Kabanata 18 Paunawa: Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga maseselang konteksto, tema at lenggwahe na hindi angkop sa mga mambabasang edad 18-pababa. Read at your own risk. LUCILLE "CUT!" Sigaw ng direktor na hudyat na tapos na ang isang eksena. Kapwa kami naghiwalay ay kanya kanyang kuha ng tubig upang uminom dahil na rin sa pagod. Ganito lagi sa eksena sa set, wala nang hiyaan, parang normal na lang ang lahat. Ngunit dahil baguhan ako ay medyo naninibago ako. "Pwede na?" tanong ni Damon nang makalipas ang ilang sandali. "Wait a minute, we'll just fix the set for the next scene. Are you sure you want to continue or have an hour break first?" Tanong ng direktor habang hawak ang isang papel saka lumapit sa amin. Parang walang kapaguran si Damon, he can do it nonstop and I guess it g