"Narito na tayo duchess."sambit ni Lance kaya dumungaw muna ako sa bintana at nakita nga ang mga nayon at sa dulo noon ay kita mo na ang malaking palasyo.Hindi gannun kalawak ang mga bahay katulad sa mga malapit na nayon sa capital dahil malayo palang ay kita mo na ang palasyong nag iisang nakatayo ng mataas.
"Wow ang laki pala talaga."
Pero mukhang abandunado."sila na ba ang magiging susunod na ruler dito?"sambit ng mga tao habang dumadaan ang kalesa namin sa village. So I will reign to this people?
"Tsk, don't expect much from nobles. Their wicked people."
"Shh marinig ka nila."
"Totoo naman. Mamaya kurakutin lang ang maliit na nayon na ito."
Narinig ko naman na eh so what's the point anyway? alam ko namang ganyan ang tingin nila sa mga nobles eh and hindi naman sila mali dahil halos 90% ng nobles ay mapangmataas at kurakot.
Hindi ko naman masasabing nasa 10% ako since I don't really considered myself as kind and all.Karamihan sa kanila ay nagtatago sa mga bahay nila nang dumadaan ang mga kalesa namin.
Hindi na nakakagulat dahil naturally matatakot sila sa mga nobles.Dahil maaari silang mapalayas gamit lang ang titulo. Iba ngalang ako, I don't really care about ranks at all.
"Welcome duchess, I am Jamie the care taker of this palace. We're glad to see you here."ngiti naman nang isang matandang babae, mga nasa 40's siya.Sa likuran naman niya dalawang lalake, yung isa mukhang teen at yung isa naman bata pa.
"And their my children, they also help in the palace so please let them stay."yuko naman niya.Sa tingin niya siguro papalayasin ko mga anak niya?.Inayos ko naman ang buhok ko at tumingin sa mga anak niya.
"As long as they would work, I don't mind."sambit ko naman."raise your head Mrs. Jamie."
Pag angat niya ng ulo niya ay kita ko ang gulat sa mga mata niya pero ngumiti pa din siya."maraming salamat po duchess."
"Thank you for welcoming me, I want to see the inside of the palace."
"With gladness!"masayang sambit nilang mag iina.
I like the way they look so happy habang nililibot ako sa palasyo.Mukhang matagal na silang naninilbihan dito."dito naman ang corridor ng mga libraries and offices niyo"
Tumingin naman ako sa hallway na medyo creepy dahil na din cguro sa dark aura nito at lanterns ang nakasabit sa gilid na kulay pula.
"Ayos lang po ba kayo duchess?"pag aalala ni Mrs. Jamie pero tumango lang ako at binigyan siya ng malimit na ngiti.
"Pwede ko bang makita ang library at mga office?" balak ko sana check kung ano mas gusto kong gawing office ko at office na din ni Ains."Will do po."ngiti niya at medyo nauna habang hawak ang isang lampara.
Hindi pa naman gabi pero madilim na kasi dito kasi sa parteng ito ay walang mga bintanang pwedeng maging source ng ilaw.
"Bakit wala ng mga bintana dito?"curious na tanong ko."Yung dati po kasing tagapamahala ang nagpasara sa lahat ng bintana dito dati."sagot naman niya.
Hmm? ang weird naman dahil ditong parte lang ang walang bintana."pero may sabi sabi na may isang mythical creature daw dito."biglang lingon niya saakin."A-ahy gannun ba?"
"Ahy natakot ko ba kayo? wag po kayong mag alala antagal ko na po dito pero wala naman po akong nakikita o napapansing kakaiba sa palasyo."she gave me smile saying it's alright.
Well not like nakakita na ako ng mythical creature noong napadpad ako sa mundong ito."Heto na po ang master's chamber."bukas niya sa isang pinto.Bago pa ako makapasok ay may bigla akong narinig na tinig.
"Bakit po?"tingin saakin ni Mrs.Jamie
"Hindi mo ba narinig yun?"tingin ko sa paligid."yung ano po?"takang tanong niya din.Baka tunog lang ng pinto o guniguni ko lang.
Malawak ang master's chamber at walang mga lantern ang ibang corners kaya hindi ko na kita."mahilig daw po sa dim light ang dating tagapamahala pero maari po kayong mag request ng chandelier or mga bintana."ani niya nang mapansing nakatingin ako sa mga madidilim na sulok ng kwarto.
"Can you get more lanterns. I wanna check Yung every corner."
"Yes duchess." bow niya bago umalis.Hindi ko alam bakit napunta lahat ng interest ko sa room na ito kahit hindi ko naman kailangang imbestigahan. This room felt like a whole hall for me.
May bumabagabag saakin na hindi ko maintindihan."a lady."
Agad akong tumingin sa kung saan ako nakarinig ng tinig ng isang lalake."who are you?"ani ko sabay hawak sa dagger ko at maingat na pinagmasdan ang madilim na parte ng kwarto.Agad kong kinuha ang lantern na dala ni Mrs. Jamie nang pumasok kami dito at kahit nag aalangan ay naglakad ako patungo dito.
So hindi ko nga guniguni ang narinig kanina. Meron talagang nagsalita, A voice that seems so deep.
Sobra ang kaba ko habang iniilawan ang dulo pero pader lamang ang nadatnan ko dito.I was sure I heard a man!
I am in deep confusion but I didn't let my guard down."c***k*
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang mabasag ang lampara at wala na akong makita.Crap! this brought me chills down to my spine.
Nakarinig ako ng pag kiskis ng mga bato at bigla nalang nahulog ang kinatatayuan ko pero dahil wala akong makita ay hindi ko din alam saang butas ako nahulog.
"W-what?"nahulog ba talaga ako? Oo ramdam ko kanina yung wala na akong matapakan pero bakit nakatayo pa din ako? na parang hindi ako nahulog?
Malakas na sumindi ang mga kahoy na nakasabit sa mga gilid ng pader sa isang iglap.Agad kong nalabas ang dagger ko sa gulat pero dalawang hallway lamang ang biglang nagpakita sa aking harapan.Para bang dalawang lagusan at nasa gitna ako ngayon nang pag pili kung saan pupunta.
Sa bawat hallway may nakasulat na scroll dito."Only the pure hearted shall pass."ang nakasulat sa left halway.
"Go back to master's chamber"
Oww ayun na. Halos Identical ang hallway pero hindi mo kasi makita kung ano dulo nito."Hmmm this one seems a trap."tingin ko sa right hallway.
Saglit naman akong nalingat at biglang nagyanig ang paligid kaya napahwak ako sa pader upang hindi mawala sa balanse.Parang trap naman kasi kapag makakabalik ako agad sa master's chamber.Nasaan ba kasi ako?
Okay fine I am gonna go left.Malakas na hangin naman ang sumalubong saakin habang naglalakad papasok sa hallway .
Sa hangin may mga narinig akong bosses. It was angelic and it feels like it's pulling me kung ano mang nasa dulo ng hallway na ito.
"Ah!"napaatras ako nang may mga pana ang biglang lumabas sa walls nang maapakan ko.A booby trap?
Tumingin ako sa braso kong nadaplisan at nang makita kong dumudugo ito ay agad kong tinapsan ng isang palad ko upang pahupain pero malakas talaga ang agos nito kaya kinailangan kong bilisan at ingatan mga susunod kong steps upang hindi na mauit yun.
Whatever is these place it's mysterious and creepy.
Agad na akong nagmadali nang matanaw ko ang isang pinto. I need to be treated asap dahil malalim ang sugat."huh?"takang takong ko nang hilain ko ang hawakan ay ayaw nitong bumukas.Tumingin naman ako sa mga naka crave sa pinto.
"To be able to open declare 'I am of a pure heart and a righteous servant' and open the door while repeating the statement and putting your hand at the center of the door."
Dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko na binsa ang iba pang nakasulat.May mga nakuskus kasing words kaya ang hirap basahin, at kung babasahin ko man ay matatagalan ako sa pag analyze.
I need to get out of here now."I am of a pure heart and a righteous servant"lagay ko sa palad ko sa gitna ng pinto at dahil may dugo ito ay napunas din sa pinto.
"I am of a pure heart and a righteous servant"paulit ulit kong saad at doon ko na unti unting hinila ang pinto at nang nahihila ko na ito ay pinagpatuloy ko ang pagsasalita at paghila.
Desperate na makalabas sa lugar na ito.Hoping to see a light I only saw pure darkness which gives me chills I can't move.
"Ohhhh~"muli ko uling napakinggan ang angelic voice na tumatawag saakin kanina.Maybe she'll help me get out.
"Hello?"
"It's really opened!"nagulat ako nang sumigaw siya. Is she a prisoner here?
"After so many decades? centuries?"
I have a bad feeling about this.Something's telling me I should close it kaya agad kong hinila ang pinto at sinubukang isara ulit kahit medyo nanghihina na ang braso ko dahil patuloy pa din ang pagdurugo nito.
"Finally! FINALLY!" what the heck is this?! what is she? alam kong hindi siya tao.
"Blagg!"yung ang hirap hirap kong binuksan kanina ay tila parang telang nahawi.Ramdam ko ang pagkahilo dahil sa tagal nang pag agos ng dugo ko kaya napaupo ako at doon ko nga nasaksihan ang mabilis na lumabas ng pinto.
I was utterly shocked at halos mahiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko nang makita ang isang nilalang na hindi ko maipaliwanag.A demon? witch?
"HIHIHIHI WAHAHAHAH!"the angelic voice turned to an evil laugh that gives me terror." why are you so scared? I won't harm the person who set me free." her distorted face gave me a smile full of spiky teeth. Ahhh!! I have never been so scared in my life.
Biglang nanigas ang katawan ko.I-I have set free a demon witch?What have I done?!
"Black magic-user who losses power and control? I shall grant it back to you."
"A-ahh!!"sigaw ko ng nag extend ang kamay niya upang hawakan ako."shhh~these is a gift."
"N-noo!"bigla namang umiikot ang paningin ko at napahiga na sa malamig na flooring.Muli kong binuksan ang mga mata ko at nanlabo na nga at hanggang sa unti unti nang umitim lahat.
"Duchess? are you alright?"rinig kong bosses ni Mrs.Jamie
Tinaas ko ang ulo ko at kita ko siyang nakatingin saakin."huh? anong nangyare?"tingin ko sa paligid."Nakatulog po kayo sa desk sa loob ng master's chamber."sambit naman niya.
Tumingin naman ako sa braso ko at wala namang kahit anong sugat doon.So isang nightmare lang? para akong nabangungot ah."kanina pa ba?"
"Opo. Pagdating ko nakaidlip kayo sa desk, cguro kasi galing kayo sa byahe kaya pagod lang kayo."
Tumingin naman ako sa paligid at kita kong maliwanag na ang buong kwarto dahil napapaligiran na ng ilaw.So puru books pala yung mga nasa dulo nila.
"Omy ang alikabok pa ng mga shelfs. Lilinisin po namin yan hehe."
Naglakad ako patungo sa pinuntahan ko sa panaginip ko.Hindi siya wall kundi shelfs so panaginip lang nga iyon, nakahinga naman ako ng maluwag at tumingin na kay Mrs. Jamie.
"Okay then let's head to my room magpapahinga na muna ako."
"Yes, Duchess."
*****the next day******
"I call out to all of you please listen."sambit ko naman. Nasa plaza kami ngayon ng nayon na ito."From now on I will be ruling this land as my dukedom, Kaorie Village."
Wala naman silang imik. Mga nasa mahigit isang daan silang lahat sa village na ito.Karamihan din ay mahihirap at mga commoners lang.
Na awkwardan naman ako nang walang nagsasalita."ayos lang sabihin niyo opinions niyo and kung ano man ang problema sa village."
"As if naman papakinggan nila ang opinyon ng isang commoner."sambit nang mga lalake na sa itsura ay mukhang mga tatay na. Di ko nalang ito pinansin mas lalo na mga taong kung makatingin ay hindi naniniwala.
"Drought will be coming soon kaya naman maging handa tayong lahat. May mga hinanda akong special seeds and equipments sa pagtatanim.Kailangan nating mag imbak nang mas madaming pagkain bago ang tag gutom."anunsiyo ko naman. Nagsitinginan naman sila lahat.
"Ibebenta niya ba nang pagkamahal?"
"Please duchess mahirap lang ang nayon na ito di sila makabibili nang mga mamahaling seeds."sambit naman nang isang matanda.
"Tama. Kaya naman ibibigay ko sa bawat pamilya ang naayon nilang gamitin sa pagtatanim.Hindi ko kayo sisingilin nang malaki pero kung gusto niyo pa din magbayad pagkatapos nalang ng parating na tag gutom."
"Narinig niyo yun? ibibigay niya mga seeds."sambit ng mga tao."sa ngayon mas importanteng magtulungan tayo. I know you don't trust nobles pero bibigyan ko pa kayo nang kasulatang hindi ko kayo pagbabayarin hanggat matapos ang tag gutom."taas ko naman sa kamay ko.
"O-Omy. Malaking pagpapala ka sa Kaorie village mahal na duchess."sambit naman nila habang maluha luha pa.
"Nagsisimula palang ako kaya naman di ko pa masusuportahan lahat pero sana pakinggan niyo mga susunod kong sasabihin,"nilibot naman ng mata ko ang lahat at malimit na ngumiti.
"I'll do my best as the new ruler at kaorie village!"
"Wohooo! hail to the warm hearted duchess!"sigaw din nila. Ngayon naman naging masigabo na ang paligid hindi katulad kanina na walang may gustong magsalita.
"May hinanda ang palasyo na pang tanghalian para sa lahat bago niyo kunnin mga seeds niyo, please fill your self up everyone."sambit ko naman sabay ngiti nang karamihan.
"Maraming salamat duchess!"sigaw nila at doon ngay enescort na sila papasok sa hall nang palasyo. Hindi pa gannun na renovate ang palasyo kaya naman pinaplano ko din e-renovate pero wag muna ngayon, ang main priority ko pa ay ang mga nasasakupan ko.
"Ang bait niyo naman."lapit naman nang isang pamilya saakin."don't be too formal sa duchess."harang nang mga guards saakin nang lalapitan nila ako.
"Let them."hawi ko sa kamay ko sa kanila."sorry duchess."
"Paki lead nalang mga tao sa loob upang sabay sabay sila makakain. Leave me here at the entrance."sambit ko nalang at nagbow sila bago ginawa ang pinapagawa ko.
"Hindi man ako makapaniwala pero ikaw lang ang noble na may pakialam sa mga commoners kagaya namin. Malaking tulong ang seeds at mga kagamitan saamin mas lalo na at walang perang pangbili."ani ng tatay.
"Pagpalain ka pa duchess."ani din nang nanay. Nang makita ko mga anak nila ay pansin kong malnourish mga ito. "cge po pasok na kayo at makakain na din."ngiti ko nalang.
Hindi lang naman ako yung noble na ganito, Ains is way kinder than me. At alam kong ito ang kailangan kong gawin upang makuha ko ang loob nang mga tao dito.
"Salamat uli duchess."bow nila bago pumasok.Napatingin naman ako sa mga bahay, naalala ko tuloy mga bahay sa dati kong buhay. Dikit dikit mga ito at gawa ito lahat sa kahoy dahil kaunti lang ang mga sementadong bahay.
Alam kong hindi madali na palaguin ang nayon na ito dahil mahihirap ang mga tao pero kailangan kong gawan nang paraan.
"I'll make this village prosper."
Then, pagbalik ni Ains hindi niya na kailangang mag alala pa.