating sina mommy kanina at Rhian." basag ni Warren sa saglit na katahimikan.
Hindi na siya na suprise pa, alam na niya ang ginagawa ng ina sa tuwing na stress ito halos ubusin na nito ang isang gallon ice cream nasa kanilang refregerator.
"Hmm, parang hindi naman tumataba itong dalawang babae kahit ilang minatamis pa ang kakainin ng mga ito." Malambing ang kanyang mga mata naka tingin kay Rhian.
Saglit silang natigila sa pag uusap ng pumasok ang ama sa kusina.
"Dad, where have you been?"tanong ni Warren rito.
Nagka titigan lang sila ng kanyang ama at ang kanyang ina naman ay tila hindi nito nakikita ang asawa.
" It's nice to see you here hija." Bati ni Eduardo sa dalaga.
" Magandang hapon po sir." tugon ni Rhian
" Kukuha lang ako ng tubig." sabi nito at binuksan ang ref, nang makuha nito ang sadya agad din itong lumabas ng kusina.
" Did I missed something?" tanong ni Warren ng mapansin ang ilangan sa pamamagitan nilang tatlo ng ina at ng kanyang ama. Wala ito sa bahay ka gabi kaya hindi nito nasaksihan ang nangyari.
Napa tingin siya sa ina at binaling sa kapatid ang tingin." Iyan ang na pala mo sa kakasama mo sa mga kaibigan mo." sabi na lamang niya rito.
NARAMDAMAN ni Rhian ang ilangan ng mga sandali 'yon pero binaliwala na lamang niya. "Maayos din ang mga ito" sa kaloob looban niya."
"Thank you for being here." masuyong sabi ni Sebastian sa kanya ng maiwan silang dalawa sa kusina.
"Hindi kaba nahihirapan dito sa bahay?"
Napa ngiti siya." Nag enjoy nga ako kasama ang mommy mo at si Warren."
Napa simangot ito," Close na kayo ng kapatid ko?" kunot-noo tanong nito.
Piningot niya ang ilong nito," Selos kana naman riyan sa kapatid mo." biro niya.
Tumayo ito sa kina- uupuan at hinapit siya sa baywang.
" Ahem..." agaw pansin sa kanila ni Monica naglakad papasok sa kusina.
Ka agad siyang lumayo sa binata at nilapitan ang oven. " Luto na pala itong cake." inilabas niya iyon mula sa oven.
" Sigurado akong masarap 'yan." ani Sebastian.
" Talagang masarap bake with love iyan." natatawang biro ng ginang sa kanila.
Nginitian niya lang iyon at hiniwa niya ang cake.
"Ikaw na mag dala para sa daddy mo Sebastian." utos ni Monica sa anak.
"Kayo, nalang ma, para makapag usap kayo." ani Sebastian.
" Ayaw ko maka usap ang ama mo." tugon ng ginang.
" Ako na lang po." sabad niya ng magtutulakan ang dalawa.
Nagtempla muna siya ng kape at binitbit niya ang platito may lamang cake at ang tasa ng kape.
Nakita niya si Eduardo naka upo mag isa sa garden." Dinalhan ko po kayo ng cake."
Napa lingon ito sa kanya, " Salamat hija." nilapag niya sa bilog na mesa ang bitbit niya.
" Bakit po hindi kayo, sumali du'n sa amin sir? Nag iisa lang po kayo rito."
Umuling iling ito," Wag na muna mainit pa ang ulo nila sa'kin."
" Okay lang po bang umupo sa tabi niyo?" tanong niya rito.
" Of course." tugon nito. " I see you get along with them." sabi nito ng maka upo siya.
"Mabait po ang family niyo sir at masayahin."
" Ano kaya ang dapat kung gawin para mawala ang galit ni Monica sa'kin?"
Napa tingin siya rito seryuso ang mukha nitong nagtatanong sa kanya.
Napa ngiti siya rito," Hmmm... May idea po ako sir kung iyong mararapatin." aniya rito.
" Tutulongan mo ako?"
Tumango-tango siya. May naisip siyang paraan kung paano pag ayusin ang mag asawa. Masaya silang nag ku-kwentohan dalawa matapos nilang mapag usapan ang dapat gagawin nila bukas.
" Rhian, ihatid na kita sa inyo." putol ni Sebastian sa kanila.
Napa tayo siya at nagpaalam kay sir Eduardo.
" Bakit hindi mo pinansin ang ama mo?" tanong niya rito ng maka sakay sila sasakyan.
"Hindi ko pa siya kayang kausapin." tugon nito.
Napa buntong hininga siya sa turan nito." Kahit ano man ang pagkakamali ng mga magulang natin, pero wala naman tayong karapatan na hindi natin sila kibuin. Hindi pwedi ang mga magulang natin ang luluhod sa'tin." sabi niya rito.
" Hindi mo kasi kilala si dad." saad nitong seryuso ang mukha.
" Kaya, ba nilagpasan mo lang siya kanina?"
Narinig niya ang pagbuntong hininga nito kaya iniba na lamang niya ang usapan.
" Okay lang ba sa'yo kung mag absent muna ako bukas?"
Napa kunot noo ito," Bakit, may lakad kaba?"
" May pupuntahan lang ako."
" Gaano ba iyan kahalaga at kailangan mo pa mag absent? Samahan nalang kita."
Umiling-iling siya, ayaw niyang sabihin rito ang kanyang balak baka lalo itong magalit.
" Ikaw ang bahala basta hindi lalaki iyang pupuntahan mo." biro nito sa kanya.
" Sira!" hinampas niya ito sa balikat.
" Hindi nalang muna ako tutuloy sa inyo gabi narin, kailangan kuna magpahinga." ani Sebastian ng makarating sila sa skinita.
" Sige magpahinga kana lang matutulog narin ako ng maaga.
" Ingat ka sa pag mamaneho." bilin niya rito ng paandarin nito ang sasakyan.
Nasa daan siya pauwi sa kanilang bahay nang matanggap ang text ni Eduardo.
" Susunduin nalang kita bukas diyan sa inyo hija." anang text ni mr Eduardo Dela torre ss kanya.
Kinikilig siya sa kanyang naiisip na gagawin bukas para sa dalawang mag asawa. " Sana gagana itong plano ko, pagbatiin ang dalawa."