Kabanata 11 Paunawa: Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga maseselang konteksto, tema at lenggwahe na hindi angkop sa mga mambabasang edad 18-pababa. Read at your own risk. EVANGELINE DALAWANG ARAW ang nakalipas, araw ng Huwebes ay maaga akong nagising dahil sa napag-usapan naming dalawa ni Sergio. Ihahatid niya ako sa eskwelahan kung saan ako magpapasa ng aking mga dokumento. Ayon kasi kay Girley, nang makausap ko siya bago kami magpunta ay kailangan ko raw magsumite ng aking mga mahahalagang dokumento dahil ang mismong head daw ng school ang magdadala ng mga ito sa district office upang sa ganoon ay makita nila kung ako nga ba ay qualified o hindi. Ngunit malakas ang aking kumpiyansang makakapasok ako dahil na rin sa aking credentials. Nagbihis ako ng medyo pormal. Naka-pencil cut