Alex :
Matapos ang kanilang pagniniig ay ramdam niya na nakatulog na sa kanyang tabi ang lalaki. Kinapa niya ang kanyang maskara at isinuot. Pagkuwan ay binuksan niya ang lampshade. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang lalaki. Nakakatuwang pagmasdan ang mukha nito habang natutulog. Parang napakabait nito. Para sa kanya ay mukhang anghel ito. Sayang nga lamang at hanggang dito na lamang sila. "Sana ay agad tayong nagkakilala," hindi niya napigilan na sabihin dito kahit na alam niyang hindi siya nito maririnig. "Salamat sa alaala." Kahit paano ay lumigaya siya kahit sandali. Hindi niya napigilan ang mangilid ang luha niya. Sa isang araw ay ikakasal na siya. Hindi niya alam kung ano'ng kapalaran ang naghihintay sa kanya. Pinalis niya ang luha. Umaasa siya na sana ay tagumpay ang lahat. Sinimulan na niyang isuot ang dalawang kapirasong suot. Sa huling pagkakataon ay niyakap niya ang lalaki at hinalikan sa labi. Napakislot ito sa ginawa niya. Mabuti na lamang at hindi naman niya ito nagising. Ipinasya na niyang lumabas ng unit nito at pagkatapos ay mabilis na tinalunton ang daan papuntang dressing room. Salamat at walang tao. Kinuha niya sa lagayan ang key card ni Angela. At pagkatapos ay tangka na sana siyang lalabas nang makasalubong niya ang isang katrabaho ni Angela.
"Wow, Angela, tapos na ang show nakamaskara ka pa rin," mababakas sa tinig nito ang pang-uuyam.
"Lucky charm ko kasi ngayon ang maskara na ito," wika niya sa tinig ni Angela. Pinag-aralan niyang gayahin ang boses ni Angela. "Gusto ko hanggang umuwi ako suot ko ito. Para sunod-sunod ang swerte ko," kaswal niyang sagot sa babae.
"Talaga lang ha? Napansin ko lang para kasing may kakaiba sa'yo eh. Hindi ko lang maisip kung ano." Pagkuwan ay pinagmasdan siya nito. Naalarma siya na baka makahalata ito na hindi siya si Angela. Kung hindi lamang sana ito nakaharang sa daraanan niya ay nakaalis na sana siya. Hindi rin naman siya pwedeng lumikha ng anumang gulo dahil alam niyang sa huli ay pagsisisihan niya. Kailangan niyang magpakabait.
"Oo naman. Talagang may iba sa akin ngayon. Kasi itong maskara ko, swerte. Kita mo naman kanina, hindi ba?" kampanteng wika niya. "Kaya nga gusto ko hanggang umuwi ako suot ko ito. Kahit ngayong gabi lang… Alam mo na." Kailangan niyang maging alerto. Baka mamaya ay bigla nitong hablutin ang maskara niya. Mabubulilyaso lahat ang pinlano nila kapag nagkataon. Ramdam niya ang inggit nito. Pagkuwan ay lumapit siya rito pero sinigurado niya na handang-handa siya kung may balakin man ito. Aminado siya na hindi talaga siya matalino. Pero hindi naman siya ta*ga para maisahan ng iba. Sa panahon ngayon minsan ay kailangan mo na maging alisto. "Bukas ipapahiram ko sa'yo ang maskara na ito," nakangiti niyang wika rito. "Para swertehin ka rin." Kailangan niyang isahan ito. Kung hindi ay baka siya ang maisahan. Sa sinabi niya ay kitang-kita niya ang pag-aliwalas ng mukha nito. Ramdam niya na natuwa ito sa sinabi niya.
"Totoo iyan ha! Aasahan ko iyan," masayang wika nito sa kanya.
"Oo naman! Syempre dapat lahat tayo swertehin! Sige na. Mauuna na'ko! Hinihintay pa ako ng boyfriend ko. Para maka-two rounds, alam mo na!" may pilyang ngiti sa labing wika niya rito at mabilis na siyang tumalilis at baka mahalata pa siya nito.
Naiwan na iiling-iling ang babae. Pagkuwan ay nag-isip. "Boyfriend? May boyfriend na naman siya?" tanong nito sa kawalan. "Sabagay, baka nga may bago na naman ito." Nagkibit ng balikat ito. Excited na ito sa maskara na ipapahiram ni Angela sa kanya bukas.
Nakahinga nang maluwag si Alex nang nasa labas na siya. Hawak pa niya ang dibdib nang makalabas sa club. Mabuti na lamang at natakasan niya ang babaeng iyon! Hays, may mga babae pa pala sa labasan. Kailangan niyang maging kalmado. Prenteng lumakad siya palabas. Dalangin na lamang niya na sana ay nakaabang na si Mika agad sa kanya.
"Hello, Angela. Swerte ka yata ngayong gabi sa maskara mo," dinig niyang bati ng mga babaeng katrabaho ni Angela.
"Oo medyo lang. Mauuna na'ko ha!" Kumaway na siya sa mga ito at ngumiti habang malalaki ang hakbang sa paglalakad.
"Angela, naging star of the night ka lang kanina! Ang yabang mo na!" naiinis na wika sa kanya ng isa.
Hindi na niya pinansin ang sinasabi pa ng mga ito sa kanya. Hindi naman niya kilala ang mga ito. Natanaw na rin niya ang kotse ni Mika na nakailaw. Mabilis siyang tumakbo. Samantalang si Mika ay agad na binuksan ang pinto upang makasakay si Alex.
"Best," humihingal na wika niya habang si Mika naman ay mabilis na pinasibad ang sasakyan. Nang makalayo na sila ng bahagya sa club ay roon pa lamang nagsalita si Mika.
"Ano'ng nangyari, Best?"
"Ayos naman. Mahirap lang talaga nang palabas na ako. Tama ang sinabi ni Angela. May inggitan sa loob. Mabuti na lamang at nakalusot naman ako."
"Maganda kung ganoon. Wala ba'ng nakahalata sa'yo?" tanong nito habang nasa daan pa rin ang tingin nito.
"Wala naman siguro. Nag-ingat din kasi ako."
"Mabuti naman kung ganoon… Hindi rin ako mapakali kanina sa labas. Iniisip kita kung okay ka lang." Pagkuwan ay inihinto nito ang sasakyan at niyakap siya. "Salamat at okay ka, Best."
Na-touch siya sa pag-aalala nito. "Ano ka ba, Best. Okay ako lagi. Hindi lang ako ganoon katalino pero pagdating sa mga ganyan, magaling ako," natatawang wika niya rito.
Umalis na ito sa pagkakayakap sa kanya. Pinahid nito ang ilang butil ng luha na tumulo sa mga mata nito. "Pasensya na, Best, nag-alala talaga ako."
"Salamat, Best," hinawakan nito ang palad ng kaibigan. "Paano kaya ako kung wala ka?"
"Baliw pa rin!" Nagtawanan silang dalawa.
"Oh, siya. Mamaya na tayo magkwentuhan. Kahit na excited na sana ako'ng malaman ang nangyari sa iyo sa club ay pipigilan ko muna ang sarili ko na magtanong. Para naman manamnam ko ang buong pangyayari," nakangising wika nito sa kanya. "Tutal, malapit na rin naman tayo."
"So, success ba ang plano?" Pagkapasok pa lamang nila sa kwarto ni Mika ay tinanong na siya agad nito. Parang kiti-kiti pa ito na hinawakan siya sa kamay habang patungo sila sa higaan nito.
Kunwari ay hindi siya masaya. Malungkot na tiningnan niya ang kaibigan.
"Akala ko ba, okay lang ang---."
"Oo, Best! Success!" Kinikilig na wika niya rito.
"G*g* ka'ng talaga!" Binatukan siya nito. Tumawa lamang siya sa ginawa nito. "Pinakaba mo'ko!" naiinis nitong wika. "So, ano na?!"
"Ihhhhh, Best," kinikilig pa rin na wika niya rito. Pagkuwan ay ibinaling ang nagniningning niyang mata sa kisame.
"Mukhang gwapo ang natapat sa'yo ha?"
"Naku, Best!" Hinawakan pa nito ang braso ni Mika dahil sa sobrang kilig na nadarama. "Hindi lang gwapo! Kung hindi sobrang gwapo! As in!"
"Ayos kung ganoon. Masaya ako para sa'yo."
"Salamat, Best. Ngayon ko lang naramdaman ito." Inilatag niya ang sarili sa kama.
"Halata nga! Kahit ako ngayon lang kita nakitang ganyan. Iba rin talaga ang hatid ng nadiligan ano? So, how's your experience? Ano'ng pakiramdam ng na-v*rgi*? Masarap ba?" pilyang tanong nito sa kanya.
"Grabe, Best! Hindi lang masarap! Heaven!" ma*an*ing sabi niya sa kaibigan. "Masakit lang talaga sa una. Pero hays." Nakaramdam siya ng lungkot.
"Bakit?"
"Nanghihinayang lang ako, Best. Sayang, hanggang doon na lang ang lahat."
Pinisil ni Mika ang kamay niya. Bilang kaibigan ay nauunawaan siya nito. "Ganoon talaga, Best. Atleast, nakapag-enjoy ka kahit sandali."
"Sabagay," sagot na lamang niya sa kaibigan. Ipinasya na nilang magpahingang dalawa. Ilan araw na rin kasi silang kulang sa tulog.
Ygo :
Hindi na namalayan ni Ygo na nakatulog siya. Dala marahil ng pagod. Tiningnan niya ang oras sa kanyang wrist watch. Alas diyes na pala ng umaga. Pagdating kasi niya sa airport ay dumeretso na siya sa Laguna. Sinundo siya ni Dylan at dumeretso na nga sila sa sinasabi nitong club. Nang maisip niya ang club. Oo nga pala! Nasa club siya. Sa unit ni Dylan. Mabilis na rumehistro sa isipan niya ang nangyari nang nagdaang gabi. Tumingin siya sa gawing kanan ng higaan. Napabangon siya. Wala na pala ang nakamaskarang babae na may pangalan na Angela. Ang naiwan na lamang rito ay ang mabangong amoy nito na humalo sa hinigaan nito. Ang pabango na umakit sa kanya. Sayang at hindi man lamang niya nakita ang mukha nito. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya naakit dito kagabi. Katawan lamang naman halos ang nakikita niya rito dahil tinakpan nito halos ang buong mukha nito ng maskara. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit sa huling sandali ay nakipagtawaran siya sa bidding upang sa kanya ito mapunta. Basta bigla na lang niyang naisipan na dapat ay sa kanya ito mapunta. Hindi makapaniwala si Dylan sa kanya. Pero ginawa nito ang lahat para sa kanya upang mapunta ang babae sa kanya. Kaya sa bandang huli ay siya ang naging highest bidder. Nang palapit na siya rito ay hindi niya maipaliwanag ang kabog ng kanyang puso nang magtama ang kanilang paningin. Nadismaya pa nga siya nang biglang alisin ng babae ang paningin sa kanya at ibaling sa dalawa pang bidder ang atensyon nito. Naisip niya na baka hindi siya nito type.
Akala niya ay hindi siya ang pipiliin ni Angela pero sa bandang huli ay pinili siya nito. Kakaibang saya ang hatid niyon sa kanya. Hindi niya napigilan ang sarili na halikan agad ang labi nito nang utusan ito ng anouncer na halikan siya. Nahaplos niya ang hinigaan nito. Naiwan rin ang natuyong dagta ng dugo mula rito. Hindi niya akalain na birhen pa ang babae. Sa klase ng trabaho nito ay walang mag-iisip na birhen ito. Pero inialay nito sa kanya ang virginity nito. Iyon marahil ang dahilan kaya nagsuot ito ng maskara. Dahil sa pag-aalay ng virginity nito sa kanya. Kaawa-awang dalaga. Hindi na nga sana niya ito gagalawin kagabi. Binigyan pa nga niya ito ng pagkakataon na umalis pero hindi ito umalis. Pinipigilan niya ang nararamdaman pero lumapit pa kasi ito sa kanya. Kaya sa huli ay humantong sila sa kama.