Guia: "Come, let's eat outside." "Huh?" Hindi rumihistro sa utak ko ang sinabi niya. "Ano bang iniisip mo?" Shocks! Nakakahiya! Iba talaga ang iniisip ko. Guia, Napakadumi ng utak mo! Lumayo ito nang kaunti at ngumisi. Ano namang nakakatawa sa reaksyon ko? Inayos ko ang sarili at tumikhim. "Anong nakakatawa, Ninong?" Tinaas ko ang kanang kilay at nakapameywang na siyang tiningnan. "Wala, gusto ko lang kumain sa labas." Naningkit ang mga mata ko. Bakit naman kaya bigla-bigla na lang itong nag-aaya? Hindi naman ako nag-atubili pa dahil kusang tiyan ko na ang sumagot sa paanyaya niya. My stomach growling because of hunger. Wala namang masama kaya sumama na ako rito. Pagpasok namin sa kotse niya ay kaagad na nitong binuksan ang makina at nagmaneho. Nakarating kami sa sikat na restawran