PROLOGUE

1343 Words
SEXILLE ALONA IGNACIO - The Billionaire's Secret Mistress PROLOGUE Masyado malalim ang kanyang iniisip. Hindi niya maintindihan sa kanyang sarili kung bakit sobrang pinahihirapan siya ng kanyang utak sa pag-iisip sa pagkakamali na nagawa niya sa kanyang sarili. Mali nga ba talaga na nagmahal siya? Nagmahal lang naman siya. Ngunit dito siya binagsak. Sa makipot at mainit na lugar ng kanyang tiyahin. Nangangarap lang naman siya na maging maayos ang buhay niya. Pero hindi sinasadya sa pangarap niya na makapag mahal ng lalaking mag-aahon sa kanya sa kahirapan. Nagmahal sya ng lalaking hindi siya matanggap. Maging ang batang dinadala. Ayaw nito, paniwalaan na sa kanya. Na siya ang ama. Kahit may nangyari naman sa kanila. Ngunit iyon ay isang hindi sinasadya at hindi lalo... nasa plano ni Alona. Oo mahal niya ang tao na yon. Minahal niya ito. Pero wala sa plano niya ang ipagkanulo niya ang kanyang sarili upang makuha lang ang tao na 'toh. Hindi niya kayang gawin iyon. Lalo na at naglagay siya ng limitasyon sa pagitan niya at nang lalaking yon. Pero, ganun pa man. Dito pa rin siya bumagsak. Ang tanga-tanga niya. Ang lagi niya ngayon sinasabi sa kanyang sarili. “Ano na ang balak mo?" napalingon siya. Buong akala niya ay nag-iisa lang siya sa labas ng bahay. Nakaupo sa may pinutol na tuyong kahoy na ginawa na lang na upuan. Kangina pa siya nakaupo don. Habang malalim ang kanyang iniisip. At malayo na ang narating ng kanyang pagninilay-nilay sa mga nangyari bago pa man siya napunta sa bahay ng kanyang tiyahin. Iniisip niya talaga mabuti ang mga pagkakamali niya bago siya napunta sa kanyang sitwasyon. “Masyado naman malalim iyan. Bakit hindi ka pumasok sa loob? Masyado na malamig dito. Kawawa naman ang sanggol na dinadala mo." pahayag ulit na sabi ng kanyang auntie Leonor. Mahina lang itong nagsalita habang inaaya siya pumasok sa loob ng bahay. Malamig naman talaga na sa labas ng bahay. Gabi na rin. Ang simoy ng hangin nanunuot sa balat ang lamig. At kapansin-pansin sa kanya ang panlalamig habang yakap niya sa magkabila niyang braso na pinagsalikop sa kanyang katawan na nilalamig. Ang lamig talaga. Lalo na nang biglang ihip ng hangin na malakas. Nilamig talaga siya at medyo nakaramdam siya ng pananakit sa kanang bahagi ng kanyang puson. Na pahawak tuloy siya don. Napangiwi na nakita ng kanyang auntie Leonor. “Okay ka lang? Sinabi ko na sayo. Halika na, pumasok muna tayo sa loob ng bahay." Aya nito na inalalayan siya na makatayo. Sumakit ang puson niya. Ilang buwan na rin ang sanggol na dala-dala niya. Sa ilang buwan na yon. Ganun katagal na rin siya nagtatago. Sa ama ng sanggol. Sa ama ng kanyang anak. Sa lalaking minahal niya. Sa lalaking nantaboy sa kanya at ayaw siyang paniwalaan. Na sa kanya ang sanggol na ipinagbubuntis niya. “Tara na, tumayo ka na diyan. Hindi naman kita pwede buhatin. Mahihina na itong mga braso at binti ko. Kaya tumayo ka na nang makapasok na tayo sa bahay. Malamig na talaga dito. Kasi nga ay hating gabi na." pahayag ulit ng kanyang auntie Leonor habang ito ay dumadaldal inalalayan pa rin siya na makatayo upang pumasok sa bahay. Akay siya nito na naglalakad sila patungo at papasok sa isang maliit nitong bahay kubo. Hindi naman totally na yari sa kahoy at dahon ng niyog ang mga atip nito. Kalahati ng bahay nito ay yari na sa semento. Sementado na rin ang sahig ng bahay ng kanyang tiyahin. Nuon kasi ay talagang pure na kahoy at sawali na may dahon ng niyog. Ngayon ay nag-improved na ang bahay ng kanyang tiyahin. Nag-iisa na lang din ito sa buhay. Sa bahay lang naman nito. Nakapag asawa na rin kasi ang mga anak nito. Kaya iisa-isa siyang namumuhay sa maliit niyang bahay. Pero kung hindi lang nakapag-asawa ng maaga ang mga anak nito. Baka sakali sana. Ang bahay na gawa sa kahoy nuon. Ay naging pure na yari sa semento at bato. “Ikaw na bata ka talaga. Ang lalim ng mga iniisip mo. Pero ang sanggol diyan sa sinapupunan mo. Ang dapat na iniisip mo." puna na pahayag ng kanyang tiyahin. Nasa loob na sila ng bahay nito. Pinaupo muna siya sa isang silya. “Maupo ka muna dito. I-kukuha kita ng maligamgam na tubig na maiinom mo. Nang hindi ka nilalamig. Dito ka lang muna ahh." sabi na pahayag ng kanyang tiyahin. Umalis na rin ito matapos sabihin yon. Siya naman ay napabalik ulit sa mga iniisip niya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata habang naisandal ang likod sa kawayan na silya. Tumba-tumba kung tawagin. Parang duyan ng ini-ugoy-ugoy niya ang kanyang sarili habang nakasandal at ang paa nakatapak sa magkabila nitong nakausling paa. She saw the beautiful face of that guy that she was in love with. Napaka gwapo nga kasi nito. Kaya agad siyang nahulog. She didn't know how to act even when that guy faced her. Sa tuwing napagawi ito sa kanya. Sa pwesto niya sa opisina. Natataranta siya at hindi malaman ang gagawin niya. But, the secret. The worst ever happened to her. She falls in love with him. Nakuha siya sa mga madalas na pag-susungit nito sa kanya. Sa mga parang kumikislap nitong mata at madalas na pagtitig sa kanya sa tuwing tatayo siya sa harapan ng lalaking yon. But, after all. Sa lahat ng mga nangyari. Saka niya lang nalaman. She was a mistress. Nang hindi niya agad nalaman. Nang hindi niya agad natuklasan. Nang hindi agad nito inamin sa kanya. Kung hindi pa siya nabuntis. Hindi pa nito sasabihin na siya pala ay isang kasal na tao at siya na tanga… Isang itinatagong mistress sa asawa nito. Tuluyan na bumuhos ang luha sa mga mata niya. Tuluyan na siyang napaiyak at muli ay napahagulgol habang ang dalawang kamay niya. Ang dalawang palad nya ay pinagsalikop sa mukha n'ya upang duon... Mas lalo lang siya napaiyak. She remembered again that day from the moment kung saan nalaman niya at sinabi nito habang umiiyak siya na inamin niya dito ang tungkol sa ipinagbubuntis niya. Nagtatalo na sila that time. “MASAMA BA NA NAGMAHAL AKO?" “MASAMA BANG MINAHAL KITA?" mga salitang namumutawi sa bibig niya habang kaharap at kausap ang lalaking mahal niya. Umiiyak na siya. Habang nakaupo na nakaluhod sa harap nito. Habang nakikiusap siya. Habang sinasabi niya ang tunay na nararamdaman niya para sa lalaki. “I am sorry, pero kasi…" “Anong pero? Ngayon pa ba na buntis ako?" hindi na niya napigilan ang banggitin ang ipinagbubuntis niya sa lalaki. Kagat niya ang labi at pinipigilan niya ang pagbagsak muli ng luha niya nang makita niya ang itsura ng lalaki. Hindi agad ito nakakibo. Hindi agad ito nakapagsalita matapos marinig mula sa bibig niya ang balitang nakapagpapanting sa tainga nito. Tila ba parang nabibingi ito. At walang narinig. “A-ano? Bakit hindi ka makapagsalita? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Buntis ako. Buntis ako." ilang beses pa niya inulit. Buntis ako, buntis ako. Pero tumalikod ang lalaki. Saka sinabi. “I am so sorry. But hindi ko kayang panagutan iyan. May asawa ako ayokong magkaproblema kami ng dahil lang sa batang dinadala mo. And how I can make sure na sa akin nga talaga ang sanggol na nandyan sa sinapupunan mo?" tila siya sinampal ng sampung beses. Kung nagpanting ang tainga ng lalaki ng sabihin niyang buntis siya. Mukhang mas matindi ang sa kanya. Naka-bibingi ang winika nito at halos paulit-ulit sumasampal sa kanyang mukha. Ang masaya na pag-uusap nila nauwi sa isang malungkot na pag-uusap. At iyon na pala ang huli din nila pagkikita. Araw-araw iniiyak niya lahat ng sakit sa puso n'ya. Ang lahat ng mga maling kasalanan at nagawa niya. Iniiyak niya. Maibsan lang at mabawasan ang sakit sa dibdib. Mapawi lang lahat. Upang makayanan niya para sa magiging anak niya. Paano na nga ba ang gagawin niya? Ngayon na mag-isa niyang dala-dala ang sanggol sa sinapupunan niya. Paano niya sasabihin sa magiging anak niya na siya ay anak sa labas. Habang siya na Ina. Isang mistress pala…

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD