Simula
UMIKOT-IKOT ang babasaging bote sa gitna ng limang kababaihan na pumapalibot dito. Lahat ay pigil ang hininga habang sinusundan ng tingin ang bote na kasalukuyang nagd-desisyon kung kanino ito tatapat. Samantala, ang isa ay napapikit nang ito'y unti-unting humina sa pag-ikot at tuluyan na nga itong tumigil sa harap ng isa sa kanila.
Walang nagsalita ni isa sa kanila hanggang sa lumiwanag ang buong paligid. Doon, nakita ng lahat kung kanino nakatapat ang bibig ng bote.
Lahat sila ay napatingin dito. "Meos," nakangising sambit ng isa.
"Goodness, si Meos! Yes, safe ako!" Masayang saad naman ng isa sa kanila na animoy nanalo sa isang malaking pustahan.
"Damn, yeah! Get ready, Meos!" Sigaw ng isa pa at tumingin sa babaeng natapatan ng puwetan ng bote. "Think of any difficult dare, Sari. At pagpipilian natin 'yon bukas para maisagawa na ni Meos."
The woman named Sari just nodded and look at Meos whose shoulders are now down. Para itong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa itsura.
"We should rest. Umilaw na ang bombilya natin and it only means one thing," Sari announced and glance at the wall clock behind her. "It's three o' clock in the morning so, let's all sleep Bukas na natin pag-usapan ang lahat, Meos."
Tumayo ito at nagpagpag ng puwet pati na rin ng kamay saka ito umalis. Ganoon din naman ang ginawa ng tatlong babae at ngayon ay si Meos na lamang ang naiwan sa sala ng bahay.
Napasandal siya sa likod ng sofa at sinamaan ng tingin ang bote na nakatapat sa kaniya.
"Pahamak kang hinayupak ka," bulong niya at sinipa ang bote. “Mukhang ako pa ang una nilang pagkakatuwaan. Bakit ba kasi ako pumayag!"
Naiinis na sinabunutan niya ang sariling buhok at pinatay ang kandila na nagsilbi nilang ilaw kanina saka umakyat sa kaniyang silid.