bc

One Step At A Time

book_age16+
177
FOLLOW
1K
READ
inspirational
warrior
twisted
serious
mystery
ambitious
male lead
spiritual
like
intro-logo
Blurb

Kyru was on comatose where his soul has accidentally addressed to the beautiful mountain of Floresca. Kung saan nakatira ang isang dalagang nagngangalang si Fyane. Lumaki siya sa hindi ordinaryong pamumuhay kung kaya't nasanay sa isang pamumuhay na sadyang malayo sa kabihasnan. Mailap siya sa isang taong hindi kilala kaya naman hindi maganda ang kanilang unang pagkikita ni Kyru. Ngunit nagbago ang kaniyang pananaw nang makilala pa ang binata, ang minsang nagligtas ng buhay niya sa isang baboy ramo sa kabundukan ng Floresca.

Bagama't napakamisteryoso ng pagkatao nito ay hindi na nito magawang maalala ang mga mahal nito sa buhay, lalo na ang totoong kasintahan nito na si Jerica. And it seems that the feeling between Kyru and Fyane is mutual. An in order to achieve Fyane's dream, she has leave the Floresca to seek a good opportunity in Manila.

At nang malaman niya na isa na lamang kaluluwa si Kyru ay kasabay niya rin na nalaman na nagbunga ang kanilang pagmamahalan ni Kyru. Hindi niya rin lubos akalain na sa paulit-ulit na pagtuklas niya sa katotohanan ay kakambal niyon ang kaniyang kapalaran. Paano niya kaya haharapin ang bukas ng walang kasiguraduhan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Fyane's POV ANG LUGAR na aking kinalakihan, ang kabundukan ng Floresca, ay masasabi kong hindi katulad nang nakasanayan ng iba. Malayo sa kabihasnan at ilang kilometro pa ang kailangang lakarin upang makarating sa bayan. Pero may isang lugar dito na paborito ko'ng puntahan. Bukod kasi sa preskong hangin ay sadyang nakagagaan ng pakiramdam ang mga huni ng iba’t ibang hayop. "Meow-meow," huni ni Mikee, ang aking alagang pusa. Nandito ako sa kagubatan at nakaupo sa paborito kong puwesto, sa isang malaking bato. Madalas ako rito dahil itong lugar na 'to ang pinupuntahan ko sa tuwing malungkot ako at may problema. O ‘di kaya naman ay gusto kong mapag-isa. "Bakit, Mikee, gutom ka na ba? Gusto mo bang umuwi na tayo?" sabi ko pero napakunot ang noo ko nang makita ko siya na nakatingin sa ibang direksyon. "Meow-meow." Sa labis na pagtataka ko ay unti-unti akong lumingon kung saan nakatingin si Mikee. At halos mapaatras ako nang masilayan ang isang lalaking ngayon ko lang nakita. Matangkad siya at malaki ang pangangatawan, mahaba ang kaniyang buhok at may matangos na ilong. Masasabi ko na may itsura siya. Mailap ako sa tao lalo na kapag ngayon ko lang nakita dahil iyon ang sabi sa akin nina Amang at Inang. "’Wag makikipag-usap sa isang estranghero," lagi nilang bilin. Dahil ayon sa mga nababalitaan namin na mga krimen mula sa aming kamag-anak sa Maynila ay napakahirap ng magtiwala, isa pa ay hindi dapat na basta-basta magtiwala sa kahit na sino. "S-sino ka?" Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Baka kung anong gawin niya sa akin. Pero dahil gusto kong malaman kung anong ginagawa niya rito ay naglakas loob ako na magtanong. Napatayo ako at binuhat si Mikee, mula sa aking kinatatayuan ay hindi ko inaasahang doon ko umpisang maririnig ang boses niya. "Sino ka rin?" Ang lamig ng boses niya pero mas kinabahan ako nang lumapit siya sa akin. Nakatitig siya sa mga mata ko at hindi ko mapigilang matakot. "Taga-rito ka ba, magandang binibini?" tanong niyang muli. "Huwag mo akong sasaktan,” pagbabanta ko pero napakunot ang noo ko nang ngumisi siya. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling at kung anong pakay niya sa akin, pero nakahanda ako sa kung ano man ang binabalak niya. "Mukha ba akong mamamatay tao?" natatawang aniya pero saglit siyang natigilan nang mapansin na walang nagbago sa pagkakunot ng noo ko. "Sino ka ba? A-ano bang ginagawa mo r-rito? Ngayon lang kita nakita,” nauutal kong sabi. Halos manginig na ang buong sistema ko. Hindi ako sanay na makihalubilo sa kahit na sino. Pakiramdam ko rin ay sinuway ko na kaagad sina Amang at Inang. At sa halip na sagutin niya ang tanong ko ay inilahad niya ang kaniyang kamay habang pinagmasdan ko lang 'yon. "Ganiyan ka ba ka-inosente para hindi maintindihan ang ibig kong sabihin?" Napangisi siya ulit nang makitang nakatulala lang ako sa kaniya kaya binawi niya na lang ang kamay na kaninang nakalahad. "Ako si Kyru," pagpapakilala niya. "Matagal na akong tumatambay dito, e, ikaw?" Matagal? E, bakit ngayon ko lang siya nakita? At saka hindi, hindi ako p’wedeng makipagkaibigan sa kaniya. "Patawad,” tanging nasabi ko at kaagad akong tumakbo papalayo sa kaniya habang karga- karga si Mikee. Nang makabalik ako sa aming bahay ay nadatnan ko si Inang na naglalaba. "O’, nak, bakit mukhang hingal na hingal ka? Tumakbo ka ba?" puna sa akin ni Inang. Inilapag ko na muna si Mikee at napahawak pa ako sa aking tuhod habang hinihingal. "E-estranghero,” nauutal na sabi ko. Sandaling napatigil si inang sa ginagawa at awtomatikong inilibot ang kaniyang tingin. "Nasaan?" "Isang estranghero, inang, ang nakita ko sa kagubatan." "Anong ginawa niya sa’yo?" Sasagot na sana ako nang biglang dumating si Amang na mukhang hupang-hupa dahil sa pagsasaka at saka ako nagmano sa kaniya. "Anong nangyari?" "Si Fyane, may nakita raw na estranghero sa kagubatan. Naku! E, paano kung sinaktan 'non ang anak natin?" "Ang totoo po niyan ay wala naman pong masamang ginawa sa akin ang estrangherong iyon," sabi ko. Lumapit sa akin si Amang at pinagmasdan akong mabuti, alam kong nag-aalala siya sa akin. "Kahit na, maigi na ang nag-iingat tayo. Kung p'wede lang ay huwag ka na munang magpunta-punta 'ron, anak,” sabi niya. "Pero, amang--" "Tama ang amang mo, mas makabubuti kung dito ka na lang sa bahay. Sa makalawa naman ay magbabakasyon dito ang pinsan mo at hindi ka na maiinip,” ani Inang. Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi nina Amang at Inang, gayunpaman ay ang hindi ko maikubling pag-iisip sa estrangherong lalaking ngayon ko lang nakita. Sa aking sarili ay nakapagdesisyon kaagad ako, na kailangan kong sundin sila Amang pero hindi p’wede ang gusto nila, nakasanayan ko nang magpunta sa lugar na iyon, doon na ako lumaki at isa pa, hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ko iyon nakikita. Pero para sa kaligtasan ko ay kailangan kong sundin sina Amang at Inang. Nakakalungkot lang isipin na sobrang mamimiss ko ang kagubatan. Ang mga puno, ang mga bulaklak, ang preskong hangin at tahimik na lugar. Sa aking pagtanaw sa mga halaman na nasa aming bakuran ay muli kong naalala ang nangyari kanina at ang estrangherong lalaki na nagngangalang, Kyru. Sa unang pagkakataon na nakita ko siya ay hindi takot ang naramdaman ko, kundi pag-asam na muli ko siyang makikita. Pero sino ba talaga siya? Isa ba siyang kaaway o kaibigan? - Ilang ulit ko nang pinagmamasdan ang ilog na nakapaligid sa bakuran ng bahay namin, sadyang naiinip na ako rito sa bahay. Nami-miss ko na ang sariwang hangin na dulot ng kagubatan, dahil tanging si Mikee lang ang nakakausap ko. Ilang araw na magmula nang huli akong nakapunta sa kagubatan. Ngingiti-ngiti kong pinagmamasdan ang kabuuan ng ilog, maging ang ilan-ilang mga puno na nakapalibot doon. Kahit kailan ay hindi ko ipagpapalit ang ganda ng tanawin dito sa Floresca, pero kahit ganoon ay hindi ko pa rin maiwasang isipin kung anong klaseng buhay kaya ang mayroon sa Maynila. Nasa ganoong sitwasyon ako nang may marinig na naman akong kaluskos, kasabay ang malakas na simoy ng hangin kung kaya't halos kilabutan ako. Batid kong may ibang tao pa rito bukod sa akin. At muntikan na akong mapatili sa gulat nang makita ko siyang muli-- ang lalaking estranghero. "H-hi," uutal-utal na sabi ko. Baka isipin niya kasi na hindi ko tinatanggap ang presensya niya. "Dito ka pala nakatira?" tanong niya pero imbes na sagutin siya ay tumingin-tingin ako sa paligid at hinila siya sa likuran ng hardinan namin. Dahil mahirap na kapag nakita pa siya nila Amang. "Anong ginagawa mo rito? Alam mo naman na hindi ako p'wedeng makipag-usap sa kahit na sino," walang emosyong sabi ko. "Masama bang kumustahin ka?" Sandali akong napalingon sa kaniya. "Hindi na kasi kita nakikitang nagpupunta--" Tinakpan ko ang bibig niya kung kaya't natigilan siya sa pagsasalita. "Ah ano kasi.. ahmm.." Saglit ko ulit siyang tiningnan kaya nasilayan ko ang maganda niyang ngiti pero agad din iyong nawala. "Ayaw mo akong makita," wala sa sariling aniya dahilan para mapayuko ako. "P-pasensya na." Nahihiya ako sa kaniya, hindi dahil hindi ko inaasahan ang presensya niya kundi dahil ipinaparamdam ko sa kaniya na ayaw ko siyang makilala. "Pasensya na rin binibini. Gusto ko lang naman makipagkaibigan sa'yo. Pero huwag kang mag-alala, kung iyan ang kagustuhan mo, hindi mo na ako makikita pa." Tatalikod na sana siya nang pigilan ko siya, "Sandali!" Napatigil naman siya subalit hindi siya lumingon pero batid kong makikinig siya sa sasabihin ko. "Kung kaibigan lang din naman pala ay okay lang sa akin," nakangiting sabi ko. At doon niya ako hinarap muli pero kataka-takang wala kang emosyong makikita. "Kyru," matipid niyang pagpapakilala. "Fyane Vergara," pagpapakilala ko rin at saka binigyan siya ng isang matipid na ngiti bago niya ako tuluyang talikuran. Kapansin-pansin din ang pagbabago ng timpla ng mukha niya nang marinig ang buong pangalan ko. At dahil sa kuryosidad ay nagawa ko pang tanungin kung sino ba talaga siya, tutal naman ay magkaibigan na kami. "Saan ka nga ba talaga nanggaling at ganiyan ang iyong kasuotan?" tanong ko na tanging ngiti lang ang nakuha kong sagot. Sadyang napaka-misteryoso ng pagkatao niya at labis ko iyong ikinakabahala. At mula sa bakuran ng hardin ay pinagsalubong ko ang dalawang braso habang mataman siyang tinititigan. Hindi ito ang unang beses na napagmasdan ko ang mukha niya pero ngayon ko lang napansin ang ganda ng kaniyang mukha. Mapupula ang maninipis niyang labi at ang pagkahaba ng kaniyang buhok ay sadyang bumagay lang sa itsura niya. Ang makakapal niyang kilay na kaakit-akit pagmasdan. Subalit napahinto ako nang makita ang bahid ng peklat mula sa kaniyang noo nang sandaling hawiin niya ang kaniyang buhok na tumatakip doon. "Sino ka nga ba? At bakit ngayon lang kita nakita?" Napabuntong-hininga siya sa itinanong ko. Doo'y naupo siya sa maliit na bato at napasunod naman ako. "Sa totoo lang ay wala akong matandaan. Hindi ko nga alam kung bakit ako napadpad dito at kung nasaan ba ang aking tahanan. Pero, hindi mo rin naman kailangan malaman pa kung saan nga ba ako nanggaling. Ang mahalaga naman ay kung anong nakikita mo ngayon," kaswal niyang sagot. Hindi ko alam kung paano tutugon sa sinabi niya, hindi ko alam kung katanggap-tanggap na 'yong dahilan para tuluyan ko siyang pagkatiwalaan pero nakikita ko naman na isa siyang mabuting tao. Bakit ba kasi naitanong ko pa 'yon? "Pero ano nga bang nakikita ko ngayon sa'yo bukod sa suot mong mukhang mandirigma?" pagtataka kong tanong. Hindi ko kasi alam kung ano bang paniniwala o tradisyon ang nakasayan niya para magpakita siya sa akin na ganoon ang anyo. Hindi ko inaasahan ang isinagot niya,"Na nakikita mo ang isang magandang lalaki na tulad ko." Namilog ang mata ko sa pagiging mayabang niya. Sabi ko na nga ba at magagawa niyang panindigan ang sakit ng mga lalaki, e, napanuod ko na sa mga teatro 'yan, e. Napahagikgik siya sa naging reaksyon ko at ilang saglit pa ay hindi pa siya tumigil sa ka-preskuhan, "Sige na nga at dahil ayaw mo naman maniwala, sige na, gwapo na lang." "E, pareho lang kaya 'yon!" pagtatama ko sa kaniya. Mas lalo siyang natawa kaya hindi namin namalayan na nagdulot na kami ng ingay. At nagulantang ako nang marinig ang boses ni Inang. "Fyane! May kausap ka ba riyan?" "Si Inang, kailangan mo nang umalis, k-kaibigan.." "P'wede bang Kyru na lang?" "O', siya sige, mag-ingat ka, Kyru," sabi ko. At ginawaran niya naman ako ng isang matamis na ngiti habang mabilis naman siyang nakaalis. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang epekto ng presensya niya sa akin. Nagkita kaming muli na buong akala ko ay katatakutan ko siya ulit ngunit hindi ko inaasahan na mapapagaan niyon ang pakiramdam ko. Nadatnan ako ni Inang na kunwari ay nagwawalis ng bakuran. "Parang may narinig akong kausap mo kanina, may naghahanap ba sa akin?" "Ah! Inang, baka po may naririnig lang po kayo na hindi ko naririnig? Wala naman po akong kausap kanina, e, busy kaya akong magwalis dito," pagpapalusot pa niya na naging sapat namang sagot para kay Aleng Yolanda. Kakatwang isipin kung gaano ko nagagawang magsinungaling sa aking ina nang dahil lang kay Kyru na hindi ko inaasahang magiging kaibigan ko. Sa loob kasi ng halos dalawang buwan matapos kong maka-graduate ng high school ay ngayon lang ulit ako nakipag-usap sa isang tao maliban na lang kina Amang at Inang. Hanggang sa bago ako matulog ay laman pa rin iyon ng isip ko, kung paano niya ako tiningnan kanina. At hanggang sa pagpikit ng aking mata ay may matindi pa rin akong kuryosidad sa sarili na sadyang gumugulo sa isipan ko. Mga katagang nagbibigay ng dahilan para mas kilala nin ko pa siya. Pero sino nga ba talaga siya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook