CHAPTER 11

1552 Words
Selena POV "Ohh! ikaw si Winston Ramirez, tama ba ako?" Tanong ni Dad kay Winston pagkaalis ni Tristan pinaupo muna ni Dad si Winston. Alam kong i-interview-in niya ito.Mabuti na lang magaling sumagot ang mokong na ito. "Yes! Sir! may ilang business din po ang pamilya namin sa bandang luzon Sir." Sagot naman nito sa tanong ni Dad ako naman ay busy lang sa pagkain kanina kasi 'di ako makakain ng maayos dahil lagi nakatingin sa akin ang Tristan na 'yun buti na lang umalis na ito agad. "Ohh! I see, Yes! Iho. Kilala ko ang parents mo once na kami nag-meet so kelan pa kayo ng Unica Iha ko.?" Biglang tanong ni Dad tumingin ako kay Winston 'di ko naisip na baka itanong nito iyon baka magkamali ito ng isasagot kaya ako na ang sumagot agad. "Ah! bago pa lang po kami Da-" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng bigla may humawak sa braso ko at pilit akong hinigit nagulat si Dad at Winston. Pero 'di nila magawang gumalaw dahil may baril ang nakatutok sa mga ulo nila.Napaligiran kami ng mga lalaking naka itim na may mga takip ang mga mukha. "Anong ibig sabihin nito bitiwan niyo ang anak ko!!" Utos ni Dad pero 'di ito pinansin ng lalaking humihigit sa akin. "Kung ayaw mo sumabog ang ulo mo Senador. Huwag ka nang magtatangkang kumilos pa kundi sabog ang bungo mo!!!" Huling narinig kong sabi ng lalaking may hawak ng baril na nakatutok sa ulo ni Dad. "DADDY!! TULUNGAN MO AKO DADD!!!!!!! ANO BA BITIWAN NIYO AKO!!! BITIWAN NIYO SABI AKO EHH!!! DAD!!!!" Sigaw ko kay Dad ng nasa entrace na ako ng restaurant. 'Di magawang kumilos ni Dad, pati na din ng mga taohan nito dahil may mga lalaking naka itim din pala ang nag iintay sa labas ng restaurant. "SELENA! ANAK! MGA HAYOP KAYO! SINO MAY PAKANA NITO? HUWAG ANG ANAK KO!!" Nakita ko pang sumisigaw si Dad pero 'di ko na naring pa kung ano ang sinabi nito dahil kinaladkad na ako ng lalaking may hawak sa akin palapit sa isang Van na itim. Narinig ko ding nagputukan na sa loob ng restaurant kinabahan ako baka kung napaano na si Dad. "Anong ginawa niyo sa Daddy ko! mga hayop kayo!!! bitiwan niyo ako pagbabayaran niyo ang ginawa niyong ito mga hayooppp!!" Nagpupumiglas pa ako pero kahit anong gawin ko pagpupumiglas malakas ang lalaking may hawak sa akin maya maya pa may isa pang lalaki ang lumapit sa amin. "Takpan mo na ang mata niyan utos ni Boss!" Wika ng lalaking lumapit sa amin at maya maya pa nga ay may itim na tela ang inilabas ng isa pang lalaki at inilagay sa mata ko.Tuloy pa rin ang putukang naririnig ko sa loob at nagkakagulo na din ang mga tao. "SAKAY BILIS!!" Itinulak ako nito sa loob ng Itim na Van. at 'di ko na napigilan ang mapaiyak dahil baka tuluyan ng binaril ng mga hayop na 'yun ang Daddy ko. Tinalian na din ng mga hayop na kumidnap sa akin ang dalawang kamay ko kaya halos 'di na ako makagalaw. "Mga hayoop.. kayo! pakawalan niyo ako. Ang sasama niyo!! pakawalan niyo ako!!!" Wika ko sa mga ito pero halos walang naririnig ang mga ito narinig ko pang may tinawagan ang mga ito natinawag nila Boss. Naramdaman kung umandar na ang Van na sinasakyan namin at lumipas ang ilang oras 'di pa rin humihinto ang Van na ito nakaramdam na ako ng antok at pagod dahil na din sa pagwawala at pilit ko tinatanggal ang tali sa kamay ko. Ngunit masyado mahigpit ang pagkakatali nila sa akin tinakpan na din nila ang bibig ko kaya 'di ko na magawang sumigaw pa, hanggang sa napagod na ako at unti unti ko nang nararamdaman ang pagbigat ng aking mga mata. "Ilabas niyo na 'yan! nag iintay na si Boss sa loob." Napapitlag ako ng bigla may bumuhat sa akin at ibinaba ako nito napangiwi pa ako ng maramdamang kumirot ang braso ko dahil sa ngalay. "Bilisan mo lumakad Ms.Baka mainip si Boss malintikan ka pa!" Wika ng lalaking nagaakay sa akin naisip kung baka isa sa mga kaaway o may galit kay Daddy sa pulitika o negosyo ang may kagagawan nito.Dahil mukhang 'di ito basta basta sa nakita ko kanina madami ang taohan nito at boss ang tawag nila dito. "Boss! Andito na po siya!" Wika ng lalaking nagdala sa akin narinig ko ang pag galaw ng upuan at ang yapag na papalapit sa akin. " Your mine now Baby!" Nagulat ako sa narinig ko. Bakit familiar ang boses nito hinawakan nito ang mukha ko at inilapit nito ang bibig sa tenga ko. "Ihanda mo ang sarili mo dahil ikaw ang magbabayad sa mga kahayupan ng Ama mo!" Wika nito na may halong galit ang boses bigla ako nakaramdam ng takot. Anong ibig sabihin nito na ako ang magbabayad sa ginawa ni Dad. Napatanong ako sa isip ko kung ano bang naging atraso ng Ama ko sa taong ito. "Wala bang nakasunod sa inyo dito." Lumayo na ito sa akin ngunit bago ako nito bitawan idiniin pa nito ang pagkakahawak sa mukha ko. "Sinigurado naming wala nakasunod sa amin Boss! malinis ang ginawa namin trabaho pero paniguradong lalabas ito sa media boss." Sagot ng taohan nito sigurado akong hinahanap na ako nila Dad at sana matunton nila agad ako.At sana ay ligtas ito at si Winston na nadamay ko pa. "Sige na! dalhin niyo na ang babaeng 'yan sa magiging kwarto niya at siguradohin niyong 'di 'yan makakatakas." "Masusunod Boss!!" Hinatak na ako palabas ng taohan nito nagpupumiglas pa ako ng maipasok ako nito sa isang kwarto. Tinanggal nito ang takip sa bibig ko at mata tama ako nasa isa akong kwarto maayos naman ang kwarto ngunit may kadiliman ito.Tumingin ako sa lalaking nagdala sa akin pero may takip pa din ang mukha nito. "Ano ba! Ms.kung ako sayo 'di na ako manlalaban pa mapapagod ka lang sa ginagawa mo!" Wika nito habang tinatanggal ang pagkakatali sa kamay ko. "Sino ba kasi kayo? at Sino ang may pakana ng lahat ng ito wala naman ako ginawa masama sa inyo ahhh!" Wika ko dito pagkatanggal ng tali ko ay tinalikuran na ako nito. "Teka! sandali lang!!" Hinabol ko ito ng akmang sasaraduhan na ang pinto. Ngunit naisarado na nito ang pintuan bago pa lang ako makalapit pinihit ko ang doorknob ngunit naka lock na iyon.Hindi na din ako nag abala pang magsisigaw dahil tama ito mapapagod lamang ako mukhang nasa malayong lugar ang pinagdalhan nila sa akin.Iniikot ko ang paningin nakakita ako ng bintana agad akong lumapit doon nagbakasali akong baka bukas iyon. "Bwesiit! sa taas nito baka ikamatay ko pa kung tatalon ako dito ahh!" Wika ko sa aking sarili nasa mataas pala akong lugar at inilibot ko muli ang paningin ko at puro malalaking puno at may dagat akong natanaw sa pinakadulo.Wala din akong ibang bahay na nakikita mukhang nag iisang bahay lang ito napabuntong hininga na lamang ako. "Ms.Selena! Nandito na ang pagkain niyo kumain ka na sabi ni boss." Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga ng may marinig akong boses ng lalaki. Agad akong umayos ng pagkakaupo sa kama. "T-teka! kuya,mamaya ka umalis Sandali!!" Pagkalapag nito ng pagkain ay agad nitong sinaraduhan ang pinto.Napatingin ako sa pagkaing dala nito mukhang masarap iyon.Bigla kumalam ang sikmura ko napatingin ako sa orasan sa loob ng kwarto kaya pala nakaramdam na ako ng gutom dahil nine na nang gabi.Hindi ko pala namalayan na nakatulog ako kakaisip ng paraan kung paano ako makakaalis sa lugar na ito. "Kailangan kong magpalakas. Tama 'di ako kailangan maging mahina.!" Wika ko sa aking sarili kaya naman 'di na ako nag dalawang isip pa kinain ko ang pagkain nasa harapan ko ngayon. --- "Nagbabagang balita anak ng sikat na Senador kinidnap umano ng mga 'di nakilalang mga kalalakihan.At patuloy na inaalam ng pulisya kung sino nga ba ang kumuha sa anak ng sikat na senador at business man ng bansa!" "BWEESSIITTT!! sino ang kumuha sa babaeng 'yun......!" "Ms L.B, ayon sa nasagap namin balita mga lalaking naka itim at naka mask ang kumuha kay Ms.Selena!" Binato ko ng baso ang bobo kung taohan sa sobrang inis at katangahan nito. "Bobo! ka ba huh! alam ko na 'yan wala ka ba ibabalitang iba pa bukod d'yan sa kabobohang sinasabi mo huh!!" Napayuko ang taohan ko at agad din naman tumingin sa akin at lumapit pa ito. "Ms.LB, namataan din po ng ibang taohan natin na nandun sa mismong restaurant na 'yon si Mr.Tristan Ashford. Magkakasama silang nag lunch kasama si Senador." Napahigpit ang hawak ko sa aking baso kung tama ang kutob ko si Tristan ang kumuha kay Selena. "Talagang inunahan mo pa kami Tristan,akala mo ba'y ganu'n lang kadali iyon." Wika ko sa aking sarili kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang taong dahilan kung bakit galit na galit ako sa Babaeng iyon. "Gagawin ko ang lahat para makuha ang babaeng 'yun. Huwag kang mag alala mahal ko! ako na ang bahala dito byeee!!" Tumingin ako sa mga taohan ko na nag aantay ng panibago kung utos. "Sige na! umalis na kayo. sundan niyo ang Tristan Ashford na 'yun at wag na wag niyong hihiwalayan ng paningin ang lalaking 'yun.Alamin niyo kung saan ito nagpupunta!" "Masusunod Ms.LB." "Sige na! UMALIS NA KAYO! BILIS!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD