DUMAAN pa ang isang linggo at normal pa rin ang buhay nila lalo na ni Isabel. Mahirap man ngunit masaya. Long distance sila ni Winston kailangan daw nitong magreport sa hospital upang hindi siya pagdudahan ng mga magulang niya lalo na ni Lanie. Sa pagkakaalam ni Lanie ay isa siyang doctor katulad ni Lei. Nag-aral siya ng medicine pero hindi siya nakapasa sa exam dahil mas priority niya ang organisasyon. Ang isang buwan na sahod sa hospital ay barya lang sa perang nakukulimbat nila mula sa mga droga. Pero si Kaden alam ang kabalbalan niya ngunit wala itong magawa kundi ang itago rin sa asawa ang totoo upang hindi masaktan si Lanie. “Anak, maiwan na muna namin kayo ng Papa mo. Nandito naman ang ate Lei mo at ang lola mo. Tawagan moa ko kung may problema, okay?” malambing ang boses ni Lan