The woman in my dream Episode 15

2011 Words
PADABOG na umupo si Sebastian sa kanyang upuan ng makalabas si Rhian. "Think, think! Sebastian Ano ba ang ikinagalit mo?" naitanong niya sa sarili. Hindi ma alis-alis sa isipan niya ang eksina kanina may yumakap sa dalaga. Naiiling siya ng mapatingin sa mesa nito. " You fired her." sigaw ng kanyang isipan. Parang gusto niya tuloy mag sisi na tinanggal niya ang dalaga. " You made a good decision, Sebastian." ani Charry pumasok sa opisina niya. Tinapunan niya ito ng masamang tingin. " Isa kapa Charry, bakit mo sinasabi nag cancel ang client? You're wasting my time!" Pagalit niyang sabi. " Come on, Sebastian don't take it on me, sa assistant mo lang ikaw galit, kaya wag mo akong idadamay." tugon nitong umupo sa harapan niya. Bigla sumagi sa isipan niya ang nangyari. Kung bakit nito sinasabi na may client sila at biglang nag cancel. Isa pa du'n bakit gusto nitong dumaan sa plaza, alam ba nito nakikipag kita si Rhian sa boyfriend nito? " Alam mo bang nakikipag kita si Rhian sa boyfriend niya kaya gusto mong dumaan sa plaza para makita ko?" tinitigan niya ito ng maigi. Napa tayo ito sa sinabi niya" Thats b*lsh*t Sebastian, 'wag mo akong pagbintangan." " I'm only asking not accusing you, Why are you so deffensive?" hindi niya inalis ang tingin rito. " Iba kasi ang tuno ng pananalita mo." ani Charry at nag martsa palabas ng kanyang opisina. Napa buntong hininga siya ng maiwan mag-isa. Ramdam niya ang pananamlay ng loob ng kanyang opisina. Ayaw man niyang aminin nagkaroon ng kulay ang paligid niya, simula ng maka sama ang dalaga. Naririnig pa niya ang mga boses nito. Muli niyang sinulyapan ang mesa ng dalaga, na imagine niya itong naka upo na kahit mag-isa lang ito roon ay nagsasalita itong mag isa. Na mimiss niya bigla ang kakulitan nito kung paano ito makikipag talo sa kanya." Show her you're the boss." paalala niya sasarili ng pumasok sa isipan niyang sundan ang dalaga. Tumayo siya para ipag templa ng kape ang sarili ng mahimasmasan sa mga imahinasyon na kanyang iniisip ng mga sandaling iyon Matapos mag templa ng kape bumalik siya sa kanyang opisina. Hinigop niya ang ginawang kape napa ngiwi siya ng matikman ang pait nito. " Bakit ba kapag si Rhian ang gumagawa, masarap sa lalamunan." Tumayo siya, at nagpalakad-lakad pabalik sa kanyang mesa at papunta sa mesa ng dalaga. " Knock, knock!" Pukaw sa kanya ni Warren. Napalingon siya sa pintuan" What are you doing here?" kunot-noo tanong niya at naglakad pabalik sa kanyang upuan. Napa ngiti si Warren sa kanya." Pwedi naman siguro akong bumisita sa kumpanya natin diba?" umupo ito sa upuan nasa harap ng kanyang mesa. " Where is Rhian?" tanong nitong ng mapansin wala ang dalaga. " I fired her." tugon niyang yumuko,kunwari busy siya sa laptop. " What? and why did you do that?" hindi maka paniwalang tanong nito. Nag angat siya ng tingin at tinignan ang kapatid." The last time I check I run this company, so I can do what I wanted to do." " Woooo! bakit kaba nagagalit? I'm only asking." ani Warren." Nag taka lang ako, kung bakit mo siya tinanggal." " Bakit ba curious ka sa assistant ko?" " I just like her, magaan ang loob ko sa kanya, there's something special about her." anito sa kanya. Natigil siya sa kanyang ginagawa" She is like ate to you, mas matanda siya sayo ng anim na taon." aniya. Natawa ito sa kanya." Why are you acting like a jealous boyfriend?" nanunukso ang mga titig nito sa kanya. " I'm just telling you, just incase you court her." Lalo itong natawa sa sinabi niya." So, hindi ba iyon pwedi?" anito tila ba inaasar-asar siya. " Just don't!" matigas niyang sabi. " And why is that? Wag mong sabihin hinaharangan muna ako manligaw sa kanya? " naka ngiti nitong tanong. "So, kaya ka nagpunta dito para ligawan siya?" bigla siyang naka ramdam ng inis rito. Kung hindi niya lang ito kapatid kanina pa niya ito inupakan. " Bakit ba galit na galit ka?" seryuso tanong nito sa kanya. " Bakit kaba kasi nandito? Ano ba talaga ang sadya mo?" nairita niyang tanong. " Para makita ko si Rhian." naka ngiti nitong sabi. Hindi niya alam kung iniinis lang ba siya nito. " Why did you come home?" pilit niyang ibahin ang kanilang paksa. Simula ng makauwi ito galing sa U.S ngayon palang sila nagkausap ng masinsinan. Sumeryuso ito ng ayos." Look bro, alam kung masama parin ang loob mo sa akin. Pero sana naman makita mo ang positibong result sa ginawang decision ni Daddy. Napa lago mo ng mabuti ang kumpanya." anito. " Sana makita mo rin, na dahil sa naging decision ni dad, umayos ang buhay ko. Hindi ako tuluyan nalolong sa mga barkada." dagdag nito. Naisip niya ang sinasabi nuon ni Rhiana, naintindihan nito ang decision ng kanyang ama. Kaya na esakrespisyo ng kanilang daddy ang pangarap niya para maituwid ang bunso sa tamang landas. Nakita niya ang punto ng ama. Mahina sa tukso ang kapatid. Siguro kung ang kapatid niya ang nagpapatakbo sa negosyo baka bumagsak na ito. " Anyway, bago ko makalimutan." pukaw ni Warren sa kanyang pananahimik. " Kanina pala narinig ko si dad, may pinapahanap na tao, ng makita niya akong papalapit ka agad niyang pinutol ang tawag." ani Warren. Napa kunot-noo siya sa tanong nito." Sino naman iyon?" " Hindi ko alam narinig ko lang babae iyon pinapahanap niya." Napa isip siyang niluluko ng ama niya ang kanyang ina? Buong buhay niya hindi pa niya narinig na nag-aaway ang dalawa, specially when it comes to another woman. " Sa tingin mo kuya niluluko ni dad si mommy?" ani Warren naka tingin sa kanya. Napa tingin din siya sa kapatid." Hindi naman siguro. Kung kailan tumanda na sila ngayon pa siya magluko?" "Bakit niya kaya pinapahanap ang babaeng iyon kung sino mang Beth- Betty- Bea ba iyon." napa kamot pa ito sa ulo ng hindi ma alala ang pangalan binanggit ng ama. Sumagi sa isipan niya na ilang beses na niya nakita ang ama naka upo mag-isa sa garden nila tila ba malalim ang iniisip, " Isa ba iyon sa babae niya ang dahilan?" naiiling na lamang siya. " RHIAN!" Tawag ng babae ang nagpalingon kay Rhian. Napa ngiti siya ng makita si mrs Vasquez naka dungaw sa bintana ng sasakyan nito. Sumenyas ito sa kanya, kaya hindi na siya nagtuloy sumakay sa jeep na naka parada sa harapan niya. Nag mamadali siyang nilapitan ang babae. " Sakay." anito sa kanya. Sumakay siya sa passenger seat katabi sa driver side. " Tapos kana sa trabaho mo?" tanong nito ng maikabit niya ang seatbealt. " Wala na akong trabaho." malungkot niyang saad. "Ano? bakit naman?" napa taas ang boses nito. " Na late kasi ako kanina ng dating kaya tinanggal na ako ni sir Sebastian." Naiiling ito sa sinasabi niya." Ang babaw naman ng dahilan ni Sebastian. Bakit tanggal agad, pwedi naman mag warning." sabi nitong naka tingin sa daan. " Kaya nga eh, ganun siguro pag subrang yaman, easy nalang sa kanya mag tanggal ng tao. Sana man lang binigyan niya ako ng chance na makapag paliwanag." aniya, at sinundan ng pag buntong hininga. Saglit itong tumingin sa kanya." Gusto mo kausapin ko si Vasquez, na kausapin nito si Sebastian para ibalik ka sa kumpanya nito?" Saglit siyang natigilan ng maalala ang asawa nito. Gusto man niyang sabihin pero inisip niya ang kahinatnan kapag sinabi niya. Posibleng masisira ang pagsasama ng mag-asawa.. " Wagna, makahanap din ako ng trabaho." sabi na lamang niya. " Bayaan mo mag tatanong ako sa mga kakilala ko. Baka sa kaling maipasok kita." Napa ngiti siya sa sinabi nito" Salamat." aniya. " Kung ako lang ang nasa kalagayan ni Sebastian, kung ako iyong mayaman. Hinding hindi ko sesantihin agad-agad ang tauhan ko." napa buntong hininga na lamang siya, dahil alam niya malayo iyon sa katotohanan. " Are you okay?" tanong ni mrs Vasquez ng matahimik siya. " Oo, okay lang ako." tugon niya. Pinarada nito ang sasakyan ng marating nila ang parking lot ng mall. " Mag shopping nalang tayo." anito ng maka baba na sila ng sasakyan. Napangiti siya sa sinabi nito," Ako nalang mag bitbit ng mga pinamili mo." Pumasok sila sa isang kilalang boutique. Napa ngiti siyang naka tingin kay mrs Vasquez, sa dami ng pinamiling damit at nilagay nito iyon sa hawak na basket. " Sarap siguro maging mayaman nabibili mo ang gusto mo." aniya sasarili. Umagaw pansin sa kanya ang isang jumpsuit na pula naka hangger. Nilapitan niya iyon at ka agad niyang hinagilap ang price tag nito. " Ano ba naman ang presyo nito?" napa atras siya ng makita ang nakatatak nasa, two thousand five hunded and seventy five cents iyon. " Ano ba naman itong mayayaman kahit centavos pinapatos. Sa bagay, hindi rin naman mabubuo ang piso kapag wala ang centavos." aniya sasarili. Natatawang nilapitan siya ni mrs Vasquez." Na aaliw ako sayo, yong gumagalaw-galaw ang bibig mo, pero walang mga katagang lumalabas." natatawa parin nitong sabi sa kanya. " kasi yong price nila ang mahal." aniya. " Pumili ka." alok nito. " Naku, wagna kasi ang mahal hindi ko afford." tanggi niya. Naglakad ito at nilapitan ang hinawakan niya kanina. Kinuha nito iyon at muli siyang nilapitan." Isukat mo ito." inabot nito sa kanya ang hawak nitong jumpsuit. " Naku, wagna po. Nakakahiya naman." " Rhian, isukat muna. Mag tatampo ako kapag tatangihan mo." naka simangot nitong sabi. " Nakakahiya po kasi ang mahal mahal nito eh." " Ayos lang naman iyon. Bilang kaibigan mo tanggapin muna."pilit parin nito. Lalo tuloy siyang naka ramdam ng guilt sa sinabi nitong kaibigan siya." Makakabawi din ako sa kabaitan nito." Isinukat niya ang binigay nito."Wow Rhian, bagay sayo. Iyan na ang sosoutin mo bukas sa kaarawan ni Shaola." naka ngiti nitong sabi sa kanya. Nahihiya siyang hinubad ang damit. Kung siya lang ayaw niya talaga nanghihinayang siya sa presyo, ang mahal tapos isang beses lang masusuot iyon. " Isang sakong bigas na rin ang katumbas ng halaga ng damit na iyon." Matapos nila mamili nagpunta sila sa kainan. Nasa pintuan na sila ng makita sila ng ina ni Sebastian si mrs Monica. Kinawayan sila nito. " It's nice to see you here mrs Dela Torre." masayang bati ni mrs Vasques sa ginang ng tuluyan silang makalapit rito. " Magandang hapon po ma'am." bati niya. " Magandang hapon din sa'yo Rhian. Umupo kayo." anang ginang. " Dito kana umupo sa tabi ko." ang ginang parin. " Mga amega ko." pagpakilala nito sa dalawang kasama. " Magandang hapon po sa inyo." naka ngiti niyang bati. " Ang gandang bata naman nitong si Rhian. Gaya sayo mare may biloy." anang kumare. Hinawi niya ang buhok at inipit sa likod ng kanyang taenga. At nagkataon din nagka sabay sila ng ginang. "Pareho pa kayong dalawa." anang isang kumare. Pareho nilang tinakpan ng ginang ang bibig habang natatawa. " Kung anak mo lang si Rhian, malamang manang mana sayo, mag kahawig kayo ng gesture." anang isang kumare. " Kaya nga kahit simply lang ang sout ni Rhian, lumitaw parin ang ganda nito. Kung may babae kang anak, siguro mana sayo." pagpatuloy ng kumare ng ginang. " How I wish na may babae akong anak. Pero wala eh, puro lalaki mga anak ko. Kaya siguro mabilis gumaan ang loob ko kay Rhian dahil sa gusto kong may anak na babae." anang ginang. " Pero, mare ang gu-gwapo naman ng mga anak mo ha." puri ng isang kumare. " Naku, excited na ako mag-asawa ang panganay kung si Sebastian. Wala bang babae dumadalaw sa opisina niya hija?" naka ngiting baling ng ginang sa kanya. Napa titig siya rito." Wala po." napa yuko siya. " Ang taas naman ng pilik mata mo hija." di mapigil puri ng ginang. " Salamat po." naka ngiti niyang sabi at muling inipit ang buhok sa likod ng taenga na siya rin ginagawa ng ginang. " Sigurado ba kayong hindi kayo mag nanay?" natatawang biro ng kumare. Na ikinatawa nila pareho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD