ARIADNE POV
Ains is here, beside me.Bakit kaya hindi ako mapakali? sumulyap naman ako sa braso niyang sinasandalan ko.
Bakit katabi ko siya?!
When did he grow this muscular? matikas na ngayon ang katawan niya hindi katulad dati.Tinapat ko namana ng palad ko sa palad niya. Even his hand is so big-dati halos magkapareho lang kami dati.
Hindi ko lang ba talaga napapansin ang growth niya dahil minsan ko nalang siya makita?"hmmm? testing something?"
"E-ehh!"nilayo ko naman muna ang ulo ko ng magsalita siya.Bukas na dalawang mata niya ngayon at nakatitig pa siya saakin.
"Don't stare!"bigla ko namang takip sa mukha niya pero dahil malapit siya ay nalakasan ko ito at rinig ang tunog ng pag sapak ko sa mukha niya.
"A-aray Aria. Yan ba bungad mo pag kakagising ko lang?"hawak naman niya sa wrist ko."m-masyado ka kasing malapit!"hila ko naman sa wrist ko pero ayaw niya itong bitawan.
"Bakit ka andito sa kwarto ko?"
"Huh? hindi mo ba naalala? grabe naman ibang iba mood kagabi tapos ngayon halos palayasin ako sa kwarto niya."
Kumunot naman ang noo ko."huh? anong sinabi ko kagabi?"
"Okay mukhang na amnesia nga sige kwento ko."
flashback(last night)Ains POV
"Okay then good night Aria."Ani ko at tumayo na upang lumabas.
"U-ummm."hawak ni Aria sa damit ko."bakit Aria?"tingin ko sa kanya as she looks very upset na aalis na ako.
"Ano gusto mong gawin ko?"upo ko muna sa kama niya."s-s-s-"
"Huh?"bakit kaya ganito behavior niya ngayon? so freaking cute!
"S-stay."
Oww Ic."why?"
"A demon witch is gonna come."Her eyes widen nang sabihin yun.Oww may mga nightmares ba siya these days?
"Okay do you want me here?"tap ko sa tabi niya at tumango naman siya."Okay then don't worry I'll be here."ani ko at tumabi na sa kanya.
****end of flashback***
"So you requested for me to stay."ngiti naman niya. Halos mapatakip naman ako sa mukha ko. What is my behavior last night?!!
"pero mukhang epekto din ng may lagnat ka. Buti nalang at humapa."sambit niya at doon ko nalang namalayan na nakahawak pa din siya sa wrist ko.
"Too close."
"Owww ikaw nga lumapit noong natutulog ka kanina."
Ako ba?"diba ito yung unan na ginamit mo pang bakod sa gitna natin? you trespassed in my side first."ngiti naman niya habang proud na hawak ang unan ngang nilagay ko sa gitna namin na kinuha niya sa paanan ko.
"W-well di ko yan sinadya, let go of me Ains."
"What if I don't?"
This kid, when did he become such a jerk?
"Jk lang sorry ."bigla niya ding bitaw sa wrist ko at bumangon na.Anong meron doon? I thought he would kiss me again--again?! wahh nangyare ba talaga yung kagabi? I mean yung hinalikan ko siya, naku kung ano ano na naiisip ko.
Napasampal pa ko sa batok ko upang magising sa katotohanan.
"pft ayos ka lang?"pigil niya ng tawa. Oo pala narito pa siya!
"Ofcourse, I need breakfast so go."iwas ko ng tingin as I seriously said that."ok fine fine."tumayo naman na siya at nagtungo na sa pinto.Nang marinig kong nakaalis na siya ay nagtalukbong muna ako.
W-what just happened?! ako ba talaga lumapit sa kanya?This is insane early in the morning!
"Breakfast is here."
"Ang bilis mo ah."lingon ko naman. Umayos na ko ng posture at naglean sa head board ng kama."well nakahanda na kaya kinuha ko lang."
"Okay then."ani ko nalang at nilapag na niya ang tray sa table ko.Nang mapansin kong akma niya akong susubuan ay umiling ako."Kaya ko ng kumain mag isa at ayos na pakiramdam ko."
"Ahy gannun ba? "he said with a worried face at doon na nga siya nagtawag ng maid upang kumuha ng maliit na table sa harap ko.
"So why the heck are you staring?"pinaningkitan ko siya ng mata dahil di ako makakain ng maayos sa tingin niya."Ang ganda mo palagi."
"O-off."hallos mabilaukan naman ako sa sinabi niya."oh bakit?"lapit niya saakin."oh ito tubig."abot niya kaya agad akong uminom.
"Hehe ayos ka lang?"
"Ikaw kasi kung ano ano sinasabi."sambit ko pagkatapos uminom ng tubig.Tumingin uli ako sa kanya at nakatitig pa din siya sakin.
"Gutom ka na din ba? you can have the sweets."
"No I am fine."He smiled."hindi mo pa sinasagot tanong ko kagabi, who taught you how to braid?"ani ko at sumubo na ng sausage.
"Yun ba? one of my friend in the academy has a little sister--"
"Sinasabi mo bang binebraid niya ang buhok ng kapatid niya?" wala pa kong naririnig na gannun ginagawa ng kuya ah." well, it's hard to explain, hindi rin ako makapaniwala nung una eh."
"What?, tell me."
"He h-has sister complex condition."iwas naman niya ng tingin. Omy does that exist in this world too?
"Seryoso?!"
"D-do you know what that means?"tingin naman niya saakin. Sister complex? "yung obsess sa sister niya diba?"ani ko sabay tumango siya.
"bakit mukhang di ka shock?"
Kung una ko sanang madidiskobre ang ibig sabihin niyan nakaka gulat pero noon pa may mga nakita na akong taong ganyang may mga condition.
"I've seen lot of those."simpleng saad ko naman."really? it really shocked me at first."sabi niya habang halatang gulat nga siya dahil sa expresyon niya.
"Lol hahahah."
"Lol? ano ibig sabihin niyan?"napatigil naman ako sa pagtawa nang tanungin niya yun."hindi mo alam ibig sabihing ng lol? yung lmao?"
"No idea. What's that?"kunot ng noo niya. "hayaan mo na."mukhang hindi alam ng mundong ito mga gannung abbreviation.Mas lalo naman siyang nagtaka." Never mind, here eat some."kuha ko sa toast at tinapat sa bibig niya.
"What the?!"gulat ako nang kagatin niya ito at muntik na ang daliri ko.Binitawan ko na ito habang kagat kagat niya pa din.
Parang wala lang naman niya itong kinain habang nakatingin sa empty wall sa harap namin."saan yung portrait natin?"
"U-um nasa mansion pa hindi pa kasi nalilipat lahat."
"Hmm... Dapat inuuna yung dinadala."lean naman niya sa kama since nakaupo siya sa carpet."well di naman masyado essential yun."
"What?"kunot ng noo ko ng tignan niya ako na parang my mali akong sinabi pero binigyan ko lang siya ng mapagtanong na tingin."Hays, nothing."iling nalang niya.Minsan di ko na maintindihan isip niya eh.
"My pudding dito baka gusto mo din."
"Too sweet, nagbabawas ako ng sugar."
"Heh? arte mo kainin mo ito."ani ko naman. Ewan ko lang naiirita ako pag may nag re-reject sa binibigay ko."Kiding, feed me then."
Sinamaan ko nga siya ng tingin."seriously?"
"Yes-"
"Knock2x"
Tumingin naman kami sa biglang kumatok."come in."
"Sorry for the interruption my dala pa kaming meal para sa duke."ani ng isang maid."oh my pagkain ka pala oh. Bring it in."I ordered.
"Oh bat parang di ka masaya?"tingin ko sa kanya paglabas ng maid."Hindi naman. Cge kain na."sambit niya lang. Pansin ko namang wala siyang pudding, ah! kaya ba siya malungkot dahil ako lang meron?
Ok di naman ako mahilig sa pudding."here."lapag ko sa table niya."oww t-thanks."ngiti nalang niya.Sabi ko na yun lang gusto niya eh bat ba kasi di nilagyan ng mga maid ng pudding sa kanya?
"Duke?"silip naman ng butler sa pinto pagkatapos niya kumatok ng tatlong besses.
"What?"
"My letter kang natanggap mula sa academy."
"Babasahin ko nalang mamaya--"
"Give me."putol ko sa sasabihin niya."Aria mamaya na kain ka muna-"
"Patapos naman na ko, ayos lang."ani ko kaya naman kahit nag aalangan ang butler ay inabot niya pa din saakin at may seal nga ng akademya.
"Omy, exam niyo na pala bukas bakit ka pa pumunta dito?"tingin ko naman sa kanya."Babalik nalang ako bukas."sagot naman niya na parang wala lang.
"Huh? kailangan ngayon na mag byahe ka pa and review. Di ka makafocus sa review pag pagod ka sa byahe."
Bakit ba kasi bukas pa? "but your still adjusting here--"agad na saad niya pero pinatigil ko siya sa pagsasalita.
"So ako ang dahilan? Ayos na ko and di mo naman kailangang pumunta dito dahil lang na homesick ako."medyo pagalit ko ng sabi.
"May nalaman akong remedy sa homesick, mukhang mga bagong bagay mga nasa kwarto mo so bring something personal mula sa mansion like portraits, pillow or things to make you remember the mansion."sambit naman niya. Medyo napawi naman ang galit ko nang sabihin niya yun. Uhh why am I getting angry at this cinnamon roll?
He's just worried. I should be happy right? pero pinapagalitan ko lang siya when I was wishing for him to come see me.
What's wrong with me?! pero nagiging distraction na ko sa pag aaral niya sa akademya at siguradong di siya babalik sa central kahit pilitin ko dahil babantayan niya pa din ako. Kailangan ko mag isip ng paraan mapabalik siya sa capital sa akademya niya upang maka review na din siya.
"Ok gets ko na. May kukunin ako sa mansion so punta na tayo sa capital pagkatapos nito."
"No. Ako na kukuha."iling naman niya saakin. Bat ba ang kulit na niya? Akala ko mag a-agree na siya agad eh.
"hindi g-gusto ko din matulungan ka sa pagre-review since ako dahilan kaya di ka naka review ng maayos."
Napatigil naman siya sa pagnguya at uminom ng tubig."I'll be happy about that but How?"
"I'll get consent to be a guest sa academy mo. Or mag disguise muna ako as student at kausapin ang head master tungkol doon."suggest ko naman."Are you sure? you don't need to do that."
Mahina ko naman siyang pinalo sa braso."choosy ka pa? what am I to you?"turo ko sa sarili ko."my wife." he said without hesitation.Bigla naman akong nafroze sa biglang response niya, bat parang ang init na umaga palang?
"Oh diba? so this is normal."sambit ko nalang sana lang umayon na siya."Okay fine may extra room sa tabi ng dorm ko."parang napilitan pa niyang sabi."why do you look upset tho? don't you want me in your school?"
"H-huh? i-it's not that. I am happy, truly."he smiled.
"Ok it's settled then."sambit ko at tumayo na."Maliligo lang ako so continue ka lang kumain."
"Aria?"
"Yes?"lingon ko naman sa kanya.
"Good morning sunshine."he smiled genuinely."A-ahh good mo-morning."ani ko at agad na nagtungo sa pinto.
Pagbukas ko ay agad ko ding sinara ang pinto.Nadatnan ko naman si Jesha sa pinto na hawak na nga ang robe at towel ko.
"Good job."ani ko habang naglalakad kami papunta sa malaking bathroom.Pagbukas ko kita ko na ang steam na nagmumula sa maiinit na bath tub.Sakto kanina pa ko pinapawisan."good morning Duchess."
"Yes good morning."ani ko at tumingin kay Jesha.
"Nga pala sino nag prepare ng breakfast?"
"Si May po at ang head chef."
"Bakit walang pudding yung kay Duke?"lean ko sa tub habang sinasabunan nila ang buhok ko."nerequest kasi ng duke na walang matamis sa breakfast niya except sa oats and fruits."
"Talaga? bakit daw?"
"Nagbabawas daw po siya sugar, alam niyo naman po strict ang work out nila sa akademya."ani Jesha.Kaya pala, I thought he was just joking around pero may ibig sabihin pala yung kanina pero kinain niya pa din naman binigay ko.
Wala talaga siyang pinagkaiba dati."I see." pwede naman niyang sabihing my specific food sila sa fitness pero nagsinungaling pa siya.
Napasmirk nalang ako habang nakapikit na ene-enjoy ang mainit na tubig.
Why is that jerk so loveable?