Kabanata 16 Paunawa: Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga maseselang konteksto, tema at lenggwahe na hindi angkop sa mga mambabasang edad 18-pababa. Read at your own risk. EVANGELINE PAGKATAPOS kaming tawagin ni Manang Beth para sa pagkain ay napailing na lang ako sa aking pagkakaupo. Nakangiti lang sa akin si Sergio na ngayon ay halatang nabitin rin sa mga nagaganap. Sinabi niya pa sa akin na mamaya na lang muna kami magpapatuloy sa nais kong mangyari dahil napakagipit din talaga ng time namin. Hindi ko na ipinagpalitan gusto ko, imbes ay sumunod na lang din ako sa kanya sa pagbaba sa kusina. HABANG kumakain ay mayroong tumawa sa kanya at nahinto siya sa pagkain nang dahil doon. "Excuse me, babe. Baka importante iyon," aniya. "It's okay," I replied saka nagpatuloy sa aking pagkai