chapter 1

1161 Words
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata sabay ipinatong ko ang isang baso ng beer sa bar counter. Ang pait! Ughh! Keribels pa naman! Chill lang ang musika na pinapatugtog sa loob ng Restobar na ito. Atleast, nakikisama ang ambiance sa feels ko ngayon. Gusto ko talaga magrelax. Mas lalo gusto kong mag-celebrate dahil sa wakas ay natapos na ang pagtatrabaho ko sa Southwoods bilang part-timer! Sinubukan ko lang naman magtrabaho doon dahil sa pagpupumilit ng pudrabels ko. Tss. Palagi ko kasi naririnig sa kaniya na kesyo wala daw ako ginagawa, hindi naman daw ako nagseseryoso sa pag-aaral, bla bla bla... Hay, ewan! Bakit ba kasi niya pinapakailaman niya ang buhay ko? Bakit noong nag-asawa ulit siya, pinakailaman ko ba? Hindi naman, ah. Magsama sila! Napabuntong-hininga ako. Imbis na mag-iiyak ako, idadaan ko nalang inom ang sama ng loob ko. Prente kong isinandal ang aking likod sa upuan. Nilabas ko ang cellphone ko't sinusubukang tawagan si Naya. Sa pagkakaalam ko, hindi pa naman siya tulog ng ganitong oras. Alas syete y media palang naman ng gabi. "Hello?" Bungad ng kaibigan ko nang sagutin niya ang tawag ko. "Hi, Naya! Busy ka?" I tried to be cheerful atleast. "Ah, medyo? Kasama ko ngayon sina Keiran. Birthday ni Russel. Bakit nga pala hindi ka pumunta dito? Inaasahan ka din ni Keiran na makarating ka. Dito kami ngayon sa View Fort." Oh shiz! Oo nga pala! Iniinvite din pala ako ni Keiran na pumunta sa bahay nila ngayon! Shocks, bakit ko pa nakalimutan? Anubayan! "Oh shocks. Pupunta ako d'yan. Wait lang bes!" Pinatay ko na ang tawag. Agad kong kinuha ang bag shoulder bag ko sa aking tabi at tumayo na. Nagbayad ako't nilabas ang bayad ko hanggang sa tagumpay akong nakaalis ng Restobar! Ang akala ko hindi ako makakaabot. Nakaabot pa ako! Yes! I'm here na sa Viewfort Venue! Nagtext ako kay Naya na hintayin niya ako sa entrace. Baka kasi maligaw ako sa loob. Eh first time ko pa man din. Nakakahiya naman kung saan-saan ako mapapadpad. "Bakit parang haggard ka, Elene?" Bungad na tanong sa akin ni Naya. "Wala 'to." Saka bumungisngis ako. Bumaling ako kay Keiran na talagang sinamahan niya si Naya sa pagsundo sa akin. "Hi, Keiran!" "Hey," Nakangiting balik-bati niya sa akin. Hinawakan ko ang kamay ni Naya. "Gutom na ako, be!" Para na akong tanga. Ang hype ko na eh. "Elene, sabihin mo. Nakainom ka na ba?" Seryosong tanong niya sa akin pero may bakas parin na pag-aalala. "Kaunti lang nainom ko, be. Don't worry! See? Nakarating pa ako dito." Talagang pinakita ko pa sa kaniya ang malapad kong ngiti. Napailing siya sa aking sinabi. "Ikaw talaga. Buti hindi ka napahamak. Patay ako sa tatay mo kung nagkataon." I give her a small smile. Umiiba talaga ang pakiramdam ko kapag nababanggit si papa. Parang kumukulo ang dugo ko na ewan. Basta. Hindi ko sila bati ng bago niyang asawa! Hmp. Bongga ang handaan ng pamilyang Ho para kay Russel. Siya daw kasi ang bunso sa lahat ng magpipinsan. Wow, ha. Spoiled na spoiled talaga nila ang batang ito. Dahil sa bisita ako, makapal ang mukha kong batiin ang celebrant. Iyon nga lang, wala akong regalo para sa kaniya. Marami ding pagkain na nakahanda. Tiba-tiba ako dito. Yes! Ako lang mag-isang nakain habang ang lahat ay abala sa kani-kanilang kausap. May natanaw pa akong mga alak na hindi kalayuan sa akin. Di bale, humanda ang mga iyon kapag tapos na ako kumain! Bwahaha! Pagkatapos kong kumain ay hindi ko papalagpasin ang mga alak. May mga iba't ibang klase ng alak ang inooffer nila. Kumuha ako ng wine flute na may lamang champagne. Hinanap ng aking paningin sina Naya at Keiran pero hindi ko sipa makita. Oh, well. Ayoko munang istorbohin ang love birds. Haha! Ngunit, may nahagilap akong isang lalaki na nakatayo sa may mini bridge. Kaswal lang ang kaniyang suot. Naniningkit ang mga mata ko habang pinagmamasdan ko siya. Nakatingin lang siya sa man-made river. Mukhang malalim ang kaniyang iniisip. Hindi ko alam ngunit kusang kumilos ang aking mga paa para lapitan siya. Hindi maalis ang tingin ko sa kaniya. "Hi," Approach ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin na walang ekspresyon ang kaniyang mukha. Blangko iyon. "Why?" Ang tanging nasabi niya. Hilaw aking ngumiti. "Do you mind if..." "Leave me alone, miss." Malamig niyang sambit. Napalunok ako. Hindi ko sukat akalain na masungit pala ang isang Flare Hoffman! Yes, kilala ko siya dahil sikat siya sa youtube dahil sa paggawa niya ng mga acoustic covers. Napabuntong-hininga ako't tinalikuran siya. "Wait," Bigla niyang sabi. Lumingon ako sa kaniya. "Hindi mo ako kukulitin?" Tanong niya. Napangiwi ako. "Eh bakit pa? Eh sinungitan mo na ako." Diretsahan kong sagot. Hah! Actually, kasama na din sa strategy ko iyan para makausap nila ako. Kung ang mga babae ay may pahard-to-get ang peg, meron din ang mga lalaki. He groaned. "Kainis." He said with his frustrations. Nilapitan ko ulit siya. "Bakit ka ba nag-iisa dito? Mind to share? Don't worry, stranger naman ako eh. Hindi mo rin naman ako makikita bukas. Haha." "I just want to unwind." Sagot niya pero hindi siya nakatingin sa akin. Sa hitsura niya ngayon, mas sumeryoso siya. "Unwind kamo? Bakit? Problemado ka ng sobra?" Kaswal kong tanong. Sinuklay niya ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang daliri. "May hinahanap akong tao. Pero ayaw niyang magpahanap. Masyado siyang mailap." He sighed. "May mga ganyang tao talaga. May dahilan siguro kung bakit ayaw magpahanap." Pinasadahan ko siya ng tingin. Napalunok ako. Ngayon ko lang napapansin na mas guwapo pa pala siya kapag ganito kalapit sa kaniya! Wait, Elene! Huwag ganyan! Mag-isip ka pa ng iba pang topic. "Gusto mo mag-unwind, diba?" Bumaling siya sa akin. "What do you mean?" Sumilay ang isang mapaglarong ngiti sa aking mga labi. "Roadtrip tayo." Out of the blue kong nasabi iyon. Shocks! "Roadtrip?" Ulit pa niya. Okay, no choice na ako. Panindigan ko na nga! Tumango ako bilang tugon. "Oo, mas nakarelax nga daw kapag magroroadtrip tas gabi pa." Dagdag ko pa. Tumango siya na parang pinoproseso pa niya ang aking sinasabi. I suddenly grab his hand. "Ano? Tara?" Nakangiti kong tanong. Pinatong ko ang wine flute sa maliit na tulay at walang sabing hinatak ko siya palayo sa lugar na iyon. Napadpad kami sa Parking Lot. Nasa likuran niya lang ako hanggang nasa harap na namin ang kotae niya. Pinindot niya ang unlock at kusang tumunog ang sasakyan. Walang sabi na binuksan ko ang pinto ng front seat at sumakay. Pumasok naman siya sa driver's seat. Bago niya buhayin ang makina ay tumingin siya sa akin. "Do you have any idea where to go?" Tanong niya. "I want long rides, hmm, let's try Batangas " Nakangiting sagot ko. Sumilay na din ang ngiti sa kaniyang mga labi. "You sure, huh?" "Yeah. So, what are you waiting for? Leggo!" Excited kong sabi. He can't help to smile. Napapailing siya't hanggang sa nakausad na ang sasakyan palabas sa Viewfort Venue. Ahhh! I like this!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD