Episode 11: Rabbit

1397 Words

Biglang hinigit ni Shin si Dami nang muntik na itong mahagip ng mabilis na sasakyang tumatakbo. Abala kasi ito sa pagkain ng tinapay. Gabi na nang matapos sila sa buong araw na pagtatrabaho. Nanlalaki ang mga mata ni Dami nang makarinig siya ng mabilis na tunog ng isang sasakyan. "Woah, ano 'yon?" Tanong nito sa sarili at napatingin sa direksyon ng sasakyan. "Balak ba akong patayin non? Ni hindi pa ako nakakanap ng boyfriend eh!" Patuloy niya. Nagpipigil lang ng ngiti si Shin atsaka humawak sa damit ng dalaga upang alalayan itong tumawid ng kalsada. "Alam mo, walang pakealam ang kamatayan kung hindi ka pa nakakahanap ng boyfriend bago ka mamatay. Pag oras mo na, oras mo na talaga." Ani naman ni Shin. "Ang sama mo naman." Umirap si Dami at nagpatuloy sa pagkain. Si Shin ay nakahawak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD