GUSTO man magsisi ni Rhian, sa nangyari sa kanila ni Sebastian, pero wala na siyang magagawa, naisuko na niya ang kanyang pagka babae rito. Na dala siya ng husto mula sa init ng mga halik nito kaya hindi niya nagawang tumutol.
Inisip na lamang niya kung sa kali man mag bago ng pakikitungo sa kanya ang binata ngayon, nakuha na nito ang kanyang pagka babae ay sinisiguro niya sa sarili hinding hindi siya hahabol habol rito.
Nauna siyang naglakad pababa ng bangka matapos niyang makapag bihis.
" Babe." mahinang tawag ni Sebastian sa kanya.
Saglit siyang huminto sa paglakad at nilingon ang kasintahan." Bakit?"
Niyakap siya nito tila naramdaman ang nasa kanyang isipan." I love you." dinampian nito ng halik ang kanyang ulo. Saka Inangat nito ang kanyang mukha." Hinding hindi kita sasaktan." Hinawakan nito ang kanyang kamay at inalalayan siyang maka baba sa bangka.
" Sa darating na kaarawan ni daddy, e announce natin ang tungkol sa'tin dalawa." basag nito sa kanyang panahimik habang nag be-byahe sila pauwi sa kanila.
Sinulyapan niya ito " Sa tingin mo tanggap nila ang relation natin?"
"Oo naman. Nakilala mo na sila mabait naman sila sa'yo diba?"
" Oo. Pero baka magbago ang pakikitungo nila sa akin ngayon, dahil sa assistant mo lang ako."
" Sssshh. You are not my assistant anymore." pagtuwid nito. " Kung hindi ka nila magugustuhan wala namang problema du'n dahil ako, gusto kita. At hindi lang gusto mahal na mahal pa kita." hinagilap nito ang isa niyang kamay at dinala nito sa mga labi masuyo nito iyon hinalikan.
Nakaramdam siya ng pagka panatag ng loob sa sinasabi nito. " Sana nga lang hindi ito magbabago." sa kaloob looban niya.
Pinarada nito ang sasakyan ng makarating sila sa kanila. Nagmamadali itong bumaba at umikot sa passenger side para alalayan siya nitong makababa.
" Tulog na siguro si nanay." aniya, ng mapansin tahimik ang kabahayan.
" Hindi na lang ako magtatagal, para hindi natin ma esturbo ang nanay mo. Uuwi na ako para makapag pahinga kana rin. Pinagud ata kita ngayon." pabulong nitong sabi sa kanya.
Napa ngiti siya at niyakap ito" Ikaw din mag pahinga kana rin." malambing na sabi niya rito.
" I don't think, I can sleep tonight." naka ngiti nitong sabi na may himig na panunukso sa boses nito.
Nahampas niya ito sa dibdib." Wag muna isipin 'yon, wag magpupuyat." ganting biro niya rito.
Natawa itong hinalikan siya bago ito tuluyan nagpaalam sa kanya. Dahan dahan siyang naglakad papasok sa kanyang kwarto ng makaalis ang binata. Ayaw niyang magising ang ina baka magtatanong ito kung saan siya galing.
" SINO IYONG babae inanakan mo?" sigaw ng ina ni Sebastian ang narinig mula sa labas ng kanilang bahay.
Hindi niya naituloy buksan ang kanilang pintuan nang marinig ang sinasabi ng ina na may anak ang ama niya sa ibang babae. Mataman siyang nakikinig sa pagtatalo ng dalawa.
" Wala akong babae maniwala ka sa akin." Tugon ng kanyang ama si Eduardo.
"Sinungaling! Kung wala kang babae paano ka nagkaroon ng anak?" sigaw pa rin ng ina.
" Ang hirap ipaliwanag." narinig niyang tugon ng ama.
" Paano iyan naging mahirap, ha? Paano mo ako nagawang lukuhin?" pinaghahampas nito ang dibdib ng asawa.
"Sino ang babae mo? Sabihin mo!" sigaw pa rin ng ina." Pagsisihan mo at ng babae mo niluluko niyo ako dahil ipapakulong ko kayo!" napahagolhol na ito sa subrang sama ng loob.
Hindi na siya naka tiis kaya binuksan niya ang pinto" Mom, dad. Gabing gabi na nag aaway parin kayo?"
Napalingon ang mga magulang sa kanya " Itong magaling mong ama, may anak sa ibang babae." sumbong ng kanyang ina.
Napatingin siya sa ama" Is that true dad?" hindi maka paniwalang tanong.
" Hindi kana nahiya sa mga anak mo." sabad ng ina.
" Iyan ba ang babaeng pinapanahanap mo?" tanong niya sa amang naka tingala sa kawalan.
Nagbaba ito ng tingin at tinignan siya nito ngunit, walang lumalabas na mga katagang mula sa mga labi nito.
" For how long dad?"
Narinig niya ang pagbuntong hininga nito" One day you'll understand." sabi nito at mabilis na tumalikod.
" You see, he admit it. It is true that he has a child from his mistress." naiiyak na sabi ng ina.
Huminto ito sa paglakad," I'm sorry. Darating din ang panahon sasabihin ko sa inyo." muli itong naglakad palabas ng pintuan.
" Bakit hindi mo ngayon sabihin at ipaintindi mo sa'min?" naka sunod na tanong ng kanyang ina.
Nagtutuloy lang ito sa paglakad tila walang naririnig.
" Eduardo, answer me!" naiiyak na sigaw ng ina.
" Hinding hindi ko matatanggap ang bastarda mong anak, dito sa pamamahay ko sa oras dahil mo iyan dito!" walang tigil na kakasigaw ng ina hanggang sa tuluyan ng nakalabas ng pinto ang asawang si Eduardo.
Kinuha nang ginang ang flower base naka patong sa tukador at ibinato nito iyon." I can't accept this, he's cheating on me." napa luhod ang ginang sa subrang sakit naramdaman.
Mabilis niyang nilapitan ang ina at dinaluhan." Mom tumayo ka riyan."
Awang awa siyang naka tingin sa ina. Boung buhay niya ngayon lang niya ito nakitang na lugmok.
Bigla siyang nakaramdam ng pagkamuhi para sa babae ng kanyang ama. " Kung sino ka mang babae kang sumira sa pagsasama ng mga magulang ko, pagbabayaran mo ito." nag ngingit ang kanyang kalooban.
Inalalayan niya ang ina tumayo." Mom, magpapahinga na kayo sa kwarto niyo." inakay niya ito papunta sa kwarto.
" Hindi ko inakala anak na may iba siyang babae at ang masakit may anak pa sila." humihikbi nitong sabi.
" Paano mo nalaman ma?" curious niyang tanong.
"Narinig ko may kausap siya sa telepono pinapahanap niya ang babae kasama ang anak niya." sabi nitong walang tigil sa pagpunas ng mga luha nag uunahan sa pagpatak.
May plano pa palang patirahin ng ama sa bahay nila ang anak nito sa ibang babae kaya hinahanap nito iyon?
" Hindi ako papayag anak na titira dito ang bastarda niya."humihikbing sabi ng ina.
Pinaupo niya ito sa kama," mom hindi ko hahayaan maka tongtong dito sa pamamahay natin ang anak niya. Pangako ko 'yan sayo."
Iniwan niya ang ina ng makitang humihinahon na ito. Pumasok siya sa kanyang kwarto.
Hindi niya lubos maisip na mangyari ito sa kanila. Ni hindi sumagi sa isipan niyang magawang magluko ang ama. Kailan pa sila nito niluluko? Pumasok siya sa banyo para palamigin ang sarili sa pamamagitan ng pag ligo. Ng mag sawa siya ay lumabas na siya ng banyo.
Pa bagsak siyang humiga sa kama at nakikipag titigan sa bubong.
Napa balikwas siya ng bangon ng marinig ang kalabog mula sa ibaba. Napa takbo siya palabas ng kanyang silid para tignan kung ano ang nangyari.
" Mom what are you doing?" tanong niya sa ina ng makita itong hawak hawak ang bote ng vino.
" I just want to forget." humihikbi nitong sabi.
"Ma, hindi nakaka gamot ang alak sa problema. Lalo lang madagdagan ang sakit na maramdaman mo." pilit niyang agawin ang hawak nito.
" Pag bigyan muna ako anak, kahit ngayon lang." naiiyak na pakiusap nito.
Ramdam niya ang sakit naramdaman ng ina. Lalo tuloy nadagdagan ang sama ng loob niya para sa ama.
Kailangan niyang maka gawa ng paraan. Kailangan niyang maunahan ang ama sa paghahanap sa babae nito at mailayo sa kanilang pamilya.