Guia: PINILIT kong pakalmahin ang sarili kahit na sa totoo lang ay para na akong hinahabol ng kabayo dahil sa bilis ng pintig ng puso ko. Nagmadali akong bumalik sa'king desk at napatulala saglit sa pinto. Hindi ko alam ang mararamdaman, sa pinapakita sa'kin ni Fabian ay wala itong pakialam pero ano ang nakita ko? Bakit niya ako pinapanood habang abala sa pinapagawa niya? Malalim ang iniisip ko nang biglang bumukas ang pinto at siya ang iniluwa nito. Inayos niya ang mamahaling tuxe habang ako nama'y tahimik lamang siyang pinapanood. "Are you done?" Tanong nito sa'kin nang mahuling nakatingin ako sa kanya. "No, but I'm almost there." Napayuko na ako at nagmamadaling tapusin ang trabaho. Hindi na rin ito nag salita at naupo na sa kanyang swivel chair at kinuha ang relaxing ball niya na p