GUIA:
ILANG araw na ang nakalipas at hindi nawala sa 'kin ang ginawa ng ninong. Kakauwi ko lamang ng hacienda galing Unibersidad kung saan ako nag-aaral. Balak kong umalis ngayong gabi dahil sa pag-aaya ng mga kaibigan ko pati na si Leandrei.
Nagpalit kaagad ako ng damit at nag-ayos nang kaunti. Hanggang sa maaari ay ayokong makita si Fabian.
"Papa, aalis ako," Suot ko ang maiksing bestida na kulay pula. Hapit sa katawan ko kung saan kapansin-pansin ang hubog.
"Sino'ng nagsabi na pupunta ka sa party ng lalaking 'yan?" Napairap ako. Alam ko nang hindi ito papayag. Pero wala siyang magagawa. Gagawin ko kung ano ang gusto ko dahil hindi rin naman siya nakikinig sa 'kin.
"Papa, you know him naman. He's a good man."
"Sino? 'yong anak ng Mayor? Alam mong ayokong dumidikit ka sa mga Buentura na 'yan." Hindi maganda ang namagitan sa aking ama at sa Mayor ng bayan namin. Kaya ganoon na lang ang galit niya maging kay Leandrei na anak ng Mayor.
Napasimangot ako. Kung si Sandra nga napapayagan niya magpunta sa kahit na saan, bakit ako hindi? Ano bang pinakain ng babaeng iyon sa papa at baliw na baliw ito?
"Payagan mo na ang anak mo, Fernan." Dumating ang magaling na babae. Kakauwi lang dala-dala pa ang mga muchacha na may buhat-buhat na mga kahon.
"Sandra," Tumayo ang papa atsaka ito hinagkan. Napairap ulit ako dahil ayokong makita sila sa ganoon.
Nakakadiri.
"Pakilagay na ang lahat ng iyan sa k'warto," utos ni Sandra sa mga muchacha niya.
"Mukhang nasayahan sa pamimili ang madrasta ko," nakangiti kong sabi.
Ambisyosa! Pera lang naman namin ang ginagasta pambili ng mga luho niya.
"Oo, nag-enjoy nga ako, e," sarkastikong sagot nito. Ang kapal talaga ng mukha.
"Well, hindi naman na bago sa isang gold digger na tulad mo," diretsahan na sabi ko at wala nang preno ang tabas ng dila.
"Guia!" Napangisi ako. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Malamang kakampihan siya ng papa. Ang babaeng magaling magpaikot.
"You're grounded again. Now get back to your room." Sinamaan ko sila ng tingin.
Nakakainis naman na ngisi ang sumilay sa mga labi ni Sandra.
"I hate you!" sigaw ko sa papa atsaka padabog na umakyat ng hagdan. Hindi naman nakialam ang mga nadadaanan ko na mga katulong at nakayuko ang mga ito habang naglilinis.
Pabalang kong isinara ang pinto. Peste na Sandra na iyan. Ang sarap niyang balatan nang buhay!
Palakad-lakad ako sa loob habang nag-iisip ng plano. Plano ko kung papaano makakaganti sa walang hiyang babaeng iyon.
Napadako ang paningin ko sa gunting na nakalapag sa drawer. Tila sumibol ang kademonyohan ng utak ko at napangisi sa naisip na ideya.
Kinuha ko ang gunting at nagbalak na pasukin ang Master's bedroom--- ang kwarto nila ng papa.
Naglakad na ako palabas nang may makasalubong na katulong.
"Nasaan ang mga pinamili ni Sandra?" Gusto kong makasigurado. Siya lang naman ang inutusan ni Sandra na i-akyat ang lahat ng mga damit na pinamili nito.
"Nasa k'warto po nila ng papa ninyo, Senyorita." Kaagad na sagot nito. Tumaas muli ang sulok ng aking mga labi. Bakas sa mukha ng isang muchacha na ito ang pagtataka.
"Hoy! H'wag mong balaking magsumbong kun'di, alam mo na ang kalalagyan mo sa akin." At itinaas ang gunting para ipakita rito. Napalunok ito at namutla dahil alam niyang makakalbo siya sa akin nang wala sa oras kapag nagsalita siya.
Tumango-tango ito.
"Samahan mo ako, magbantay ka sa labas!" utos ko.
"S-Senyorita." Halata ang pag-aalinlangan nito.
Pinangdilatan ko naman siya ng mata.
Aba'y tatablahin pa yata ako ng isang to.
"Subukan mo lang, humanda ka sa akin." Nauna na akong maglakad papunta sa Master's bedroom. Nakasunod naman ito sa akin at palinga-linga sa daan. Tinitingnan kung mayroon bang makakakita sa amin.
"Magbantay ka riyan! Ayusin mo trabaho mo kung ayaw mong malintikan ka sa akin," At iniwan ko na ito sa labas saka pumasok sa loob. Nadatnan ko pa ang maraming paper bags na nakapatong sa gilid ng kama. Amoy na amoy ang pabango ng mga bago nitong pinamiling damit.
Lumapit ako sa mga ito at sinimulan ang maitim na balak.
Inisa-isa ko. Wala akong pakialam kung gaano kamahal ang mga pinamili ng walanghiya. Ibinuhos ko ang gigil sa mga damit habang nilalasog ito ng gunting na hawak.
Pumapalakpak ang tainga ko habang naririnig ang tunog ng gunting sa paglalasog-lasog ng mga tela.
"I'm done. Let's go," sabi ko sa muchacha niya at naglakad na kami. Ako ay pabalik sa k'warto ko habang siya nama'y pababa ng kusina. Pagpasok ko sa loob ay itinapon ko ang gunting sa maliit na basurahan. Wala siyang makikitang anumang ebidensiya sa akin.
Inayos ko na ang sarili at nagplanong lumabas ng bintana. Dahan-dahan kong binuksan ang bintana at sinipat ng mga mata kung gaano kataas ang kayang talunin. Damuhan ang babagsakan ko kung kaya naman, hindi ito masiyadong masakit.
Lumingon ulit ako sa loob para masiguro na walang makakapansin sa akin. Itinapak ko na ang mga paa sa gilid ng bintana at ibinagsak pababa ang dalawang sapatos pati na rin ang sling bag na naglalaman ng pera't cellphone.
Nanginginig ang mga tuhod ko lalo pa't mahangin sa labas at iba na ang klima. Malapit na rin ang kapaskuhan kaya naman, ganoon na lang kalamig dito sa hacienda.
Sa wakas ay nailabas ko na ang dalawang paa ko at handa na akong tumalon nang biglang may humagip ng bewang ko at hinila ako papasok ulit sa loob.
Sumigaw ako ngunit kaagad nitong natakpan ang bibig ko. Padabog niya akong ibinaba sa sahig na naging sanhi ng ingay. Nakapaibabaw ito sa 'kin habang hawak-hawak pa rin ang bibig ko.
"Hmm!" sigaw ko kahit pa walang makakarinig nito.
"At saan ka pupunta, Guia?" Natigil ako nang magsalita ang lalaki sa harapan ko. Napakunot-noo ako. Papaano siya nakapasok?
Tinanggal niya ang kamay nang kumalma ako. Hindi pa rin nababago ang puwesto naming dalawa at nakapatong pa rin ito sa ibabaw ko habang nakaalalay ang dalawang kamay sa sahig bilang pang-suporta.
"N-Ninong?" takang tanong ko.
Madilim sa loob kung kaya naman, hindi ko makita ang mukha nito. Ngunit naaamoy ko ang pamilyar niyang pabango na lalaking-lalaki. Pati na rin ang mainit na katawan nito na nakadikit sa akin.
Nabuhay muli ang takot ko. Ito nanaman ang pakiramdam na naramdaman ko nang gawin niya sa akin ang mga bagay na iyon. Takot at kaba na hindi ko malaman.
Hindi ito nakapagsalita. Parehas kaming na estatwa at hindi makagalaw, parehas habol ang paghinga.
Umalis na ito sa ibabaw ko saka naupo sa sahig. Nakasandal ito sa pader at natamaan na ng ilaw mula sa labas ang magandang mukha nito kaya naman, alam ko na siya nga ang nangahas na pumasok sa k'warto ko.
"Anong ginagawa mo rito?" Nagtaas ako ng kilay.
Tahimik lang ito at seryosong nakatitig sa akin. "You're not allowed to go outside. Iyon ang utos ng ama mo," sabi nito at kumuha ng isang stick mismo sa itaas ng drawer ko at sumindi.
"Sigarilyo ko 'yan. Bakit hindi ka bumili ng sa 'yo?" iritang tanong ko.
"Wala sa mukha mo ang manigarilyo." Natahimik ako sa sinabi niya. Matalas ang mga matang binitiwan nito na siyang nagpaurong ng dila ko. Napalunok na lang ako. "Hindi bagay sa 'yo." Nagsalita itong muli.
"Huh?" Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Bumaba bigla ang tingin nito sa maiksing damit ko saka kumunot ang noo.
"Hindi bagay sa 'yo. Magbihis ka, hindi magandang tingnan." Hindi na niya ako tiningnan nang sabihin ang mga katagang iyon. Napahiya ako sa sinabi nito.
Napatayo ako at kinuha ang bathrobe tsaka ibinalot sa buo kong katawan.
"Wala kang pakialam. At mas lalong wala kang paki kung umalis ako ngayong gabi! gigil na sabi ko. Atsaka ito tumayo, tinapon ang hawak na stick sa labas ng bintana. Ipinasok ang magkabilang kamay sa bulsa at naglakad nang dahan-dahan patungo sa akin.
"Oh, really? And why do you care if I f**k someone?" Nag-init ang magkabilang pisngi ko. Napalunok muli nang maalala ko na naman ang eksena kahapon. Pinapalayas ko lang naman ang lahat ng mga maids na lumandi sa kan'ya.
"Dahil sinisira mo ang araw at gabi ko. Akala mo ba hindi nakakadistorbo sa pagtulog ang pag-iingay ng mga kung sinong kalaguyo mo sa k'warto mo? Begging for your thrust? Begging for you to go deeper. Moaning your name." At napahawak ako sa aking bibig. Bakit ko nasabi ang mga salitang iyon? Takot at hiya ang namayani sa puso ko. Takot na baka mas lumala ang gawin n'ya sa akin ngayon.
Naningkit ang kan'yang mga mata at napaisip sa sinabi ko. Bumakas ang pagkangisi at napailing sa akin.
"Little kitten... you shouldn't have heard that." Paos ang boses nito at mababa. Tumaas ang balahibo ko dahil sa kakaibang kuryenteng bumabalot muli sa sistema ko. Napakagat-labi ako sa sinabi niya. Walang lumabas na salita mula sa akin dahil alam ko na matatalo lang ako. Mali nga naman ang makinig. Pero kasalanan ko bang marining ang lahat ng iyon?
Tila nagkandabuhol-buhol ang dila ko. Ano nga bang pakialam ko kung makipagtalik siya gabi-gabi sa iba't ibang babae?
"Wala akong pakialam. It's annoying, you know? Sa susunod na magkakama ka, isipin mo ang mga tao rito," pataray na sabi ko sa kan'ya. Sobrang pagkabuwiset at takot pa rin ang nararamdaman ko ngayon sa lalaking ito.
"Himala, wala ka yatang kinama ngayong gabi?" pang-aasar ko pa. Lumabas na naman ang mga sungay ko dahil sa kan'ya. Pinalabas lang naman niya ang masamang parte ni Guia.
"Wala pa. Pero may iiyak sa kama." Nanginig ang mga tuhod ko. Parang may pinupunto ang bawat salita nito. Aksidente kong nakagat ang labi ko. Nanginginig ang buong katawan ko.
Napaatras ako nang lumapit ito.
"Care about your own business, Guia. You don't want me to get mad." Lumalim at tumalim ang pananalita niya. Halatang may pagbabanta.
Gumapang ang kilabot sa aking batok. Napalunok ako nang manuyo na ang lalamunan. Nagsimulang kumabog ang puso ko at manlamig ang mga kamay.
Hindi na ako muli pang nakapagsalita. Ayokong maulit ang nangyari.
Hindi na siya nagsalita pa at hindi na maipinta ang mukha. Naglakad ako paiwas dito at lumapit sa bintana. Tinaggal ko ang bathrobe na nakabalibot sa katawan ko atsaka isinabit ang kanang paa sa bintana para tumalon.
Lumingon ako bago magsalita rito.
"You too, mind your own business. You don't want me to get mad." Hindi ko na hinayaan pang makapagsalita ito at tumalon ako sa labas. Mabuti na lang at sakto ang bagsak ko at hindi naman masiyadong masakit.
Natanaw ko na agad ang kotse ni Lean na nasa may kalayuan. Dali-dali kong pinulot ang mga sapatos at pouch bag ko atsaka lumabas.
"Guia! Finally you're here." Niyakap ako nito at hinagkan sa pisngi. Matagal ko nang manliligaw si Lean kahit na nobyo ko pa noon ang walanghiyang si Enrique.
"Sabi ko naman sa 'yo gagawa ako ng paraan. Pasensiya ka na, Lean, ang papa kasi... you know naman kung bakit," paghingi ko ng paumanhin. Naintindihan agad ito ni Lean na ikinapanatag ng loob ko.
"Here wear it." At ipinatong ang coat sa akin dahil medyo revealing ang suot ko.
"Thank you," Nakangiti kong ani saka pumasok nang pagbuksan nito ng pinto.
"You look beautiful tonight, Guia." Nakangiti niyang sabi at nagsimula nang magmaneho.
Ilang metro pa lang ang layo namin sa hacienda ay napahinto ang kotse ng biglang may bumangga samin mula sa likod.
"What the f**k!" Napamura si Lean dahil ramdam namin ang lakas ng pagbangga ng kung sino mang tarantado ang nasa likod nito.
Bababa na sana ito nang mag-umpisang kalampagin ng kung sino man ang likuran ng kotse niya.
"Siraulo 'yon, a!" Kinuha ang baril at napalunok ako. May dalang baril si Lean. Hindi na bago 'yon lalo pa't tatakbo ito sa susunod na botohan bilang Mayor. Pero hindi pa rin mawala ang takot sa akin nang makita itong may hawak na ng baril at pabalang na bumaba.
Napababa rin ako at nagulat kung sino ang nasa likod ng banggaan.
"Gago ka, a! Kilala mo ba kung sinong binabangga mo! Gusto mong pasabugin ko ang bungo mo, ha!" At itinutok nito ang baril.
"Ninong?"
Tama, si Ninong Fabian ang may kagagawan ng banggaan. Nakita kong may galos ang harapan ng kotse nito at alam ko na kung bakit.
"Ninong mo ang gagong 'to?" tanong niya sa akin. "Alam mo ba kung magkano ang napinsala mo sa sasakyan ko, ha?!" Baling nito muli kay Ninong.
Hindi nagsalita si Ninong at madilim lang ang mukha nito. Walang pakialam kahit pa may baril na nakatutok sa kaniya at mabilis na tumungo sa akin saka ako hinila nang marahas.
"Ano ba! Nasasaktan ako!" Nasasaktan talaga ako dahil kinaladkad niya ako. Napakasama talaga niya!
"Hindi lang 'yan ang aabutin mo sa 'kin kapag nagmatigas ka!" At marahas niyang hinila ang braso ko papunta sa kotse niya.
"Ano ba?!" pagpupumiglas ko.
"Sakay!" galit na sigaw nito sa akin.
"Ayoko sabi, e! Umalis ka na, p'wede?"
"Putang ina, Guia, h'wag mo sabi akong gagalitin!" Hindi ako nakapagsalita nang manlisik ang mga mata nito sa 'kin. Bakat ang ugat sa leeg at namumula ang magkabilang tainga dahil sa matinding galit.
Ngayon ko lang siyang nakitang galit at ngayon ay mas nakaramdam ako ng takot.
Kaagad akong sumakay. Pabalang niyang isinara ang pinto at sinamaan ng tingin si Lean.
"Ako kilala mo ba?" Nakakakilabot na tanong nito kay Lean. Nanginig ang mga kamay ni Lean at naibaba ang baril. Tumalikod naman sa kan'ya ang Ninong dahil sasakay na sana sa loob ng biglang sugurin ito ni Lean patalikod at sinapak ng baril ang gilid ng mukha ng Ninong.
"Ninong Fabian!" Lalabas na sana ako pero nakalock ang pinto ng kotse.
Napadura ng dugo si Ninong Fabian at may pasa na ito sa gilid ng mukha. Nanlisik ang mga mata sa galit tsaka napangisi.
"H-Hindi ko sinasadya." Namumutla na sabi ni Lean pero bingi na ang Ninong. Hinawakan nito ang kwelyohan ni Lean saka pinagsusuntok ang mukha hanggang sa magsuka na rin ng dugo.
"Tama na!" pagsisisigaw ko sa loob ng kotse. Napaluhod naman si Lean dahil sa matinding bugbog at sipa na dinanas. Pinindot ng Ninong ang susi nito saka bumukas ang lock at pumasok sa kotse.
Napatulala ako sa kan'ya. Ngayon ko lang nakita ang mukha niya na galit na galit.
Sumigaw ito nang malakas saka nagmura nang nagmura. Nakakatakot siyang magalit. Pinaghahagpas nito ang manibela at malalim na ang paghinga dahil sa pinipigilang galit.
"N-Ninong Fabian."
"Sinabi ko na sa 'yo. H'wag mo akong gagalitin!" sigaw nito sa akin saka pinaharurot ang kotse na sa ibang direksyon patungo.
"Saan mo ako dadalhin?" Kinakabahan ako dahil ibang tao ngayon ang nasa harapan ko.
"Paiiyakin kita, Guia." Sinabi niya sa malalim na boses.
At doon pa lang ay mas natakot ako sa mga susunod niyang gagawin.