"Oo, sisiguraduhin ko talaga at mahirap na," wika pa niya kaya lamang ay kitang-kita niya sa kaibigan na todo ang pagpipigil nito na tumawa. "Ano na naman, Best?" kunot ang noong tanong niya sa kaibigan. "Ikaw kasi. Sobrang nakakatawa ka. Biruin mo rati ayaw na ayaw mo si Rodrigo. Sagad hanggang buto ang pagkamuhi mo sa kanya. Nakuha mo pa ngang magplano na magpabuntis sa iba dahil hindi mo maatim na magkakaanak ka sa kanya. Tapos ngayon, heto ka," wika nito sabay hagod sa kabuuan niya. "Todo ang pagpaplano mo na makuha si Rodrigo." "Oo na! Huwag mo ng ipamukha sa akin na kinarma ako. Tanggap ko na iyan." "Parang biglang baba ang loob ka pa ngayon. Ganyan ba talaga kalakas ang patama ni Kupido sa'yo?" "Baka," kibit ang balikat na wika niya. Maging siya ay hindi niya akalain na magiging