bc

I tried to rewrite the stars.

book_age4+
0
FOLLOW
1K
READ
twisted
like
intro-logo
Blurb

Gustong bumalik ni Zen sa nakaraan upang pigilan ang pangyayari na sumira sa kanyang buhay.

Makakaya nya bang baguhin ang tadhana,o mas lalo lang itong magiging magulo?

A/n:I wrote this when i was just in First year high school, kaya kung maka encounter kayo ng loop holes typos, bare with me..

chap-preview
Free preview
Oneshot story
Teka nasan ako? Nasan si zycon? Anak? Anak!? Lumingon ako sa paligid.. Teka ito ang tambayan namin ni zyrill hindi ba.. papano ako napunta dito Bakit nawala ang bahay bakit puro damuhan nalang.. "Zen mabuti at dumating ka tara nag dala ako ng pag kaing gusto mo" "Zyrill.... Bumalik ka.? " "Syempre naman bumalik ako zen, hindi naman ako umalis ano ka ba.. tara dating gawi" Bakit parang bumalik ako sa nakaraan anong nangyayari Tinignan ko ang kabuuan ko Highschool uniform.. Ibig sabihin bumalik talaga ako sa nakaraan! "Zyrill! Zyrill!? Anong taon ngayon? " Aligaga kong tanong.. "2003 bakit? " 2003!? Papaanong? Nanggaling ako 15 na taon mula sa kasalukuyan Anong ginagawa ko rito? "Ano ka ba naman zen ,bakit parang aligaga ka, tara na at kumain na tayo" "Si.. Sige" "Oh kainin mo" Sabay abot nya sakin ng isang tinapay, hindi ito pangkaraniwan na tinapay ito ay ang paborito ko..Na sya lamang ang nakaka pag bigay sakin Hindi ko na napigilan at naluha ako.. "Zyrill!! Ang tagal kong nag hintay sayo bakit hindi ka na bumalik!! " Humahagulgol kong sabi sa kanya Kumagat ako sa tinapay para malasahan uli ito ngunit hindi ko napigilang maiyak! "Zen zen bakit ka umiiyak huy bakit" Lumapit sya sakin kaya yinakap ko na sya kaagad "Wag mo na akong iwanan zy" Tumawa sya "Ano ka ba zen hinding hindi kita iiwan" Parang sinabi nya na yun? "Hmm" "Zen hindi bat sabi ko sayo na papatayuan pa natin ng bahay yang malaking lupain na yan? " "Oo" "Pwes hindi ako aalis hanggat hindi ko natutupad iyon" Nakangiting aniya.. Hapon na ng makauwi kami ni zy Habang naliligo ay iniisip ko kung bakit ako naka balik dito hindi ko talaga alam Biglang pumasok sa isip ko si zycon.. Kamusta na kaya sya.. Tumayo ako at tinignan ang sarili ko sa salamin. Ngunit pag tingin ko rito ay hindi ko makita ang sarili ko.. Pero ang nakikita ko ay ang matandang ako sa hinaharap! Ngumiti sya sakin .. "Zen, pagod na pagod na ako"malungkot nyang aniya "A.. Alam ko" nakangiti ngunit malungkot kong sabi. "Kailangan mong itama ang laht kailangan mong pigilan ang tadhana kailangan mo itong baluktutin" Dugtong nya. "Bakit ko gagawin yun? " nagtatakang tanong ko. "Kung pipigilan mo ang pag alis ni zy ay hindi mangyayari ito sa atin " makahulugan nyang sabi "Anong kailangan kong gawin? "nalilitong tanong ko. "Pigilan mo si zy! " "Zen anak nandyan ka ba!? " "Papasok na ako ha hindi ka sumasagot nagaalala ako" "Nay ayos lang po ako! " Kinabukasan ay pumunta uli kami ni zy sa lupain na pinapangarap namin.. "Zen alam mo pag naka tapos na ako ng high school gusto kong mangibang bansa" malayong tingin nyang sabi. "HINDI! hindi ka pwedeng umalis! " Pasigaw na sabi ko,nagulat naman sya.. "Zen naman haha, masyado ka namang seryoso" natatawa nyang sabi. "Seryoso kasing bagay yun zy" seryoso kong aniya. "Oo naman ikakasal pa tayo eh tara nga dito yayakapin kita " pangsusuyo nya sakin. "Heh" tanggi ko. Lumipas ang mga araw buwan at taon Graduation nanamin Matutupad na ang pangarap namin! Pero Malapit na syang umalis... Lumipas ang mga araw "Zen naniniwala ka ba sa tadhana? " tanong nya. "Hindi" agad kong sagot. "Bakit naman " nagtatakang tanong nya. Dati naniniwala ako pero ngayon ay hindi na. "Hindi ako naniniwala" pinal na sabi ko. "Akala ko pa naman ay sasabihin mo sakin na ang tadhana ay ang mga bituin " Nagulat ako nang sabihin nya yun. "Tayo lang ang gumagawa ng sarili nating tadhan zy. Kaya kung ayaw mong magulo ang lahat wag na wag kang aalis" malungkot ang ngiti ko. Ngayong araw ay panay ang banggit ni zy tungkol sa pang iibang bansa "Napag usapan nanatin ito hindi ba! " Pasigaw na sabi ko. "Pero zen naman para satin rin to" nawawalan na pag-asa nyang sabi. "Walang pero pero dahil dyan sa pag alis mo nasira ang buhay ko! " Natigilan ako "Z-zen? " "Kalimutan mo na basta walang aalis" pagtatapos ko sa usapan.. Lumipas ang mga araw at hindi kami nakakapag usap ni zy.. Ewan ko ba Pero mabuti na rin yung para may oras ako makapag isip.. Zycon... Kung isasaayos ko ang lahat Papano si zycon! Paano ang anak namin Tumngin ako sa kalendaryo 16! Sa 18 ang dapat na alis ni zy Kung hindi dapat aalis si zy ay walang despedida kung walang despedida walang inuman Kung walang inuman walang malalasing Kung walang malalasing walang zycon! ---- "Inom pa zy! " "Ano ba naman ang naisipan mo zen at bigla kang nakaisip na uminom, pagkatapos mo akong hindi kausapin ng ilang araw mag wawalwal ka ngayon! " "Basta kailangan mong malashing hihi" "Tigilan mo na nga, nay iuuwi ko na po si zen" "Sige sige nandito ang kwarto ni zen pakihatid nalang sya" Sa sobrang kalasingan ko kagabi ay yan lang ang naalala ko Tinannong ko si zy kung may nangyari ba pero wala namna daw Ano ba naman Tumayo ako at humarap uli sa salamin "Zen kung nandyan ka man sa salamin hindi ko gagawin.. " Kinabukasan "Zy bilisan mo kailangan mong umabot sa agency bilisan mo" "Akala ko ba zen hindi ako pwedeng umalis bakit mo pinagpipilitan ngayon? " "Basta bilisan mo para sa future toh" Pag ka alis nya ay nag antay ako sa bahay sumasakit ang ulo ko dahil sa nainom ko kagabi .. Magiging masaya kaya ako pag balik ko sa future? Sana nga "Oh zy bakit ganyan ang mukha mo? " "Zen hindi ako natanggap.. " Bakit ganto? Ako na ang gumagawa ng paraan para umalis sya pero bakit ang hirap naman pasunurin ng tadhana "Zy ayos lang kung hindi ka natanggap sa trabahong pinapasukan mo" May susunod pa naman Ngayong araw ay ang despidida ...ko Ako ang aalis Pupunta ako palengke ..heheheh Despedida ngayon ni zy At finally nung nagapply sya nung isang araw .. Ay natanggap sya!! Good news ba o bad news? Basta para kay zycon Depedida means inuman Inuman means lasingan Lasingan means? Charan Welcome future --- "Ikakasal tayo ha" "Oo naman balang araw ,nakikita mo ba yang lupain na yan" Sabi nya habang naka turo sa malaking ektarya na lupain "Eh ano namang meron dyan? " Tanong ko sabay lingon sakanya" "Dyan... Dyan ko ipapatayo ang magiging bahay natin.. " Sagot nya naman na ikinatahimik ko "Hmmm.. Talaga? " ---- "Graduate na tayoo congrats!! " "Unti unti nanating natutupad ang pangarap natin zen.. " "Balang araw mapapatayo nanatin ang bahay na sinasabi ko HAHAHAHAH" "Balang araw, hintayin mo lang " "Oo naman" "Maghihintay ako" ----- "Zen naniniwala ka ba sa tadhana? " ayan nanaman? "Oo naman bakit mo natanong? " "Pwede mo ba akong kuwentuhan tungkol sa tadhana? " "Sus ayos lang kung hindi ka natanggap sa mga trabahong inapplyan mo ano ka ba" "Hindi naman tungkol dun, bilis na kuwentuhan mo na ako" "Okay okay, ang sabi ng lola ko ang tadhana raw ay naka sulat sa mga bituin sa langit" "Hmm tapos? " "Kung paano ang pag aayos at pagkakasulat ng bituin at ng tadhana mo, hindi mo na mababago yun" "Hindi totoo yan" "Ewan ko pero hindi naman masama maniwala. " Kibit balikat kong sabi sa kanya "Balang araw babaguhin ko ang tadhana natin, iaahon kita sa hirap pangako" "Pero pano kung hindi iyon ang naka tadhana? Baka masira lang ang lahat.. " "Pangako hindi ko sisirain ang lahat " ----- "Sigurado kabang tutuloy ka sa ibang bansa?" "Zen naman napagusapan na natin roh hindi ba? " "Oo nga pero... May sasabihin kasi ako" Toooo!! Tooo!!! (Tunog ng barko) "Tawagan mo nalang ako nandyan na yung barko" "Pero-" "Sige na aalis na ako tawag ka nalang" "Pero.... Hindi ko makikita ang reaksyon ko pag sinabi ko sayo sa telepono" Pabulong na pabulong kong sabi Dahil nakikita kong naka sakay na sya "Baby... " Zycon ----- "Ano ba naman kase yang asawa mo! " "Nay.. " "Ay hindi papala kayo kasal! Dahil tatanga tanga ka nagpabuntis ka sa hindi mo asawa ngayon ilang buwan na... Hindi ka parin tinatawagan!! " "Ilang buwan palang naman nay tatawag rin yun" "Parang narinig ko na yan! Nung isang araw nung isang linggo nung nakaraang buwan jusmiyo zen hindi ka na babalikan nun gumising ka nga!! " "Nay.. " ---- "Zycon dito ka muna may tatawagan lang ako" Iniwan ko sya sa upuan na katabi ko lamang at nag dial ng numero Mahigit dalawang taon na pero patuloy ko parin syang kinokontak Ilang beses ko itong dinial tyaka ako tumigil "Anak hindi parin sumasagot ang papa mo, ano kayang reaksyon nya kapag nalaman nyang merong ikaw? " Tinignan ko sya at ang cute cute nya talaga Natural baby "Tara na" aya ko sabay abot ng kamay ko sa kanya. _-------- "Nay mano po,oh ano nanamang ginagawa mo rito ben hindi bat nilinaw ko na sayo ang lahat" napapagod na sabi ko. "Hoy zen tigil tgilan mo yang pag mamatigas mo mabuti ngat nag titiyaga pa sayo si ben kahit may anak ka na.. Wag kang pakipot! " galit na sigaw ni Inay. "Pero nay naman kaya kong buhayin si zycon magisa " nagmamatigas na sabi ko. "Talaga lang kaya pala halos hindi ka na maka tulog sa gabi maka pag trabaho lang! " hindi ako umimik. "Anak naman" Huminahon sya "Iniisip ko lamang ang kapakanan mo wala ka ng pahinga tignan mo yang mukha mo at yang pangangatawan mo, daig mo pa ako sa pag ka losyang" Grabeh naman si nanay kinumpara pa ako sa kanya:> "Pag iisipan ko po, mauna na ho ako patutulugin ko muna si zycon at may pasok pa ako" Tunay ngang binago mo ang mga bituin.. Binago mo ang tadhana natin Kinabukasan Pupunta ako ngayon sa isang photoshoot ng isang ikakasal.. At kinuha ako dun bilang isang taga linis.. Matagal ko na tong ginagawa pero ngayon para bang kinakabahan ako. Agad akong nag bihis at iniwan si zycon kay nanay Ganun lagi ang scenario ng umaga ko Walang kain kain ay dumideretso na agad ako sa trabaho.. "Nay alis na ho ako, ikaw na ho ang bahala kay zycon ha" Pumara ako ng tricycle at agad na sumakay "Manong dyan nalang po,sa may pulang gate yan yan... hoppyaaa salamat manong oh bayad ko" Ting! **ting!**(doorbells ring) Iniisip ko kung ganito rin bang kalaking bahay ang maipapatayo namin kung bumalik lang sya.. Tumingin ako sa kabilang bahaging lote kung saan dun kami dati rati ..nag iimagine ng mga bagay Nagulat ako ng may nakita akong bahay .. Tinayuan na pala nila yan? Sayang naman .. "Ale ano pong kailangan nyo? " Ale? Ako? Lumingon ako at nakita ko ang isang katulong sa tapat ng gate Nag doorbell na pala ako "Ako po yung hinire na taga linis? " "Ahh pumunta nalang po kayo roon sa bahay na iyon" Napalingon ako kung saan ang tinuturo nyang bahay pero naka turo iyon sa bahay na tinitignan ko kanina lamang "Ate si sir jacob po pala? " "Nandun na si sir sabi nya ay dun nalng daw gagawin ang photoshoot para may basbas daw" "Ahhh... " Tatango tango kong sabi kahit di ko naintindihan yubg ibang sinabi nya.. Habang naglalakad papalapit sa bahay ay inililibot ko ang oaningin ko sa paligid.. Ito nga yung lugar na pinangarap naming patayuan ng bahay . Bakit ka ba kasi umalis yan tuloy naunahan tayo Babalik ka pa ba? Sabihin mo lang kung hindi papalayain na kita.. Ding!! Dong!! ***(doorbell) Napaka ganda ng bahay parang iyong plinano namin dati Napaka pulido maski ang maliit na hardin s labas ay ultimo walang dumi Hindi ako mahihirapan maglinis "Yes whos that? " Biglang bumilis ang t***k ng puso ko simuka nung marinig ko ang boses na iyon. Tila tumigil ang mundo at tanging saamin lamang umiikot ang oras Pero unti unti akong lumilingon At kasabay nun ay ang pagbalik ng lahat sa dati Akala ko sya na "Good morning sir " "Ikaw ba yung utility staff? " "Yes sir yes" "Pasok, pakiiwan ang slippers mo dyan sa labas may bukod na tsinelas rito" "Ah okay po" Agad kong sinunod ang sabi nya pero napahinto ako ng pumasok ang nga plano namin dati.. Ang sabi namin ay hindi pwedeng maka pasok ng marumingg tisnelas sa loob ng bahay dahil may libreng tsinelas sa loob.. Bakit ganito Bakit nauulit ang lahat Bakit bakit Zyrill? Ikakasal ka na pala sa iba =========== "Zycon ang laki laki mo na talaga" "Mama naman dati mo pa sinasabi yan kahit nung elementary pa ako" Lumipas ang dekada at hindi ko pinagsisihan na hindi na baguhin ang tadhana Mas pinili ko si zycon kaysa makasama si zyrill.. Ngayon ay naiahon ako sa hirap ni zycon.. Ngunit grabe grabe ang taguyod na ginawa ko sa kanya para lang makapagtapos.. Lahat ng mga pangarap namin ni zyril sya na ang tumutupad . Kaya hindi ako nag sisising pinili ko sya. Sina zyril ay nalubog sa utang dahil nagkasakit ang napangasawa nya.. Binili namin ang lupa at bahay na pinangarap namin dati.. At alam nya na na merong zycon. Masaya ako para sa kanila dahil magkasundo sila. Sinubukan kong ayusin ang tadhana pero pinahirapan lang ako nito.. Sadya ngang mas madaling pagmasdan ang tadhana mo sa mga bituin kesa ang baguhin ito

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
240.1K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

Rewrite The Stars

read
95.3K
bc

WHAT IF IT'S ME

read
67.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook