CHAPTER 14

1560 Words
Selena POV "Masasanay ka din Selena,at ito ang tandaan mo akin ka lang pagmamay ari na kita ngayon!" Wika nito pagkatapos ako nitong Lapastanganin muli. Walang humpay ang pagbagsak ng luha sa aking mga mata naramdaman kong gumalaw ang kama tanda ng bumangon na ito naramdaman kong sumara ang pinto.Niyakap ko ang aking hubad na katawan,tanging huni ng hangin ang tangi kong naririnig sa madilim na silid na ito. "Hanggang kailan ako pagsasamantalahan ng lalaking 'yon?!" Wika ko sa aking sarili pero bakit sa kabilang banda ay unti unti kong nagugustuhan ang ginagawa nito sa akin.Bakit nagugustuhan na iyon ng aking katawan napahawak ako ng madiin sa akin magkabilang braso at patuloy sa pagpatak ang mga luha kong kanina pa nag uunahan sa pagbagsak. --- Alam kong Unti unti nang nagugustuhan ni Selena ang nangyayari sa amin alam kong hahanap hanapin din ng katawan niya ang ginagawa ko sakanya. "Boss! nahuli na ang isa sa taohan ni Madison anong gagawin natin sa isang ito." Alam kong may isang taohan si Madison na nakasunod sa amin mabuti na lamang at napansin ko agad ito kaya naman pinakilos ko agad ang ibang taohan ko para hanapin ito. "Te-teka! maawa kayo sa akin." Wika nito nilapitan ko ito kasabay ng pagsuntok ko dito ng malakas napadaing ito sa sakit. "Akala mo ba'y makakaalis ka pa dito ng buhay sa teritoryo ko huh! alagad ni Madison!" Lumuhod ito at nagmakaawa pa sa akin.'di ko ito pwedeng buhayin dahil baka makawala lang ito at magsumbong kay Madison. "Boss! parang awa niyo na may pamilya po ako 'di ko sinasadyang masundan kayo pangako po 'di ako magsusumbong kay Senador palayain niyo lang ako!" Pagmamakaawa pa nito sa akin pero 'di ako nakinig dito. "Xian! kayo na bahala sa Gagong 'yan.!" Pinaubaya ko na sa mga taohan ko ang isang 'yun.Nakuha namin ang perang dala ni Madison at bunos pa ang mga ilegal na sandatang dala ng ka-transaction nito,magaganda ang uri ng baril ang mga ito.Paniguradong nagwawala na sa galit ang Henry Madison na 'yun. --- 'Di ko namalayang nakatulog ako sa pag iiyak ko 'di ko na nagawang mag suot ng damit.Nagising na lang ako dahil may mabigat sa parteng tiyan ko ng kapain ko iyon. May isang braso nanaman ang nakayapos sa akin at alam ko na kung kaninong braso iyon walang iba kundi sa kidnapper na ito.Mukhang naalimpungatan ito kaya mas lalo pa ako hinigit nito palapit sakanya nakaunan ako sa matitipunong braso nito habang nakayakap ito sa akin. Hindi ko alam pero bakit ayaw tumutol ng katawan ko ni ang isip ko ay ayaw.Bakit parang ang sarap makulong sa bisig nito. Umayos ako ng higa tumagilid ako paharap dito para maaninag ang mukha nito.Pero madilim talaga kaya kinapa ko na lang ang mukha nito. "Hmmmmm?" Gumalaw ito ng bahagya pero mukhang tulog na tulog na muli ito. Kinapa ko ang mukha nito makapal ang kilay nito at matangos din ang ilong may kaunting bigote ito pati sa tagilirang Pisngi huli kong kinapa ang labi nito malambot iyon at parang korting puso ito .Nagulat ako ng bigla nitong kagatin ang daliri ko akala ko'y tulog ito. "Bwesit ang gaga ko talaga nahuli pa ata akong hinahawakan ko siya sa mukha baka mamaya pagsamantalahan nanaman ako nitong lalaking ito. Pero bakit parang gusto ng katawan ko!" Wika ko sa aking isipan napakagat labi ako nagtulog tulogan na lamang ako pero ang lapastangang lalaking ito ay mukang nagising na ang alaga. "Hmmmmm! baby, wag mo akong subukan! nagagalit na ang alaga ko baka mapalaban ka!" Wika nito at lalo pa ako nitong niyakap nagulat naman ako ng itaas nito ang kumot at ikinumot sa hubad namin katawan. "Matulog na tayo baby alam kong masyado ka nang napagod kanina!" Wika nito sa antok na boses hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa akin. Bakit ang sarap sa pakiramdam na mayakap nito bukod sa mabango ito nasasanay na ako katabi ito sa pagtulog kahit dalawa beses ko pa lamang ito nakakatabi matulog.Ipinikit ko na lang muli ang aking mga mata hinayaan ko na lamang ito yakapin ako. --- "Mga wala kayong kwenta!! Sino ang grupong 'yun? SINO KA HAYOOPP KA??!!" Naihagis ko ang mga gamit na nasa table ko nasa kalagitnaan na kami ng trasaction ng bigla may sumugod sa amin mas marami itong taohan kesa sa akin at sa ka-transaction ko.Kinuha nito ang pera hawak ko at ang mga baril at ibang epektos na dala ng ka-transaction ko.Nagpalitan din kami ng putukan ng baril may ilan sa mga taohan ko ang nalagas at alam kong meron din nalagas sa mga taohan nito. Ang malaking palaisipan sa akin kung sino ang grupong iyon at paano nito nalaman ang trasaction kong ito. Akala ko'y napatay ko na ang hudas sa organisasyon ko pero mukang meron pa rin natitira at 'yun ang kailangan kong alamin kung sino ang tunay na nag huhudas sa akin sa pangalawang pagkakataon malaking pera nanaman ang nawala sa akin. "Senador! wala po kaming Idea kung sino ang grupong 'yun.Pero sa palagay ko po ay matagal na kayong sinusubaybayan ng grupong 'yun kaya alam nila ang bawat galaw niyo." Tama si Diego sunod sunod ang pag atake ng mga ito sa mga trasaction ko ang nakakapagtaka lang paano nalalaman ng grupong 'yun ang mga plano ko. "Diego! may nagtataksil pa ba sa grupo nati alamin mo kung sino na naman ang nag huhudas sa grupong ito.at alam muna ang gagawin mo Diego once na malaman mo kung sino ang hudas sa Grupong ito!" Wika ko sa pinagkakatiwalaan kong taohan na si Diego agad naman itong tumalima sa sinabi ko. Nagpaalam na agad ito sa akin at naiwan akong nag iisip kong sino sa mga kaaway ko ang may kagagawan nito. Idagdag pa sa problema ko ang anak kong hanggang ngayon ay wala ako makuhang balita kong sino ang kumuha dito. --- "Teka! bata saan ka pupunta sandali lang sasamahan kita!" "Wag ka na sumunod sa akin baka mapahamak ka pa!" "Pero teka sasama ako sayo maglaro pa tayo." "Ang kulit mo talaga Selen" "Huh! teka paano mo nalaman ang pangalan ko bata?" "Ang dami mo namang tanong umalis ka na nga mamaya mapahamak ka pa pag nakita ka ng masasamang tao eh." "Hmmm! ang daya mo naman ano bang pangalan mo bata?" "Ako si Zedrick Ash-" "Huh! teka! bitiwan niyo siya ang bad niyo bitiwan niyo ang kaibigan ko." "Selena! takbo na bilis!!" "Zedrick!!" Napahawak ako sa aking dibdib taas baba ang paghinga ko.Napanaginipan ko nanaman ang batang 'yun. Ang tagal nang panahon na 'di ko ito napapanaginipan at ngayon lang ulit ang batang 'yun ang nagligtas sa akin sa mga batang nang bu-bully noon sa akin sa Park.Limang batang lalaki ang pinagsusuntok nito dahil binabastos ako ng mga ito pagkatapos niyang gawin 'yun sa mga batang lalaki tinulungan ako nitong makatayo sinundan ko ito at sinabi kong maglaro kami pumayag naman ito.Maya maya lang bigla itong tumayo at akmang aalis na sumunod ako dito kaso ayaw nitong pasunudin ako hanggang sa may mga lalaking kumuha dito.Hahabulin ko pa sana ito pero sumigaw na ito na tumakbo daw ako kaya naman dalian ako sa pagtakbo nagtago pa ako sa malaking puno at nakita kong ipinasok ito ng masasamang tao sa isang puting kotse. "Asan ka na? kaya Zedrick Ash?" ' Yun lang ang tanging natandaan ko sa pangalan ng batang lalaking 'yun, siguro kong buhay pa ito at sana naman ay buhay pa ito matanda lang ito sa akin ng limang taon.Ako'y 23 na at ito ay 28 years old na,sana nakaligtas ang batang 'yun sa mga kumidnap sakanya.Bumangon na ako at naligo kagaya ng nakaraang umaga wala na ulit ang lalaking 'yun sa tabi ko. "Siguro kailangan ko na lang sakyan ang gusto ng lalaking 'yun Tama 'di na ako manlalaban dito kailangan kong makuha ang loob nito para payagan ako nitong makalabas labas kahit na sa bahay na ito lang at pag nakakuha ako ng pagkakataong makatakas saka ako tatakas.Selena ang talino mo talaga!" Wika ko sa aking sarili habang naliligo tama kailangan kong maging mabait total nakuha na niya ako at 'di na iyon maibabalik pa kaya kailangan ko na lang sumunod sa mga gusto nito at kunin ang tiwala nito.Pagkaligo ko dumeretso ako sa malaking cabinet sa kwartong ito at kumuha ng isang dress na kulay yellow.Kailangan kong mas maakit ang lalaking 'yun.Ipagkakaluno ko na ang aking katawan makatakas lang sa puder nito nag ayos ako ng aking sarili dahil sa ilang araw na pag iiyak wala na sa ayos ang itsura ko. Sumilip ako sa bintana nakita kong maraming lalaking nakaitim doon at mga armado ang mga ito,wala akong makitang babae puro lalaki lamang ang nandito sa bahay na ito. Maya maya pa may nakita akong lalaking naiiba ang tindigan sa mga ito mataas ito at kahit nasa mataas akong lugar kita ko ang ganda ng pangangatawan nito.bigla ako kinabahan bumilis ang t***k ng puso ko bakit parang kilala ko ang likod nito.familiar din ang tindigan nito.isang tao lang ang naisip ko si Tristan Ashford. Bigla itong lumingon sa Pwesto ko at bigla akong nagtago sa kurtena ng silipin ko muli ito ay nakasakay na ito sa kulay itim na sasakyan.Nabigo nanaman akong makita ang mukha nito andun na sana ehh makikita ko na ang mukha nito kung 'di lang sana ako bigla nagtago sa kurtena na kilala ko na sana ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD