CHAPTER 1
PROLOGUE
Sinaktan ng kaibigan ni Elaiza si Ricardo at ipinagpalit sa ibang lalaki kaya sa panahon ng pasakit ng binata ay nasa tabi siya nito. Mahal niya kasi ang kasintahan ng kaibigang si Melanie. Hindi kasi nangarap si Melanie ng isang mahirap na lalaki kaya nagawa nitong ipinagpalit si Ricardo sa iba.
Hangga't sinalo naman ni Elaiza ang kasintahan ng kaibigan at naging sila nito. Pinakasalan siya ni Ricardo at nagsama sila nito, hanggang dumating ang time na natagpuan si Ricardo sa tunay nitong ama, isa palang mayaman ang tunay na angkang pinanggalingan ni Ricardo at ito pala ang nag- iisang Heredero sa buong angkang Saavedra. Ang asawang si Ricardo ang nanamahala sa malaking hacienda ng ama nitong secret trillionaire.
Nakaramdam ng pagkatakot si Elaiza dahil sa biglang pagbabago ng buhay at pagkatao ng lalaking kanyang iniibig at pinakasalan. At hindi nga siya nagkamali, biglang bumalik si Melanie sa buhay nito, ang kanyang matalik na kaibigan na mahal na mahal ng kanyang asawang si Ricardo. Labis siyang nasaktan nang isang raw ay nalaman nalang niyang nagkabalikan ang mga ito at lihim palang ibinahay ng kanyang asawa ang kaibigan. Durog na durog ang puso ni Elaiza dahil sa nangyayaring panloloko sa kanya ng asawa kaya't nakapagdesisyon siyang lumayo. Para siyang nabaliw at palakad-lakad nalang sa kalye dahil sa matinding kabiguan hangga't nabundol siya ng isang sasakyan at iyon na ang huling natandaan ni Elaiza na nangyari sa kanya.
Huli na rin ang pagsisisi ni Ricardo nang mawala na sa kanya ang asawang niloko lang niya dahil narealized niyang si Elaiza na pala ang kanyang iniibig at hindi na si Melanie. Ginawa niya ang lahat upang mahanap ang kanyang naglayas at nawawalang asawa, ginamit niya ang kanyang pera upang muli itong matagpuan ngunit umabot nalang ng dalawang taon ang kanyang pagpapahanap sa asawa ay di na niya ito nakita.
At isang araw ay isang babaeng nagngangalang Aurora ang dumating sa Hacienda nila. Ito'y asawa ng kanyang Step brother na si Paulo na may lihim na inggit kay Ricardo. Magandang babae si Aurora at palakaibigan. Parang nahihiwagaan naman si Ricardo sa pagkatao ni Aurora dahil lahat ng mannerism at kilos nito ay walang ipinagkaiba sa kanyang nawawalang asawang si Elaiza. Ano ang koneksyon ni Elaiza sa pagkatao ni Aurora?
CHAPTER 1
Pagkatapos maikasal si Ricardo kay Elaiza ay kapwa sila maligaya. Mahal na rin Kasi ni Ricardo si Elaiza, ito ang kanyang kasama sa lahat ng kalungkutan niya nang iniwan siya ng kasintahang si Melanie na kaibigan naman ng kanyang asawang si Elaiza ngayon. Sumama ito sa isang mayaman na lalaking may edad. Paano kasi, mahirap lang siya at walang maipagmamalaki, tanging hitsura lang ang Kaya niyang ipagmalaki. Construction worker lang ang kanyang trabaho pero ni hindi niya iyun ikinahiya dahil marangal naman iyon na trabaho. Hindi tulad ng iba na marami ngang Pera ngunit nanggaling naman sa mga masasamang trabaho. At ngayong may asawa na siya ay pagbutihin pa niya Ang paghahanap-buhay gamit ang kanyang lakas at pawis. Nakatira muna sila sa isang maliit na bahay sa ngayon. Bahay iyon ng pinsan nito na pinatira muna sila dahil nasa siyudad ang nga ito ngayon nanirahan pansamantala at pagsisikapan niyang makaipon upang makapagpatayo sila ng sariling bahay.
Masyado pang fresh ang lahat na ginawang pagpapasakit sa kanya ni Melanie. 2 years niya itong kasintahan at basta nalang siya iniwan nito dahil lang sa pera. Alam niyang di pa siya agad makamove-on kay Melanie, pero salamat naman at nandito si Elaiza na minahal siya ng sobra. Minahal na rin niya ito pero mahirap parin na kalimutan si Melanie.
"Mahal, nakapagluto na ako ng almusal natin, halika na, maaga ka pa sa trabaho mo diba?" Tanong pa ng asawang si Elaiza sa kanya.
" Oo, mahal." Aniya rito.
Magandang babae din naman ang asawa at napaka sweet nito sa kanya. Mapag-alaga at palangiti.
" Alam mo mahal, na e-excite akong isipin kung magkaanak na tayo.." Sabi pa nito habang napayakap sa sarili at tila kinikilig.
Ganito ang madalas gawin at nakasanayan nitong kilos kung ito'y matutuwa, niyayakap nito ang sarili at kinikilig. At nagugustohan naman niya ang mga habit nitong iyon dahil mas lalo itong gumanda at naging cute sa kanyang paningin.
"Wala pa ba? dalawang buwan na tayong nagsama, Wala pa bang nabuo?" Nakangiti niyang tanong rito at inakbayan ito papuntang kusina.
" Wala pa eh, baka kulang pa ang ginawa mo.." Sabi naman nitong natatawa.
At natawa naman siya sa sinabi nito.
Masaya si Elaiza sa piling ni Ricardo. Bahala na't mahirap lang sila basta kasama lang niya ang lalaking minahal niya mula pa noon. Matalik naman niyang kaibigan si Melanie at naiinggit pa siya noon sa kaibigan sa tuwing makikita niyang masayang nagsasama ang mga ito noon dahil lihim niyang minahal noon pa si Ricardo. Kaya nang iniwan ito at ipinagpalit ng kaibigan sa ibang lalaki ay siya ang dumamay kay Ricardo sa kalungkutan nito. Hangga't sa napansin ni Ricardo na minahal niya ito at tinugon nito ang kanyang pagmamahal. May nangyari sa kanila isang gabi kaya pinakasalan naman siya agad ni Ricardo sa isang simpleng kasal lamang. Wala ng Ina si Ricardo at hindi rin nito kilala ang tunay na ama. Walang nabanggit rito ang yumaong Ina nito kung sino ang tunay na ama ni Ricardo.
Ngunit isang araw ay habang nagwawalis si Elaiza sa kanilang bakuran ay biglang dumating ang dalawang taong hindi niya kilala. Natakot tuloy siya bala kung sino ang mga taong ito.
" Magandang araw po, Neneng, ito ba ang bahay ni Ricardo Pardillo? Ang anak ng nagngangalang Rowena Pardillo?" Tanong ng taong nakaporma at halatang may Pera.
Nakita pa ni Elaiza ang magandang sasakyang pinarking ng mga ito sa may di kalayuan ng tinitirahang bahay nila ng asawang si Ricardo.
" Ma- magandang araw din po, bakit po? a-asawa niya po ako, Sir.." Sagot ni Elaiza.
" Ahh, may asawa na pala si Ricardo. Nandito ako upang sunduin siya, nagbalik na ang kanyang ama mula sa America at hinahanap siya nito. Mabuti nalang at di kami nahirapan agad sa pagtunton sa Lugar ni Rowena Pardillo ang babaeng nabuntis dati ni Don Manuel Saavedra." Sagot ng lalaki na ikinagulat at ikinapanlaki naman ng mga mata ni Elaiza .
" Ano po!?" Gulat niyang sambit.
" Yes, ipinahanap ang Asawa mo ng tunay nitong ama dahil may edad na ito at hindi ito nagkaroon ng anak sa asawa nito ngayon. Kaya siya ang nag-iisang HEREDERO ng ama nitong secret Trillionaire." Nakangiting tugon ng tao.
Parang na shocked si Elaiza sa narinig mula sa lalaking kausap. Napatingin pa ito sa Bahay nilang tinirhan ni Ricardo at napapailing.
" Sobrang yaman ng ama ng iyong asawa at nakakaawa na makikitang ganitong klaseng pamumuhay ang kanyang kalagayan ngayon. Samantalang ang anak naman ng asawa ni Don Manuel na si Sir Paulo ay nagpakasawa sa kayamanan ng ama ni Ricardo na hindi nito sariling dugo. Pero ngayon na natagpuan na namin si Seniorito Ricardo ay hindi na uubra ang paghahari-harian ni Sir Paulo dahil narito na ang totoong heredero. Nasaan ngayon si Ricardo?" Mahabang wika at tanong nito sa hulihan.
" W-wala po dito ang asawa ko, tuwing sabado at linggo lang siya nandito sa Bahay dahil nagtatrabaho
Siya sa construction." Tugon naman niya rito.
Hindi alam ni Elaiza kung siya'y matutuwa ba o hindi sa totoong pagkatao ng lalaking iniibig. Natatakot siya na baka maitsapwera siya ng kanyang asawa dahil isa pala itong heredero at sobrang yaman ang tunay nitong ama. Mas lalong napapailing ang lalaki sa narinig mula sa kanya.
" Ako nga pala si Mr. Rafael Guanzon, Isang private invistigator na siyang inutusan ni Don Manuel Saavedra sa paghahanap sa kanyang anak. Kung pwedi ay pupuntahan mo saglit si Ricardo sa kanyang tinatrabahoan dahil maghihintay kami sa kanya." Sabi ni Mr. Rafael Guanzon .
" S-sige po, pupuntahan ko muna ang asawa ko." Sabi ni Elaiza.
___
Nagtataka naman si Ricardo nang biglang dumating sa kanyang tinatrabahoang construction ang asawang si Elaiza.
" Elaiza? bakit nandito ka, mahal?" Tanong pa ni Ricardo sa Asawa.
" Mahal, uuwi muna tayo, importante lang, may mga bisita ka, may mga naghahanap sa'yo at hinihintay ka nila." Ani Elaiza rito.
Nagtaka naman siyang tiningnan nito.
" Pero hindi pwede, sayang ang araw na 'to mahal, nagsisikap ako upang makapag-ipon tayo." Sagot pa ni Ricardo.
" Pero Ricardo, importanteng makauwi ka ngayon agad, may naghahanap sa'yo, ipinahanap ka ng tunay mong ama at Isang private investigator ang nasa bahay ngayon na naghihintay sa'yo. Gusto ka niyang makita at makausap, Isang mayaman ang tunay mong ama, Ricardo." mahinang sabi ni Elaiza upang di sila marinig Ng mga kasama ni Ricardo at di naman niya napigilang napahikbing sa harap ng asawa.
Si Ricardo naman ang nanlaki ang mga mata sa narinig mula sa asawa.
" Ano!? p-pero bakit ka umiiyak, Elaiza?" Gulat na sambit at nagtatakang tanong nito.
" Dahil magiging langit ka para sa akin, natatakot ako na baka mawala ka, Ricardo. Sapat na ako sa simpleng buhay basta kasama lang kita lagi ay wala na akong mahihiling pa." Tuloyang umiiyak na wika ni Elaiza.
" Naku, Ricardo! umuwi kana lang, Ayan , umiyak na tuloy Misis mo!" Natatawang wika pa ng isang kasama ni Ricardo sa trabaho. At pati ang ibang mga kasama ay natatawa na rin sa narinig mula sa Isang kasama nila.
Kinuha ni Ricardo ang kanyang mga gamit at nagpaalam sa mga kasama at inakbayan niya ang umiiyak na Asawa at sabay silang humakbang pauwi.