Kabanata 38

1492 Words

Nakaakbay si Banog kay Isabel habang naka-kapit naman ang dalaga kay Banog. Paika-ika silang naglalakad papasok sa loob. “Sigurado ka ba dito sa pinuntahan natin?” kunot noong tanong ng dalaga dahil kung titingnan mo ay napakasimple lang ng bahay. Ni walang mga bantay pero may dalawang malalaking aso. Hindi basta aso lang dahil nakakatakot silang tingnan at hindi tumatahol. Hindi niya alam kung anong breed ng aso pero natitiyak ni Isabel na hindi ito katulad sa aso ng kapitbahay nila. “Hindi ako puwedeng magkamali, Isabel. Ganito talaga si boss namumuhay ng simple para hindi kahina-hinala sa mga parak. Wala dito ang mga droga niya kapag ganitong oras nandito si boss sa bahay niya. Hindi kumibo si Isabel at inakay pa siya. Hanggang sa nakarating sila at sinalubong sila ng kasambahay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD