GUIA: HINDI ako nagtagumpay na umalis sa kanyang puder lalo na nang tumawag muli ang Papa. Ilang araw na rin ang nakakalipas simula ng malaman ko ang katotohanan. Kasalukuyan kong tinatapos ang mga paperworks ko. Muling tinignan ang oras at napag alamang alas nuwebe na pala ng gabi. Hinilot ko ang aking batok, overtime na pala ako sa trabaho. Matapos kong ilipit ang mga papeles ay lumabas na ako ng opisina ni Fabian. Wala ito, hindi siya pumasok simula kahapon. Sinimulan ko siyang iwasan para makalimutan ng tuluyan. Hindi ako maagang umuuwi sa condo nito. Hangga't sa maaari ay ayoko. Ganoon din siya, ilang gabi na akong late umuwi at minsan nang naabutan ang Tita Carol na mahimbing na natutulog sa sofa. Nakabukas ang TV at may nakahanda pang wine na hindi naman nabuksan. Nakatulugan na a