Chapter 4

2026 Words
GUIA:   "Ibaba mo ako!" Hindi niya ako naririnig. Nakatuon ang pansin sa manibela at mabilis na nagmaneho. "Ibaba mo sabi ako, e!" Mabilis niyang tinapakan ang preno dahilan para tumama ang balikat ko sa gilid ng bintana. Napadaing ako sa sakit. Hindi siya umimik at kaagad itong lumabas. Masama ko siyang tinitigan.  Saan siya pupunta? Napansin ko na lamang na nasa tapat kami ng motel. Anong ginagawa namin dito? Kaagad siyang naglakad papunta sa kinaroroonan ko at padabog na binuksan ang pinto. Hinawakan nang mahigpit ang pulsuan ko at hinatak palabas. "Ano ba?! Nasasaktan ako!" Napapikit ako sa higpit ng pagkakahawak nito. His teeth are gritting as his eyes glowed with tension and frustration. "Problema mo? Get off me!" Pilit na nagtatapang-tapangan. Pilit kong tinatanggal ang higpit ng kaniyang pagkakahawak pero bigo ako. Malakas siya at kayang-kaya akong tangayin. Hinila niya ako hanggang sa may entrance ng hindi kilalang motel. Natahimik ako nang pagtinginan ng ibang tao na hindi ko naman kilala. Bigla niyang isinuot ang jacket sa akin at itinago ang mukha ko. Ilang saglit pa'y hawak na niya ang keycard atsaka ako hinila nang sapilitan. Ayoko namang mapahiya. Nagpatangay ako ngunit may takot sa bawat hakbang ko. Sumakay kami sa elevator at ilang segundo lang ang itinagal ay bumukas ito sa isang bakanteng pasilyo. Nobody's here and it's silent. Nasa loob ba ang mga tao? Kan'ya-kan'yang pintuan ito na may plaka pa ng mga numero. Hinila niya ako hanggang sa makapasok sa loob ng malamig na kwarto. "Anong gagawin mo?!" I lost my voice. Paos ang boses ko nang magbitiw ng salita. Inihagis niya ang susi ng kotse sa gilid ng kama at naupo. "Undress yourself," utos niya sa akin. Hibang ba siya? Ano'ng pinagsasabi niya? Niyakap ko ang sarili. Nanggilid ang mga nagbabadyang luha. Kinagat ang ibabang labi at pilit na pinipigilan ang pagpatak nito. Walang iiyak,Guia. Ni isang patak hindi mo ilalabas. Sabi ko sa aking sarili. "Get undress now!" sigaw nito. Galit pa rin ang kaniyang mga mata na hindi nagbago. Ano'ng problema niya? Nahihibang ang isang ito na utusan akong maghubad. What the hell is this? "I have no patience for this. Get-un-dress-now!" mariin niyang utos. Hindi ako kumibo. Nanatiling masama ang titig ko rito. "Gago ka!" malutong ko siyang minura. Tumayo ito at kaagad akong hinawakan sa magkabilang pulso. Masama ang kaniyang mga titig sa akin at may galit ito. Ano bang atraso ko? Bakit ganoon na lang siya 'kung makatitig? At teka, siya pa ang may ganang magalit? Like seriously, sa lahat ng ginawa niya kanina? Ibang klase talaga. "Don't make me want to rip your clothes off, Kitten." Tumulo ang pawis ko sa nerbyos. Namumula pa rin ang magkabilang tainga nito na alam kong nagpipigil lamang ng galit. "Ano'ng kasalanan ko sa 'yo? Why are you doing this to me?!" matapang na tanong ko ngunit paghawak lamang nang mahigpit ang iginanti nito. "Makakarating ito sa papa! Bastos ka!" sigaw ko. "At gusto mong magpabastos sa tarantadong iyon?! Hindi ako bastos pero gago ako!" sigaw nito. Malakas ko siyang itinulak kahit na hindi naman ito gaanong naapektuhan. Nabitawan niya ang magkabilang pulso ko at malakas na sampal ang inabot niya sa akin. Wala akong pakialam kung sino siya. Walang tao ang p'wedeng humusga sa akin. Ngunit matapos ang sampal na iyon ay masamang tingin ang iginanti niya. Malakas niyang hinawakan ang magkabilang braso ko at itinulak ako sa pader. Napapikit ako dahil sa pagiging agresibo nito. Ramdam ko ang init ng kaniyang paghinga na palalim nang palalim. Nasa leeg ko ito habang nakatingin ako sa ibang direksyon. "Please bitiwan mo ako." Hindi ko na alam ngunit ang mga luha ko'y tuluyan nang nagsipaglabasan. Napakagat ako sa aking mga labi at napapikit nang mariin. Sa nangyari ay lumuwag ang kaniyang pagkakahawak kaya naman, napatingin ako rito. Malungkot ang mga mata niya na may halong pag-aalala. Naglaho ang galit na lumamon sa kaniya. "I'm sorry." Hingi nito ng tawad saka lumayo sa akin. "Ayusin mo ang sarili mo. Ihahatid na kita." Sinunod ko ang inutos niya. Lumabas kami ng kuwarto nang walang imikan. Nauna na itong maglakad habang nakapamulsa. Nauna naman ako sa labas dahil kinausap pa nito ang ilan sa mga receptionist sa loob ng motel. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Napasandal ako sa kotse niya. Suot ang itim nitong jacket. Naging mapungay naman ang aking mga mata dala ng paghikbi ko kanina. Wala akong masabi, hindi ko alam kung ano ang maitatawag sa nangyari ngayong gabi. Hindi niya ako pinagsamantalahan. Hindi ko lang lubos maisip kung bakit kami napunta sa ganitong sitwasyon. Lumabas siya ng motel nang tahimik. Hindi ako tinapunan ng tingin hanggang sa buksan na niya ang pinto ng kotse. Sumunod ako rito pagkapasok niya. Ganoon pa rin ang eksena naming dalawa na parehas walang imik. Ikinabit ko ang seat belt at pinaharurot nito ang sasakyan. Wala pang oras nang makarating kami sa hacienda. Nagpreno ito nang mariin at nagsalita. "Baba." Walang emosyon niyang saad sa akin. Sumunod naman ako sa gusto nito at bumaba ng kotse niya. Pagkasara ko ng pinto nito ay nagulat ako nang paharurot niya itong minaneho palayo sa akin. Saan siya pupunta? Guia, ano namang pakialam mo sa kan'ya? Tanong ko sa'king sarili. Sa likod ako ng hacienda bumakod. Walang bantay kaya naman, mabilis akong nakapasok. May susi naman ako sa likuran kaya hindi ako nahirapan.  Lutang ang isip ko habang tinatahak ang daan paakyat ng k'warto ko. "Ano'ng problema niya?" Kausap ang sarili. Nagtataka kung bakit. Pasado alas-dose nang hating-gabi. Wala nang gising maliban na lamang sa akin. Pagpasok ko ng kuwarto ay dahan-dahan ko itong isinara. Napapikit habang nakasandal sa pinto at sapo-sapo ang sentido. Hindi ko maiwasan na hindi isipin si Fabian. Ayoko na siyang tawagin sa nakagawian at nararapat. Mas gusto kong banggitin ang pangalan niya. Kaagad kong kinuha ang phone sa pouch ko at tinignan kung ano'ng naganap. Napabuntong-hininga lang ako, wala namang nag-abalang mag-text kun'di ang makukulit na manliligaw. Paniguradong ibinigay ni Janina ang numero ko sa mga ito. She's my college friend not my best friend. Hindi kasi ako ang tipo ng tao na nagtitiwala kaagad. Mahirap nga raw akong pakisamahan, ika ng iba. Naupo ako sa gilid ng kama. Mainit ang mga mata ko't pagod na. Ibinagsak ko ang buong bigat sa malambot higaan. I feel drain. Epekto ba ito ni Fabian? Tsk! Malamang hindi. Pero hindi ko maiwasan na hindi siya isipin. Hindi siya matanggal sa utak ko.  Kinabukasan...  Sigaw ni Sandra ang nagpagising sa himbing ng tulog ko. "Senyora, wala po kaming alam," rinig ko ang isa sa mga kasambahay na umiiyak. Peste ano na namang eksena ito? Padabog akong bumangon. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang pagsisigaw ni Sandra sa may salas ng hacienda. "Ikaw ang inutusan ko na magdala nito sa master's bedroom paanong hindi mo alam, ha?! Inggitera ka! Gusto mong palayasin kita, ha!" Bumaba ako at nakita ko ang mga hawak ni Sandra. Ang nalasog-lasog nitong mga damit na pinamili niya kahapon. Napangisi ako. "Senyora, wala po talaga akong alam. Patawad po pero wala po akong aaminin dahil wala akong alam." Anito nang pandilatan ko siya ng mata. Mabuti at masunurin sa takot na makalbo ko. "Ano',g kaguluhan na naman 'yan?" Kunwaring walang kaalam-alam na tanong ko. "Ikaw! Alam kong ayaw mo sa akin para sa papa mo. Ikaw ang may kagagawan nito, ano? Sumagot ka!" sigaw nito sa akin. "Tingin mo pag-aaksayahan kita ng oras? Sandra, maraming nanlilimos ng oras ko." Lumapit ako rito para magpantay kami bago ko ipinagpatuloy ang sasabihin ko. "At ang lahat ng iyon ay may pangalan. Ikaw, sino ka ba? Ni hindi ko nga alam kung sang lupalop ka nanggaling." Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. Nanginginig naman ito sa galit na siyang ikinatuwa ko nang sobra. "Inggrata ka!" sigaw nito. "How cheap! Napakapalengkera talaga ng bunganga mo. Kaya ka siguro iniwan ng magaling na si Enrique at nagpupumilit na makipagbalikan sa akin. Alam mo, Sandra, binihisan lang kita ng pera ko." Umikot ako habang naestatwa ito. Hindi siya makapagsalita sa mga sinasabi kong sumasaksak sa katauhan niya. "At kayang-kaya ko rin tanggalin ang lahat ng bagay na nilimos mo sa papa. At alam mo kung bakit?" Bobo ka talaga, Sandra. Bakit mo kinakalaban ang nag-iisang tagapagmana ng Bishop? Ni ang papa walang magagawa dahil iyon ang utos ng Great Grand. Tsk! Kawawang Sandra. "Ano'ng ibig mong sabihin?" Himalang bumaba ang tono ng kan'yang pananalita. "Utang mo lahat sa akin kung ano ang tinatamasa mo ngayon. At isang pitik ko lang sa 'yo, balik putikan ka." Namutla siya sa sinabi ko. Mabuti na't nagkakaintindihan kaming dalawa. Hindi pa nga natatapos ang plano ko sa kasal nila ng papa na sigurado akong ikakabigla niya. "H'wag mo akong tinatakot, Guia. Kilala mo ako magalit. Kaya kitang patanggalan ng mana." Napahalakhak ako ng tawa. "Tsk, tsk." Malaking ngisi ko sa kaniya. "H'wag mo akong daanin sa pagngiti mo," gigil na sabi nito. "Sinabi ko na sa 'yo, h'wag mo akong subukan." Nagbago ang ekspresiyon ko nang bitawan ang mga katagang 'yon. Kitang-kita ko namang napalunok ito at pinagpawisan. "Hindi ako natatakot sa 'yo, Guia." Matapang na sabi nito. "Ows, handa ka bang makalbo nang wala sa oras?" At natahimik siya sa pananakot ko. Malaki ang ngiti ko sa aking mga labi nang banggain siya at umakyat na sa k'warto ko. Malakas ang loob ng bruha dahil alam niyang nasa Italy ang papa for business at babalik sa makalawa. HAPON nang magdesisyon akong lumabas ng hacienda para magpahangin. Nakita ko naman ang sasakyan ni Sandra na papaalis at alam ko na kung saan ito pupunta. Magpapakalunod muli sa pera ko at bibili ng kahit na anong gusto niya gamit ang credit card ng papa. Nakaisip ako ng magandang ideya. Tinawagan ko si Tita Eleonor na may hawak ng pera sa bangko. "Sigurado ka ba, hija, na iba-block muna namin ang pera?" anito. "I'm very sure, tita. May malikot kasing kamay na nagpipiling mapasama sa pamilya namin. H'wag ninyo siyang hayaang makagasta ni isang singkong duling," mahigpit kong sabi. Mabilis ko itong napapayag. Ipinalabas ko na nagkaroon ng problema sa sistema ng bangko kaya hindi ito makakakuha ng pera. Pina-block ko rin lahat-lahat ng credit card number. Ngayon, tingnan natin ang tapang mo, Sandra, kapag sa kangkungan ka na pupulutin. Pabalik na ako ng loob dahil magdidilim na. Abala naman ang mga katulong sa kaniya-kaniyang ginagawa. "Hoy! Hindi mo napansin ang Ninong?" tanong ko sa isa. Umiling-iling naman ito. Napairap nalang ako dahil sa pagtatanong. Ano bang pakialam mo, Guia? Buong araw mo man hindi makita si Fabian ay hindi mo na problema iyon. Nakikipagtalo ako sa isip ko hanggang sa makarinig ng ugong ng kotse. Dali-dali akong napalingon sa bintana at kumabog nang malakas ang puso ko nang makita ang kotse ni Fabian. Napangiti ako, oo kotse niya iyon dahil may galos pa ito sa unahan dahil sa kagaguhan niya. Pinatuloy ito ng isa sa mga kasambahay. Nakasilip lang ako na parang tanga dahil bumakas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi ko maintindihan. Kagabi galit ako rito pero kapag wala siya ay hinahanap-hanap ko naman. Naglaho ang ngiti ko nang mapansing may kasama itong ibang babae. Nakaakbay siya rito. Lumabas ako ng hacienda para makita sila. Ang kapal ng mukha magpapasok ng kung sino-sino lang sa pamamahay ko. Maganda at matangkad ang babae. Morena ito at balangkinitan ang pangangatawan. Nag-uusap pa sila sa labas nang makita ako ni Fabian na nakangisi. Kung alam lang niya ang dahilan ng pagngisi ko. Galit na ako at sasabog na. Ang kaninang nakasimangot na mukha nito sa babae ay biglang napalitan ng ngiti. Nangunot ang noo ko sa mabilisang pagpapalit nito ng ekspresiyon. Nagkrus ang dalawang braso ko at tumaas ang kilay. Abot tainga na kasi ang ngiti nito at ang lapit-lapit pa ng katawan nila sa isa't isa. Hindi nagtagal ay nabigla ako. Biglang hinawakan ni Fabian ang magkabilang pisngi ng babae at malumanay niya itong hinalikan. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit parang tinutusok ng karayom ang puso ko. Kitang-kita ko kung papaano sila maghalikan habang nakadilat ang mga mata ni Fabian at sa akin lamang nakatingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD